"Daisy tara na. Tinatawag na tayo ng ka-club natin duon."
"Oh sige sabay na tayo." sabi ko.
Niyaya ako ng isa kong kaklase na kasama ko sa presentation para sa teacher's day. Grabe parang ayaw ko na ngang umattend eh. Minumulescha ako ng president namin sa glee club. Paluin ba naman ako kapag may mali.
Coach ko nga hindi ako mapalo-palo nun eh siya pa kaya tong wala pang-experience sa pagtuturo ng kanta ang alam niya lang mag-organize ng presentation.
Tapos kung kumanta naman tinalo pa ang taong bingot. Buti pa sa bingot naiintidihan mo pa pero yung kanya nakaka-asar pakinggan.
Kilala niyo na ba ako?
Ay hindi pa pala. Nabasa niyo naman diba na Daisy. Wag niyo na alamin full name ko badtrip ako ngayon eh.
0^0
Sige na nga pagbibigyan ko na kayo.
My name is Isabelle Daisy F. Salazar and I'm 16 years old. Mabait ako sa mabait mataray ako sa mataray. Ang ayoko sa lahat ay sadista yung tipong parang mamatay ka na sa sobrang sakit na pananakit nila kahit biro lang sa kanila yun.
PAAAKKKKK!
P*T*NG I*A naman oh. Kasasabi ko nga lang na-ayoko sa lahat ng sinasaktan ako eh.
"LATE KA NA NAMAN!"
"Anong late?! Tingnan mo nga oh di pa nga tayo kumpleto tapos sasabihan mo ako ng late?!"
Kala niya patalo ako sa kanya. Ikaw na pandakekang ka isang tadyak ko lang sayo talsik ka. Siya nga pala yung president ng club namin. Ang sadista! Leche siya.
"Eh KANINA KUMPLETO KAMI."
"Kanina LANG YON!" tsaka ako umupo sa sofa. FYI pala nagprapractice kami dito sa may tle room. Di ba bongga! May sofa kasi dito eh.
"EH KASI NAMAN PAGTINATAWAG KA ANG DAMI MO PANG SINASABI EH. PA-WAIT WAIT WAIT KA PANG NALALAMAN!"
F*CK Y*U KA! Wag mo akong mabulyaw-bulyaw dahil konti na lang pasensya ko sayo. Nung friday pa yan nung first practice. Takte yung time na yun puro mali ako syempre kasi di ko alam yung mga kanta na binigay niya sa amin. Kaya yun puro palo ang inabot ko sa kanya.
Di ko na siya sinagot nakakasira lang ng vocal chords ko yan pagpinatulan ko yan siya.
"TSAKA ANG TAGAL BLAH BLAH ..."
Geh talak ka lang ng talak diyan. Ewan ko lang kung makakanta ka pa.
"Psssst!"
o_O ?
"Daisy."
Napatingin ako sa may sliding window.
"Balik ka muna sa classroom parating na si sir. Walang excuse yun."
"Sige sige sige."
Hay solomot makaka-alis din ako sa mala-imyernong lugar na ito. Nakaka-inis kasi yung sadista kong president sa club. Gagaan na ang pakiramdam ng utak ko ngayon.
Kaibigan ko nga pala yung tumawag sa akin. Pangalan niya pala ay Vernice.
Tumayo na ako sa sofa at naglakad palabas. Palabas na sana ako ...
"Hoy! SAAN KA NANAMAN PUPUNTA?!" tanong niya.
"Babalik ng classroom."
"BABALIK?! HINDE DITO KA LANG!" galit niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Bestfriend or a Teacher?
RomanceSino nga ba ang pipiliin mo? Ang bestfriend mo na lagi nandiyan sa tabi mo para suportahan ka para sa kinabukasan mo at nagpasaya sayo o ang teacher na tinuturing mong pangalawang magulang na handa kang turuan kung papaano ka makarating sa iyong kin...