52

89 7 0
                                    

"Anong gusto mo?"

Ikaw.

Dejoke. Syempre hindi ko sasabihin 'yon. Marupok ako pero conservative pa rin ako.

"Wintermelon na lang, plus madaming madaming pearls." Sabi ko sa kaniya with matching taas baba ng kilay.

"Ikaw?" Tanong ko pabalik.

"Wala bang watermelon?" Inirapan ko siya. Hindi porket gwapo ka, hindi ka na pwedeng irapan Mark Lee. Wala kang kawala sa 'kin, hindi mo ba alam? Talagang wala.

Hindi na nagsawa sa pakwan 'to e.

"Joke," sabi niya. "Sige na, ako na oorder," sabi niya at ngumiti.

Ako naman si gaga, kilig na kilig.

Oo na, inaamin ko na. crush ko si Mark Lee. Wala eh, marupok ako. At pa-fall si mark lee, ako naman si gaga, eto, crush na siya ngayon. Malakas ata kamandag ni mark lee mga mamshies.

Nandito kami ngayon sa isang milk tea store sa labas ng dorm, dito na lang daw kami magcelebrate para hindi na ako mahirapan umuwi. Ewan ko ba dito sa Mark Lee na 'to. Siya 'yung may injury pero nagpumilit siya na pumasok para sa test. Pwede naman siyang kumuha ng special exams. Tapos nagpumilit rin na magmilk tea daw kami palibhasa ma-pera. Si kuya kasi di pa binibigay kalhati ng baon ko, gagastusin ko lang daw ng bongga. Amp! Buti na lang ililibre ako ni Mark ngayon.

Well, magcelebrate dahil naniniwala si mark na mataas ang makukuha niyang score sa filipino. Ganyan talaga kapag magaling ang nagturo, ehem, ako yata 'yon, ehem.

"Here," sabi ni mark at umupo sa harapan ko pero bago ko pa makuha 'yung drink ay kinuha na niya yon--kingina ano binawi!? Ay joke, tinusok na niya 'yung straw. Eunha naman, judgemental.

Ngumiti na lang ako at kinuha 'yung milk tea saka uminom. Tinititigan ko lang 'yung mesa. Mahirap na, baka sa iba ako mapatitig. Marupok ako.

"You know what..."

"Hindi pa," sabi ko. Napatigil naman siya sa pagsipsip ng milk tea. Mukhang pina-process niya pa 'yung sinabi ko bago siya ngumiti.

"I was just thinking, bakit ngayon lang tayo naging ganito."

"Tayo?"

Ha?

Ano daw?

TAYO?

Kami?

Kami daw?

"Yeah, i mean. Ganito, friends."

Aray.

Tangina naman.

Friends.

Amp.

Wala pa nga, friendzoned agad?

Hayup ka Mark Lee.

"First and foremost mark lee, lagi kang wala noh. Tsaka, isang buong term kitang seatmate pero hindi mo naman ako kinakausap so why bother?"

"That's why I'm asking," sabi niya.

"Ewan ko. Magsalamin ka kasi para makita mo ko. Malabo ata mata mo eh."

"Nakikita naman kita ah."

"Weh?" Tanong ko at humarap sa kaniya.

"Yeah," sagot niya at ngumiti.

"Talaga?" Tanong ko ulit at tumango naman siya.

"I can see you clearly," sabi pa niya.

"You look pretty..."

Putang---

"...everyday."

---ina.

"Shit----hak----achk----markxvsjsus---tubigxvzh----hak."

"Huy, okay ka lang?" Sabi niya. Tinap pa niya 'yung likod ko pero agad ko naman 'yung tinapik.

"Mukha ba akong okay?" Sabi ko habang kinakabog 'yung dibdib ko, sinusuntok ewan basta. Para mabawasan 'yung nabara. Hayup, nambibigla kasi 'to si Mark eh! Nasamid tuloy ako.

"Anong nangyari?"

"Wala. Ewan ko sa 'yo. Hayup ka." 

Uminom na lang ako ng milktea. Arg.

"Anong ginawa ko? Did I say something wrong."

"Gago mo kasi."

Tangina mo kasi, sabi ko crush lang kita eh.

























x

PARAMDAM KAYO
hakHAK

seatplan。「 이마크 」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon