Chapter 10 / Epilogue :D (FINAL)

40 1 0
                                    

Agarang umuwi si AJ sa Cavite. Pag dating niya ay nag diretso na agad siya sa library nila. Agad niyang kinuha ang mga photo album noong apat na taon na ang kanyang kapatid.

Hindi niya na napigilan ang pag tulo ng mga luha sa mga mata niya. The little kid is his daughter. Bakit kaylangan iyon itago sakanya ni Tiffany? Bakit ba kaylangan sabihin na ito na iba ang ama ng bata? Alam ba ng batang ito na siya ama nito?

Napaka raming tanong ang nag uunahan sa kanyang isip. Gusto niya ng mayakap ang bata. Gusto niya na itong makita.

Sa pag iisip nun ay biglang nag ring ang telepono niya. Ito ang kanyang ina, at agad niya ito sinagot.

“Nay?” bati niya dito.

“Anak, Tiffany’s dad already passed away.” mangiyak ngiyak na sabi ng kanyang ina.

“Where’s Tiffany?” tanong niya agad dito, “is she alright?”

“Of course hindi siya ok. Nandito pa kami sa ospital.”

“Sige ma. Pupunta na ako diyan ngayon din. Nandito ako sa Dasma.”

Yun lamang at binaba niya na agad ang kanyang telepono. Agad agad siyang umalis ng bahay nila para pumunta ng ospital.

SA OSPITAL, ay nakaupo lamang si Tiffany katabi ang kanyang mama at si Violy na kalong kalong si Antonia. Hindi niya parin matanggap ang maagang pag kamatay ng ama niya. Kalilipat lamang nito sa ospital na iyon ngunit bigla nalamang ito bumigay.

Sobra siyang nakokonsensya dahil hindi niya man lang nakasama ang papa niya sa mga huling araw nito. At ng huling araw na kasama niya ito ay sama ng loob ang binigay niya.

Nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha at nakayuko ng biglang may yumakap sa kanya. Sa paraan ng pag yakap nito ay gumaan ang loob niya.

Lalo niyang nailabas ang lahat . Pero sino nga ba ito?

“Big man, why are you here?” narinig niyang sabi ng kanyang anak. Big man, yun ang tawag ni Antonia sa ama nito.

Agad na kumawala si Tiffany sa pagkakayakap sakanya ng lalaki. At nalaman niya ngang si AJ talaga ito.

“Bakit ka nandito?”tanong ni Tiffany dito na namamaga parin ang mga mata sa pagkakaiyak.

“TO COMFORT my wife, of course.” tumayo si AJ at lumapit sa biyenan. “Ma, my deepest condolences.” sabi nito at hinagkan sa pisngi.

Tumango lamang ang matanda. Nilapitan naman ni AJ ang kanyang ina, “Anung oras po nawala ang tito?” tanong niya dito.

“Seven in the evening.” miski ang sarili niyang ina ay tulala rin sa nangyari. “Isama mo kaya muna siTiffany sa bahay?” sabi nito.

“Oo nga, Tiffany. Umuwi na kayo ni Antonia. Gabi na. Kaylangan ng magpahinga ng bata.” ani Teresa.

Did she just said Antonia? His name is Anthony. His father’s name is Antonio. Yes, it made all his speculations true. That little kid is his daughter.

Pero tila hindi napansin ni Tiffany na sinabi ng mama niya ang pangalan ng bata. “No, kaya kong mag drive.” giit ni Tiffany.

“No, ipapauwi ko nalang yan kay Manong Erning.” sabi ni Teresa sa anak. “Sige na Tiffany, dun na muna kayo kayna AJ matulog.”

Kitang kita ni AJ na hindi kayang mag maneho ni Tiffany. Tila wal a parin ito sa sarili. Kung mag isa lang to, ay puwede pa niya itong payagan mag maneho mag isa kaya lang kasama nito ang anak nila.

Kaya wala sa loob na sumunod si Tiffany kasama si Antonia kay AJ.

Nag tuloy tuloy sila sa bahay nila . At hinayaan niya nalamang na mag pahinga ito. Hindi niya ito kinomporta tungkol sa nalaman.

I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon