Chapter 2: With them ♥

34 0 0
                                    

Daisy POV

"Wag niyo *sniff* na po 'to pansinin." sabi ko. Baka gulo lang maabot kung sasabihin ko.

"Halika rito sa labas. Sa faculty tayo mag-usap." sabi ni sir.

Seriously? Faculty? Me + him? My goodness! Joke. Napaka malisyosa ko talaga. Marami namang teachers dun sa loob eh.

Lumabas ako ng TLE room para puntahan si sir sa labas.

Dugdugdugdug...

Takteng puso to. Buti patong puso ko na e-excite ako hindi. Nasa isip ko kasi yung kaba. Nang makalapit na ako kay sir pumasok na kami sa loob ng faculty room then pumunta kami sa table ni sir.

Mr. Vegas

Nakita ko lang yung name niya sa may upuan. Sino kaya magiging Mrs. Vegas? Wew charot! Kanina lang naiiyak ako pero ngayon, haaayy.

Nawala  na lang yan nang masilayan ko si sir Vegas. Lagi niyang sinasabi sa akin na miss na miss niya daw ako.

Kalokohan! Take note, di lang ako pinagsasabihan niyan, marami pang iba. Hehehe! Kala ko nga sa una ako lang eh.

Parang feeling ko dinamay niya na lang yung iba eh pero ako lang talaga pinakanamimiss niya. Isang napakalaking kasinungalingan. Wag na akong maghangad. Masasaktan lang ako sa ginagawa ko eh.

"Huy! Tulala ka." pag-gulat sa akin ni sir.

"Ay sorry po." bigla kasi akong natulala ng hindi ko alam. Nakaupo ako sa upuan ni ma'am Bernagua. VALUES teacher namin eh wala siya ngayon.

Habang si sir naman naka-upo sa chair niya mismo.

Parang ganito...

__________________

Ako       sir Vegas

Face to face kami. Yung line diyan yun yung table.

"Wag ka ngang masyadong mag-isip lalong dadami puting buhok mo niyan eh. Madami na nga pararamihin mo pa." pang-aasar niya.

Geh lang sir. Parehas lang naman tayo eh. Maduga ka nga lang kasi nagpakulay ka.

"Tch. Nagsalita ang may walang puting buhok." pang-aasar ko.

"Puti ka diyan. Di mo ba napapansin itim na to."

"Eh kasi pinakulay niyo po."

"Alangan namang binuhusan lang ako ng pinturang itim."

-_-

Go sir Vegas! Go sir Vegas! Push lang natin yung ka-kornihan mo.

"So, ano bang problema?"

"Ano kasi sir," di ko kayang sabihin. Baka magalit lang si Cyrine sa akin sabihin napaka sumbongera ako.

"Kasi po si-"

"Sir kasi yang si Cyrine kanina pa siya pinang-iinitan. Naiinggit siguro." sabi sabay bagsak na padabog yung chineckan niyang project.

O_O

Mukha naming dalawa ni sir Vegas.

Wow? Sino ba yung tinatanong ni sir Vegas? Diba ako? Extra naman tong si sir Santiago. Wala kasing kumakausap sa kanya kaya ganyan.

Wawa naman tong mamang to. Walang kausap kaya nakikisabat eh. Nagchecheck parin naman siya hanggang ngayon ng projects.

"Sir, ikaw ba tinatanong ko?" tanong ni sir Vegas kay sir Santiago.

Bestfriend or a Teacher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon