19

102 9 2
                                    

"Tanginang elevator 'yan. Pinagawa pa hindi rin naman pala ipapagamit. Aksaya sa pera amputa." 

Tumigil ako sa pag-akyat nang marating ko 'yung dulo ng hagdan sa third floor. Ilang hagdan pa ba ang aakyatin ko para makarating sa rooftop? Napahawak ako sa tuhod ko. Nageexercise naman ako pero nakakapagod pa ring umakyat. Malayo rin ang building namin sa building na 'to at kung wala dito si Eunha--kingina talaga nung elevator badtrip.

Mas mabuti kung sa elevator ko na lang isisisi kung wala siya dito. Hindi rin naman kasalanan ni Eunha kung ganito 'yung nararamdaman niya ngayon. At naiinis ako na wala akong magawa. Wala akong magawa para sa mga kaibigan ko. Tatlong araw na rin mula nung huling pumasok si Doyoung. Inaasikaso niya 'yung mama niya na hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin. At si Eunha... ewan!

Nagbabakasakali lang rin naman ako na baka nandito siya. Hindi pa naman siya umaalis 'di ba? Tulad nga ng sabi ni Mark, sabay silang nag-exam kanina. Kahit anong isip ko rin kasi, hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Ni hindi ko maisip kung san siya nags-stay dahil kami lang din naman ang mga kaibigan niya. Approachable si Eunha pero hindi lahat pinagkakatiwalaan niya.

"Tangina Taeyong, konti na lang." Kahit kailan talaga hindi gumana ang self-motivation, bwisit.

Sige lang Taeyong, i-motivate mo lang ang sarili mo. Baka sakaling magwork, puta.   

"Konti na lang... konti na lang."

Lalo ko pang binilisan ang pag-akyat nang makita ko na ang pinto sa rooftop, putangina ito na sa wakas. Hindi nga naman lahat ng gusto mo makukuha mo agad. Kailangan mag-effort.

Lintek 'yan, napapahugot na lang ako bwisit.

Halos kalampagin ko na 'yung pinto dahil hindi ko pa mabuksan agad. Punyeta 'yan, pati ba naman pinto humahadlang. Ano lahat na lang? Nang mabuksan ko ang pinto ay agad na akong tumakbo. Malaki rin kasi 'tong rooftop na 'to at maraming pwedeng pagtaguan pero dahil kilala ko si Eunha, alam ko kung saan siya pupunta--

Ahh, kaya pala may humahadlang. Tsk.

⚘   

"Alam mo bang hindi ka maganda?" Sinamaan ko ng tingin 'tong payatot na 'to.

"Tang--" 

"Teka lang hindi pa ako tapos. 'Wag mo muna akong murahin." Pinabayaan ko na lang siyang magsalita dahil ako na nga itong humingi ng pabor.

"Hindi ka maganda kapag umiiyak." Sabi niya. 

"Gago ka ba. May umiiyak bang maganda? Akala mo naman ang gwapo mo kapag umiiyak ka. Mukha ka kayang batang iniwan ng nanay mo. Punyeta Renjun, disi-otso ka na sa lagay na 'yan ha?" Naiirita kong sagot. 

Nakasalubong ko si Renjun habang pa-akyat ako dito sa rooftop. At si tanga naman, sinundan ako dito. Ayan tuloy, nasaksihan niya lahat ng pageemote ko at tuwang tuwa naman siyang inookray ako sa pag-iyak ko. Pero atleast, hindi siya nagtatanong. Mukha na akong tanga dito kakaiyak pero hindi man lang siya nagtanong. Atleast, nakakagaan sa pakiramdam 'yung pagtawa tawa at pag-asar niya sa 'kin ngayon.

"Alam mo naisip ko lang ha, paano kaya kung ako 'yung naging president ng klase? Edi under ka sa 'kin? 'Di ko maimagine!" Sabi niya at tumawa pa.

"'Yun nga 'yung point dun eh. Hindi mo maimagine. Kasi, imposibleng maging under ako sa 'yo. Nakatadhana talagang maging sunud-sunuran kita." Sagot ko sa kaniya. Pinunasan ko 'yung luha ko gamit 'yung kamay ko. Wala akong panyo, gago.

"Gamitin mo nga 'to! Mukha kang batang gusgusin eh." Sabi niya at binato sa mukha ko 'yung panyo niya.

"Wow. Gentleman." Sabi ko at inirapan siya. 

"'Wag mong lalagyan ng uhog mo 'yan Eunha ha, nako sinasabi ko sa 'yo." Sabi niya. "Sisinga pa lang ako eh."

"Isa!" Malakas niyang sigaw. Nagulat naman ako dun.

"Joke lang naman kasi." Sabi ko sa kaniya.

Bigla siyang nanahimik kaya hindi na lang din ako nagsalita. Tahimik kong tiningnan 'yung view mula sa rooftop. Wala namang special sa place na 'to eh, lalong hindi rin maganda 'yung view dahil puro polusyon lang din ang makikita. Sadyang tahimik lang dito kaya dito ako pumunta.

"'Di ba separated parents mo? Anong feeling?" Tanong ko sa kaniya.

"Ha? Ahh..." Hindi siya agad sumagot. Shit, Eunha. Wrong move.

"Sorry. Hindi mo naman kailangang sagutin." 

"May isa lang akong narealize nung naghiwalay sila. Pinatunayan ni Papa na mahal na mahal niya ako at sapat na sa 'kin 'yun." Sinabi ni Renjun sa 'kin 'yun nang hindi hindi ako nililingon. Tinitigan ko lang siya habang nakatingin lang siya sa kawalan.

"Matunaw ako ha."

"Gago."

  ⚘  

x

mark fic talaga 'to swear

seatplan。「 이마크 」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon