Daisy POV
"Sige po ma'am. Maya na lang po silang i-excuse pagkatapos ng subject ko."
"Sige po sir." tsaka na lumabas si ma'am.
Hay salamat. Pinagbigyan talaga ako ni God para makasama si sir. Thank you God :-)
"Ok class, sabihin niyo sa akin yung score niyo. Overall 10 yan 2 points each yan."
"Anggat!"
"8."
Habang nagtatawag si sir para kunin yung score, ako naman busy sa kakatitig sa kanya. Sarap namnamin si sir ng titig kasi saglit lang siya magturo.
Ang 1 hour hindi pa sapat para sa akin. Parang recess lang yung oras. Nakaka-inis kaya.
Biglang pumasok sa isipan ko yung isa ko pang kanta para kay sir. Yun talaga relate na relate talaga ako.
(Mahal Ka Sa Akin: Tootsie Guevara)
Intro ...
Mahal na mahal
Yan ang damdamin
Na sayo'y nararamdaman
Kung di mo alam
Puso'y di mapalagay
Pag di ka namamasdan
Oh bakit ganyan?
Nakapikit ako nito habang kinakanta ko to. Hindi siya malakas yung pagkaka-kanta ko parang pabulong na trip mo lang kumanta.
Nais makapiling
Nais makayakap sa twina
Nang dahil sayo
Ang puso kong ito ay natututong magmahal
Sadya bang ganyan
"Salazar."
Sanay pag-ibig na nadarama'y
Pagka-ingatan oh wag paglaruan
Dahil minsan lang umibig
"SALAZAR!"
"Ang napili ay ikaw."patuloy ko parin sa pagkanta.
"Daisy!" tawag sa akin ni Vernice.
"Wag sanang sasaktan ang puso na sayo'y nagmahaaaaaal."
Feel na feel ko yung kanta. Habang kumakanta ako may pa arm works arm work ako.
"MS! SALAZAR!"
0_0
Bigla akong napadilat kasi narinig ko yung pagtawag sa akin.
Nakita ko si sir nakatingin sa akin.
Patay! Nawala na yung hati ng kilay ni sir. Lagot! Mukhang galit na galit ata to. Ano ba tong ginawa kong kalookohan.
"Hahahahaha!" tawa ng mga kaklase ko.
Geh tawa lang kayong lahat. Ganito ba talaga ang feeling ng napahiya? Grabe parang, basta grabe talaga nakakahiya.
"Tahimik!"
Nagsitahimikan yung mga kaklase ko.
"Salazar."
BINABASA MO ANG
Bestfriend or a Teacher?
RomanceSino nga ba ang pipiliin mo? Ang bestfriend mo na lagi nandiyan sa tabi mo para suportahan ka para sa kinabukasan mo at nagpasaya sayo o ang teacher na tinuturing mong pangalawang magulang na handa kang turuan kung papaano ka makarating sa iyong kin...