06

157 11 3
                                    

"Hoy panget!"

Isa lang naman ang tumatawag sa 'kin niyan at isa lang rin naman ang may ganyang boses dito sa campus pero hindi ako lumingon dahil una sa lahat naiinis ako at pangalawa, maganda ako.

"Tangina mo, 'wag mo kong kausapin nabubwisit ako." Naiinis kong sagot pero hindi ko pa rin siya hinaharap. Naglalakad ako papuntang faculty room.

"Bakit ka ba kasi nakasimangot? Lalo ka tuloy pumapangit!" Kahit sumakit ang mata ko sa kaka-irap, patuloy pa rin akong iirap sa 'yong hayop ka.

"Bakit ka ba kasi nandito? Hindi mo naman break ngayon ah!? Ang galing Taeyong! Ang galing galing!" Naiirita kong sagot.

"Hoy! Ipapaalala ko lang sa 'yo na excused ako ngayon. EX-CUSED."

Puta. Makakapanapak talaga ako kung wala lang ako ngayon sa harap ng faculty room.

"Tangina mo talaga. Bahala ka dyan, puta ka." Sabi ko.

"Hoy! Tama na. Over na 'yang pagmumura mo ha! Ang dami na! Ano bang problema mo at bwisit na bwisit ka?"

"Tsk." Hindi na ako sumagot at pumasok na ako sa loob ng faculty.

Tangina talaga.

Buti na lang nagrereklamo 'yung iba kong kaklase tungkol sa seatplan. Kaya nandito ako ngayon sa faculty room para magbigay ng proposal sa adviser namin tungkol sa pagpapalit ng seatplan.

Dahil una sa lahat, tangina talaga Seji. Pangalawa, hindi ko kakayaning makatabi si Mark dahil sa pagkakamaling 'yon. Buti kasi sana kung alam niya na si Seji 'yon pero hindi. Kahit gusto kong sabihin sa kanya, hindi ko rin magawa kasi sinabi kong hindi ko sasabihin. Sa isip niya, si Eunha 'yung nagbigay sa kanya ng notes pero mali mali naman. Pangatlo, patay ka sa 'kin Seji. Alam ko namang gusto mo si Mark! AYAN MAGTABI KAYO NGAYON!

RAMDAM NYO BA INIS KO? AYAN OH NAKA-CAPSLOCK NA KO PUTANGINA.

"Eunha?"

"P-po?" Halos mapamura ako nang tawagin ako ng adviser ko. Nakapasok na pala ako ng faculty room?

"Ay Ma'am kasi, magpapasa po sana ako ng proposal para sa pagpapalit ng seatplan sa classroom. Marami na rin po kasi nagrereklamo regarding dun." Please Ma'am. Pumayag kayo pleaaaaase!!!!

"Hmmmm. Sige. Ikaw na lang ang mag-ayos ha? Inaasikaso ko pa kasi midterms nyo. Tapos ipasa mo sa 'kin bago mo sabihin sa mga kaklase mo."

YES!! Oha, patay ka sa 'kin ngayon Seji.

"Actually Ma'am meron na po akong ginawang mga seatplan na pwede niyong pagpilian. 'Yung nasa second page po is yung seatplan ngayon. Then 'yung sa third po ay yung dalawang seatplan na ginawa ko. Choose wisely Ma'am!" Sabi ko with all smile.

Kahit alin naman dyan ang piliin ni Ma'am eh. Ang mahalaga magkatabi si Seji at si Mark sa lahat ng seatplan na ginawa ko. At ako syempre, far far away.

"Hmmm. Itong pangalawa mas gusto ko ito." Sabi niya.

"Okay po Ma'am. Thank you po!" Sabi ko at lumabas na.

"Wow. So bipolar ka na ngayon?" Ngumiti ako ng malaking malaki sa kanya.

"Tara na!" Sabi ko at hinila sya sa braso.

"Saan?" Nagtataka niyang tanong.

"Magpapalit ng seatplan!" Masaya kong sagot.

Alam kong hindi naintindihan ni Taeyong 'yung sinabi ko pero hinayaan lang niyang magpahila sa 'kin. Ganyan talaga kapag maganda. Tsk.

Iniwan ko siya sa labas ng classroom, maganda kasi ako, at saka nag-announce.

"Hoy mga panget!" Sigaw ko. Nagtinginan naman ang mga kaklase ko sa 'kin. "Joke lang, hehe."

"So, mga pogi at magaganda kong classmate, may gusto lang akong sabihin sa inyo. Dahil ilang beses na kayong nagreklamo sa seatplan ito na, magkakaron na tayo ng rearrangment ng seats! Vice president halika dito." Nakangiti kong sabi.

"Saya mo ah." Sabi ni Renjun, siya nga pala ang vice president namin slash mortal enemy ko.

"Syempre." Ngiti ko sa kanya.

"So ayun, ito na, sasabihin ng ating vice 'yung bagong seatplan tapos ididikit nya rin sa board para di kayo malito. 'Yun lang mga beshywaps, annyeong!" Sabi ko at nginitian si Renjun. Nginitian din niya ko pero pinanlalakihan nya ako ng mata. Naiimagine nyo ba 'yun? Ako kasi hindi rin eh. Pero 'yun nga ang ginagawa nya.

"Fuck you." Bulong niya.

"I love you too." Sabi ko at umalis na.

San ako pupunta?

Pake niyo ba?

Kay Taeyong syempre.

Bakit?

Kasi.

Maganda.

Ako.

seatplan。「 이마크 」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon