Chapter 7

56 0 0
                                    

KINAPA KAPA ni AJ ang kama. At ng hindi maramdaman si Tiffany ay agad itong tumayo. Anung oras lamang ba nun?

Tinignan niya nag bed-side clock, alas-siyete pasado palamang. Imposible namang maaga ito gumising dahil sa nangyari ng nakaraang gabi ay parehas silang pagod.

Tumayo siya sa kama, at tinignan ang kamang inokupa ni Tiffany. Gusot gusot ang bedsheet, at may bahid ng dugo ang kama. Palatandaan ng naganap noong nakaraang gabi.

Dalidalian siyang naligo, dahil baka naghihintay sakanya ang asawa niya sa kusina.

PAGBABA niya ng hagdan ay nakita niya ang kanyang ina na nag hahanda ng agahan. Nilapitan niya ito at hinagkan sa pisngi.

“Good morning nay. Where’s Tiffany?” tanong niya dito.

“Aba ewan ko. Sa kwarto mo natulog yun diba? Bakit saakin mo tinatanong. Atska hindi ko pa siya nakikita mula ng pumasok siya sa kwarto niyo kagabi.” gulong gulong sagot ng ina niya. At patuloy parin sa ginagawa.

“Po? Wala sa kwarto. Nagising ako na wala siya.” nag isip ito saglit at bumalik sa kwarto.

Dali dali umakyat si AJ sa hagdanan. Pag pasok niya sa loob ng kwarto ay agad niyang hinanap ang bag ni Tiffany. Ngunit wala ito. Pero nandoon ang maleta na dala nito noong nakaraang araw. May lamang ilang gamit.

Pumasok siya sa banyo. Wala rin doon ang sipilyo nito.  At kahit ang suot nito ng nakaraang gabi ay wala rin.

Kinuha niya ang cellphone sa bedside table, at dinail ang number ni Tiffany ngunit naka patay ito. Sunod niyang dinaial ang numero ng ina ni Tiffany. Naka tatlong ring ng sagutin ito.

“Ma, nandiyan po ba si Tiffany?” tanong niya dito.

“Wala dito. Bakit?”

“Wala po?Saan ba yun nag punta… Sige po ma, salamat.” agad niyang binaba ang cellphone.

Naupo si AJ sa kama at inihilamos sa mukha ang mga kamay. Gusto niyang magalit sa sarili dahil hindi niya pinigilan ang pag papakasal nila. Edi hindi na sana si Tiffany mahihirapan? Hindi na ito tatakas. Kung tumakas man ito.

Dinail niya naman ang number ni Jorge. Dahil ito lang naman ang kilala niyang kaibigan ni Tiffany.

Naka limang ring ang telepono ng sumagot ito. “Pare,” bati ni AJ dito.

“Oh bakit ka napa tawag?” sagot ng nasa kabilang linya na tila naalimpungatan pa.

“Nakita mo ba si Tiffany?”

“S-si Tiffany? D-di ko alam eh…” mautal utal nitong sagot.

“Sige salamat.”

AGAD na kinuha ni AJ ang susi ng kotse niya. Mag iikot siya sa village nila dahil baka sakaling makita niya si Tiffany. At maya maya lang ay pupunta siya sa school ni Tiffany dahil baka sakaling alam ng bestfriend nito kung nasaan ito.

Kung saan saan na siya nakaabot ngunit hindi niya talaga alam kung nasaan ito. Tinawagan niya muli ang cellphone nito ngunit, out of coverage area parin.

Sobra na ang pag aalala ni AJ kung nasaan ang asawa.  Iposibleng nakipag tanan ito sa iba dahil noon pa man ay alam niya ng wala itong ibang nobyo.

PAG BABA ni Tiffany ng eroplano ay tila ba gusto niya naman sumakay muli at bumalik ng Pilipinas. Ngayon ay milya milya na ang layo nila sa isa’t isa. Miss na miss niya na agad si AJ. Pero sigurado siya na hindi ito nag aalala sa kanya.

Masaya na siguro siya… usal ni Tiffany sa sarili. Naalala niya bigla ang ina. Alalang alala ito sakanya. Ngunit alam na naman nito kung nasaan siya. Alam na nito na pupunta siya sa Europa.Tinawagan niya ito ng nag stop-over sila sa HongKong kung saan din siya lumipat ng eroplano.

I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon