45

80 7 1
                                    

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

Hindi ko siya sinagot. Tsk, kung hindi lang ako tatanga tanga sa directions hindi na ako magpapasama eh. Busy naman si Taeyong kaya hindi ko na makulit. Isa pa 'yun, hindi ko na makausap ng maayos. Hindi ko alam kung masyado lang ba siyang busy o ano, wala naman siyang sinasabi sa 'kin.

"Hoy! Sagutin mo nga ako! Alam mo ba kung saan mo ako dadalhin? Baka mamaya kung saan na tayo mapunta ha."

"Ingay mo." Sabi ko sa kaniya. Inirapan naman niya ako.

Tiningnan ko ulit 'yung address na binigay sa 'kin ni kuya. Oo si kuya, hindi kasi ako sinagot ni Taeyong eh. Galing 'di ba? Magkachat kami tapos bigla akong sineen.

"Patingin nga uli nung address!" Inagaw ni Renjun 'yung cellphone ko sa 'kin. Binigay ko na lang rin sa kaniya. Ako na nga 'yung nanghihingi ng pabor, magiinarte pa ba ako? At dahil wala naman akong kaibigan, siya ang kasama ko ngayon.

"Pupunta ba tayo ng ganito lang?" Tanong ko sa kaniya. Tiningnan ko siya from head to toe, mukha naman siyang tao, pero nakakahiya pa rin na pumunta don ng wala man lang dala.

"Okay lang bang magdala ng cake?" Tanong ko ulit.

"Okay lang siguro." Sagot niya nang di ako tinitingnan. Nakatitig lang siya dun sa cellphone ko habang tumuturo turo pa sa daan.

"Bili muna tayo." Sabi ko at hinigit siya. Napailing na lang ako dahil seryosong seryoso siya habang tinitingnan 'yung google maps.

Pumasok kami sa isang cake shop. Dumiretso na ako sa counter at pinabayaan ko na si Renjun sa pagfigure out nung mapa dahil mukhang dun na nakasalalay ang buhay niya. Pumili na lang ako ng simpleng cake at binayaran ko na rin agad.

"Ano ser, nakita mo na ba ang tamang daan?" Tanong ko.

"Tangina netong bahay ni Mark Lee ha, pinahihirapan tayo." Sabi ni Renjun. Inabot niya sa 'kin 'yung cellphone ko at kinuha 'yung cake sa 'kin.

"Naks naman, ang gentleman naman ni Renjun oppa."

"Tigilan mo nga ako. Magkano 'to? Hati na tayo." Sagot niya.

"Sus, 'wag na noh! Hinigit na nga kita dito tapos pagbabayarin pa kita?" Natatawa kong sagot.

"Bahala ka. Minsan lang ako maglabas ng pera." Sabi niya. Umiling na lang ako bilang sagot.

"Uy, ito na yata." Bigla niyang sabi at tinuro ang isang subdivision.

"Ito na nga ata." Pumasok kami at nagtanong agad sa guard para hindi na kami maligaw. Hindi naman kami explorer at hindi naman kami friends ni google map kaya 'wag nang mahiyang magtanong.

"Pink daw na gate Renjun."

"Oo alam ko, hindi ako bingi. Number ano nga ulit?"

"127." Sagot ko.

"112... 116... 12... Ayun!" Sabi ni Renjun at nauna nang pumunta dun sa bahay. "Huy ano! Di ka na nakalakad diyan!"

"Eh, hehehehehehehehehehe." Puta.

Ano nga bang pumasok sa utak ko at nagyaya ako papunta dito? Argh! Wala na Eunha, nandito ka na. Aatras ka pa ba? Nanghila ka pa ng isang ulupong. May pa cake ka pa. Bakit hindi ka pa maglakad?

"Hoy! Bahala ka diyan, magd-doorbell na ko." Sabi ni Renjun. Shet. Teka. Wait. Uhmm.

AAAAAAAAAANAGPAPANICAKOSAGLIT

"Wai--" Di ko pa natatapos 'yung sinasabi ko pero nakapagdoorbell na si Renjun at ilang beses pa niyang pinindot 'yung doorbell.

Bigla namang bumukas 'yung gate at lumabas ang isang Diyosa. Gago, may pinagmanahan naman pala si Mark Lee.

"Huy! Eunha! Dali!" Wala na rin akong nagawa dahil hinigit na ako ni Renjun. "Ito nga po pala si Eunha, class president po namin."

"Naku, nagabala pa kayo." Isang awkward na smile lumabas sa bibig ko. Puta.

"Tsaka ito po pala, para sa inyo." Sabi ni Renjun at inabot yung cake na dala namin.

"Hala, nagdala pa kayo ng pagkain. Sana hindi na kayo nag-abala. Halikayo, pasok kayo. Nasa taas si Minhyung eh. Hindi pa siya pwedeng gumalaw galaw." Sabi ng Mama niya.

Kung nakakatunaw lang ang titig malamang tunaw na mama ni Mark ngayon. Gago, mag-ina nga sila.

"'Wag ka ngang obvious Eunha. Mahahalata ka agad eh." Bulong sa 'kin ni Renjun habang umaakyat kami sa hagdan. Ako naman si tanga, kinakabahan, nakahawak sa laylayan ng polo ni Renjun.

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"Yung feelings mo kasi, baka gusto mong itago muna."

"Gago ewan ko sa 'yo." Sabi ko at humigpit pa lalo ang hawak ko sa polo niya.

"Tangina hindi ikaw nagp-plantsa ng uniform ko 'wag mo namang gusutin." Hindi ko siya pinansin, aaaAAA KINAKABAHAN AKO.

"Minhyung? May bisita ka." Katok ng Mama niya sa kwarto niya.

"LEE MARKEU!" Tawag ni Renjun sa kaniya. Bago pa makapasok si Renjun sa kwarto ni Mark ay lalo pang napahigpit ang hawak ko sa polo niya. Tangina, p-plantsahin ko na lang 'to puta.

"Eunha?"

SHIT.

Agad nagtama ang aming mga mata nang mag-angat ako ng tingin. "Hi hehe."

Putangina mo Eunha, mahahalata ka eh.

seatplan。「 이마크 」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon