Chapter 2

73 0 0
                                    

Chapter 2

KINABUKASAN, nagising si Tiffany sa pag bukas ng pinto. Sumungaw dito ang mama niya, “Anak, wag ka na daw muna pumasok sabi ng Tita Violy mo. Siya na daw ang bahala sa mga prof mo.” umupo ito sa gilid ng kama ng anak. “Maya maya tumayo ka na diyan, ayusin mo na daw ang gamit mo. Para maihatid ka na sa Manila.”

Biglang na patayo si Tiffany sa narinig, “Manila? Bakit anung gagawin ko dun?” tanong niya na may halong pagkairita.

“Dun ka matutulog sa condo ni AJ. Mahirap kung sa hapon ka pa pupunta dun. Masyado ka ng matatagtag sa biyahe.”

Bumalik sa pagkakahiga si Tiffany at tinaklob sa sa mukha ang comforter. “Ayoko nga… Bakit ka kasi pumayag?”

“Anak naman, mahihirapan ka kaya. Atska ok lang naman yun, mabait na bata naman si AJ.”

“Pero ma, lalaki parin yun.”

“Gaga, papayag ba ako kung kayo lang dalawa? Kasama niyo yung isang katulong nila, yun rin ang makakasama niyo sa Baguio.” Tumayo ito sa kama at binuksan ang pinto. “O sige na, maya maya tumayo ka na diyan ah. Ayusin mo na ang mga damit mo.” At nag tuloy tuloy na itong lumabas ng kawarto.

Napahinga ng malalim si Tiffany. Buong akala niya ay apat na araw niya lang makakasama si AJ yun pala limang araw.

Gustong gusto nitong mainis sa sariling ina at gusto ring matuwa dahil ipinagkakatiwala siya kay AJ. Tumayo si Tiffany sa kama at nag punta sa cabinet niya na puno ng litrato at mga posters ng kanyang iniidolo, na si AJ Pascual.

“AJ, alam mo ba dati ang pangarap ko, maka kuha ng jersey mo. At nangyari na nga, binigyan mo na ako ng jersey mo, may warmer pang kasama at mga tshirts na galing sa team niyo.”

“Sobra sobra pa sa pangarap ko ang natupad. At ngayon heto, makakasama pa kita sa Baguio ng ilang araw. Ang saya ko, alam mo ba yun?” umiling iling si Tiffany sa kanyang ginagawa. Kinakausap niya ang poster ni AJ.

Third year highschool pa lamang siya ay hibang na hibang na siya kay AJ Pascual. Pero wala talaga siyang kaalam alam na ang tatay pala nito ay kaibigan ng papa niya.

Nang malaman niya yun ay halos walang paglagyan ang ka galakan sa puso niya. Mas lalo pa tuloy siyang nahilig sa panonood ng PBA dahil kay AJ.

“Hay nakakaloka, anu ba tong iniisip ko…” bulong ni Tiffany sa sarili at kinuha ang kanyang cellphone sa bed-side table.

Tinext niya si Ysabelle para ipaalam dito na hindi siya papasok.

‘Gud morning Ysa. I’ll be absent starting today and until Friday. Later kasi, pupunta na ako sa bahay ni AJ. Bakit? Because I will be sleeping there… Hay naku pray for me nalang. Have a nice day!’

Pagkatapos nun ay pumasok siya sa loob ng bathroom para magsipilyo at maligo.

Bago mag hilamos ay tinitigan niyang maigi ang kanyang itsura.

Iniisip niya kung dapat ba siya magpaganda sa pagkikita nila ni AJ. No, she’s already pretty. At wala namang dahilan para mag paganda siya.

Paglabas ng CR ay sakto naman ang pag ring ng cellphone niya. Ang tita Violy niya ang nasa kabilang linya.

“Hi Tita…” bati niya.

“Good morning. So ready ka na ba?” tanong ng nasa kabilang linya.

“Mag aayos palang po ako ng gamit. Pero naka ligo na naman po ako.”

“Edi mabuti. Sige neng, mag pahatid ka nalang sa driver niyo dito ah?”

“Ok po.” Agad niya ring binaba ang telepono at saka nag bihis.

I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon