Daisy POV
-After Lunch-
Nandito kami ngayon sa classroom. Napansin ko kanina na nagkakausap na sila Ando at Gerald during lunch. Buti na lang bati na sila. Kanina ngang lunch eh, gustong-gusto ni Ando na makipag-ayos kay Gerald.
Di niya kasi matiis yung kaibigan niya. They are very close to each other. Masaya ako na nagkabati rin sila.
Computer subject na namin at free time kami ngayon. Syempre, Teacher's Day ata ngayon.
Nag-form kami dito nila Vernice, Ando, Josh at Gerald ng bilog sa floor kung saan malapit sa doorway ng classroom namin. Medyo maluwag kasi ang space dun. Sabi kasi ni ma'am do what ever we want pero bawal gumamit ng gadget.. Kaya yun! Nagyaya na lang ng laro si Vernice ng "Spin the bottle" pumayag naman kami.
Boring kasi eh. Tsaka yung iba naming mga classmates may mga sariling mundo kaya nakisarili na rin kami.
"Ok. Ready na?" tanong ni Vernice.
"READY!" sabay naming sagot.
At inumpisahan na ni Vernice ang pag-spin ng bottle sa gitna.
Nang huminto sa pag-ikot ang bottle, tumapat ito kay Gerald.
"What?! No way!" reklamo niya.
"Ok, Gerald. Which do you want? Truth or Dare?" tanong ni Vernice.
"Aah .. aah .. ano .. ah .."
"F*ck! Ang tagal!" reklamo ni Josh.
Natawa na lang kami dito ni Ando sa mura ni Josh.
"Ok ok! Truth na lang." napilitan niyang sabi.
"Supot ka pa ba? Yes or no?" birong tanong ni Ando.
"HAHAHAHA!" natawa kami bigla sa tanong ni Ando.
"What kind of f*cking question is that?!" pikon niyang tanong.
"I'm just kidding bro." sabi ni Ando.
"Si Vernice dapat ang magtatanong Ando hindi ikaw." sabi ko sa kanya.
"Ah ganun ba? Sorry. Hehehehe!"
"Ok, ito yung tanong ko sayo Gerald. Totoo bang naging ex mo si Gladice?" tanong ni Vernice.
Bigla akong nagulat sa tanong ni Vernice. Saan niya nakuha yung chismis na yun?
"Wooahh!" hiyaw nila Ando at Josh.
"Teka? How did you know about that?" tanong ni Gerald. Tumingin siya kila Ando. "Yes." mahinahin niyang sagot.
Parang natalo sa lotto si Gerald. Di ko alam na naging ex niya pala si Gladice. Never ko pa silang nakitang magkasama even sa lunch break, recess at lalo naman sa uwian.
"Good job bro! Akala ko i-de-deny mo pa eh." sabi ni Ando.
"I have no choice. Takot ako sa Diyos eh." sabi niya.
"Wohwohwoh! Banal na si Gerlad!" hiyaw ni Josh.
Natatawa na lang ako sa kanila. Kinuha na ni Gerald yung bote at inikot niya ito.
"WAAAH! Bakit ako!" hiyaw ni Vernice. Ssa kanya kasi tumapat yung bottle.
"Ano ka ba Vernice! Wag ka ngang sumigaw. Marinig tayo ni ma'am eh." saway ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bestfriend or a Teacher?
RomanceSino nga ba ang pipiliin mo? Ang bestfriend mo na lagi nandiyan sa tabi mo para suportahan ka para sa kinabukasan mo at nagpasaya sayo o ang teacher na tinuturing mong pangalawang magulang na handa kang turuan kung papaano ka makarating sa iyong kin...