67

57 3 1
                                    

"Hi."

Tangina Eunha, bobo? Anong hi? BAKIT HI?

"Gabi na, anong ginagawa mo dito?" Ano nga ba ginagawa ko dito? Gusto ko ring itanong sa sarili ko 'yan eh.

"Ano uhmmm..."

Tiningnan ko 'yung sapatos ko. Wow ang ganda. Ay puta, naka tsinelas lang pala ako asdfghkl. Tiningnan ko naman 'yung pinto ng building ng dorm ng boys, ang taas naman pala ng pintong 'to. Gano kaya kataas 'to?

"Eunha."

"Taeyong?"

AAAAAAAAAAAAAAAA

Tangina.

Ewan ko na.

Ano bang ginagawa ko dito. Pucha.

"May kailangan ka ba? Si Doyoung? Teka tatawagin ko si taas. Ay wait, baka naman si Mark? Next week pa siya babalik ng dorm dun muna siya sa bahay ni--"

Huminga ako ng malalim bago ko sabihin 'yung ipinunta ko dito. "Sorry."

"Alam kong hindi mo tatanggapin 'yung sorry ko pero sorry pa rin." Nakatungo pa rin ako. Ayaw ko nang humarap sa kaniya. Uuwi na lang ako, tangina naman.

Aatras na sana ako pero bigla kong narinig ang tawa ni Taeyong. Pukingina!?

Kabang kaba ako dito tas hiyang hiya tas putangina tatawanan lang niya ko?

"Saya ka?" Medyo naiirita kong tanong.

"Alam mo, nagsorry din sa 'kin si Mark kanina." Napakunot naman ako ng noo.

"Oh tapos?"

"Tapos ikaw naman ngayon. Pinagusapan niyo ba 'to?" Natatawa niya pang sagot. Kingina neto.

"Taeyong seryoso ako."

"Seryoso din ako, mukha ba kong nagloloko?" Biglang sumeryoso 'yung mukha niya. Shet.

"Sorry kung sarili ko lang 'yung inisip ko." Sabi niya. Nanatili akong nakatungo.

"Akala ko kasi... akala ko... wala, gusto kita eh. Kahit alam kong hanggang kaibigan lang talaga ako. Kaya akala ko kailangan kong sabihin."

Shit naman, naiiyak na naman ako ano ba naman 'to. Mabilis kong kinurap-kurap 'yung mga mata kasi peste talaga 'tong mga luha ko kahit kailan.

"Sorry kung hindi kita naisip, 'yung magiging reaksiyon mo, 'yung mararamdaman mo, 'yung mangyayari sa pagkakaibigan natin pagkatapos kong umamin..."

TANGIIIIIINA. Hindi na kaya ng pakurap kurap lang 'yung luha ko kaya ginamit ko na 'yung kamay ko. Pucha wala pa naman akong dalang panyo, ang dugyot ko na.

"Pero Eunha, maniwala ka sa 'kin... kahit na ganito 'yung nararamdaman ko para sa 'yo, mas lamang pa rin 'yung kagustuhan kong manatili bilang kaibigan mo."

Napaupo na lang ako sa lapag. Umubob, umiyak. Tangina kasi neto ni Taeyong, ako dapat 'yung mageexplain.

"Huy, tumayo ka nga diyan." Sabi niya habang pilit akong pinapatayo.

"Tangina mo kasi eh, ang ganda ko ba masyado?" Narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Pano kung mananatili tayong friends? Edi masasaktan kita lagi? Gago ka ba? Ganyan ka ba ka-martyr? Tangina naman Taeyong eh." Sabi ko habang sumisinghot. Pucha, yuck.

"Eunha, anim na taon muna kitang naging kaibigan bago kita nagustuhan." Sabi niya.

"Miski na noh! Anong gagawin ko? Baka mamaya nasaktan na pala kita hindi ko man lang napapansin."

"Eh ano naman? Dalawang taon mo na rin namang ginagawa 'yun." Natatawa niya pang sagot.

"Alam mo, kingina mo talaga."

"Basta nandito lang ako Eunha, kaibigan mo pa rin ako. Pwede mo pa rin akong takbuhan kapag kailangan mo ng kausap. Pero kung pagkain ang kailangan mo, kay Mark na lang. Sobra pa ibibigay sa 'yo nun." Ano ba 'to gagong 'to. Bat ba tawa 'to ng tawa?

"Payakap nga." Nagulat naman ako sa nasabi ko. "Friendly hug 'to ha."

"Alam ko bobo, tss." Iniirapan ko naman siya pero lumapit rin ako para yakapin siya.

"'Wag kang magalala, ihahanap kita ng chicks."

"'Wag ka nang magabala noh. Kay Mark pa lang nga hindi ka na magkanda ugaga eh." Tangina ng mukhang 'yan, lakas makapangasar neto akala mo hindi na bestfriendzoned.

"Bakit ba lahat ng topic napupunta lagi kay Mark?!" Tanong ko.

"Kasi kahit anong mangyari kay Mark ka pa rin?" Tiningnan ko siya ng masama. Tangina talaga neto, bakit ko nga ba naging kaibigan 'to?

x

hi nagbabalak akong
gumawa ng jaemin fic
sana isupport niyo ehez

seatplan。「 이마크 」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon