Chapter 5: Ando's Mansion

18 0 0
                                    

Daisy POV

"Ok class you can go to your locker then cleaners, clean your classroom right now."

Hala! Di ko namalayang uwian na pala. Si Ando di pa rin bumabalik sa classroom hanggang ngayon. Kasalanan ko kasi to eh.

Kung hindi ko lang siya pinahiya sa harap ng mga kaklase ko na hindi ko siya gusto edi sana hindi kami ganito.

Wala na talaga! Sirang-sira na ang relasyon namin as friends. Pano na yan? Sino na lang ba ang tutulong sa akin pagdating sa projects, assignments, at iba pa?

Kanina kinuha yung bag ni Vernice ng parents niya. Nag-early dismissal siya eh dahil nga sa nangyari.

Bayan wala na akong kasabay pauwi. Sila Pen at Gracia may practice daw sila ng mga kagrupo nila sa classroom nila.

Sige, ako na ang alone dito. Niligpit ko yung gamit ko tsaka narin yung sarili ko. Grabe napaka-lungkot ng araw ko ngayon.

"DAISY!!! MAY NAGHAHANAP SAYO!!"

Sinu naman yun?

Ay, si ma'am Fonde. Club moderator namin sa club.

Hala! Baka galit sa akin si ma'am. Anong gagawin ko? Baka palipatin niya ako niyan ng ibang club. Hala! Ayaw ko!

Singing is my passion so there's no way na may makakapigil sa kung anong gusto.

Huminga ako ng malalim at hinahanda ang sarili sa sasabihin ni ma'am.

"Ma'am, bakit po." mahinahon kong sabi. Sheez! Kinakabahan ako.

"Punta ka sa faculty, right now." sabi niya at agaf siyang umalis.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Wala na, bagsak na ang career ko sa music. Nang dahil lang sa bruhang Cyrine na yun.

Sumunod ako kay ma'am papuntang faculty dala ang kabang nadarama. Sayang, di na ako makakasama ng dry run mamaya. Bukas na yung Teacher's Day.

Di man lang ako makikita nila sir Santiago at sir Vegas na magper-perform. Pahamak talaga si Cyrine! May araw ka rin sa akin. Kulang pa yang ginawa ko sayo.

"Daisy!"

Bigla ako nagulat sa tawag ni ma'am. Tulala nanaman kasi ako. Ewan ko ba, lagi na lang ako tulala.

"M-Ma'am?"

"Get inside."

"Sorry ma'am." di ko napansing nakatayo lang pala ako sa nay pinto nila. Mukha tuloy akong tanga.

Nagmistula tuloy akong lady guard. Ok lang, atleast lady guard na maganda. ECHOS!

Pumasok na ako sa loob.

???

Hinanap ko si sir Vegas at sir Santiago. Talagang hinanap eh noh.

Aaaahh... sad to say, wala sila dito.

So sad naman. Hehehehe! So sad pero tumawa, nababaliw nanaman ako!

"Daisy, ano yung tungkol sa pagki-quit mo? Ano yon? Ayaw mo nang magperform?" seryosong tanong niya.

Thiz iz it.

"Ammm... ma'am, kasi po di ko na po ma-take yung attitude ni Cyrine." sabi ko na may halong panlulumo.

"So yun na yon?! Nang dahil lang duon nag-quit ka na?!" pagtataray niya.

T_T

Waaahhh! Iiyak na ba ako? Medyo sensitive ang feelings ko eh. Pagkinagalitan lang ako ng konti umiiyak na ako eh.

Bestfriend or a Teacher?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon