Chapter 1
Trake
My vision is blurry.
A sudden panic creeps in my whole body.
Hindi ko maigalaw ang mga paa ko, pati na rin mga kamay. Para akong paralisado sa sitwasyong kinasasadlakan ko. I tried to move my feet for the second time ngunit hindi ko pa rin ito maigalaw. Pakiramdam ko mayroong nakadagan sa buo kong katawan kaya hindi ko ito maigalaw.
Ano bang nangyari? Bakit parang wala akong masyadong maalala?
Kahit na hindi ko maigalaw ang katawan ko, my senses are strong enough to sense and hear that someone is talking just near me. Hindi ko alam kung sino pero sigurado akong may tao. I want to speak but my mouth doesn't want to abide its owner. Ganito pala ang pakiramdam na walang magawa.
"Bakit ngayon ka lang dumating ha? Lay? Kanina pa kami naghihintay sayo. Ano na naman bang tinarabaho mo?"
"Wala, may pinuntahan lang akong importante. Huwag ka ngang tsismoso."
"Sh*t, gising na si Trake! Tumawag kayong doctor!"
Ah, ang gang pala ang naririnig ko. I'm still looking at the ceiling ng marinig kong muling bumukas at sumara ang pinto ng kwarto. It must be the doctor.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko, I feel empty on the inside. Para akong paralisadong tao na nawalan ng pakiramdam. The only thing that I'm aware of is the slow beating of my heart.
There's a flash of light that comes in my vision. Naririnig ko ang mga sinasabi ng doctor but I don't have time to absorb them. Basta ang tanging alam ko lang, kakatapos lang ng operasyon ko and I'm unconscious for I don't know how many days.
Tingin ko nag-uusap sina Lay at ang doctor, unti-unting lumalayo ang boses ng nag-uusap hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto, mukhang sa labas na napiling mag-usap ng dalawa. I heaved a deep sigh, bukod sa hindi ko pa maigalaw ang buo kong katawan ng ayos at masakit ang tahi na nasa dibdib ko wala na akong ibang nararamdaman pang kakaiba.
Wala pa mang ilang lingo na nasa ospital ako pero ramdam na ramdam ko kung gaano kakuntento ang katawan ko sa pahingang nararanasan nito. I think I've been overdoing myself lately at ang pagpapahinga ay wala na sa bokabularyo ko.
"Kumusta ang pakiramdam mo Trake? Hindi ka ata umiimik. May masakit pa ba sayo?"
Gusto kong kilabutan sa ipinakikita ng gang saakin. This is so unlike them. Nakakakilabot.
"Tigilan niyo na ang pag-arte, buhay pa naman ako kaya tigilan niyo na ang pagganyan, nakakakilabot."
Tinawanan lang ako ng baliw. "Oh, mukhang ayos na pala si lover boy"
Nawala bigla ang tawanan dahil sa biglang sinabi ni Jackson, kahit ako natigilan rin sa sinabi niya. I suddenly felt annoyed and irritated because of that.
"G*go, itikom mo nga iyang bibig mo Jackson kung wala ka namang matinong sasabihin?! Gusto mo atang makatikim ng lupa."
"Minsan na nga lang magsalita palpak pa!"
Naririndi ako sa mga sinasabi nilang lahat. Naiinis rin ako dahil naalala ko bigla si Pristine at kung papaano ako nagging gago sa harapan niya at nagging duwag dahil lang sa pesteng puso na ito na hindi gumagana ng ayos.
Biglang parang nagflachback lahat ng mga masasakit na sinabi ko sa kanya, pati na rin kung papaano siya umiyak dahil sa mga iyon.
Hindi ko gusting sabihin sa kanya ang mga bagay na iyon, ayoko kasi alam kong iba na itong nararamdaman ko para sa kanya. I no longer saw her as an irritating epal president na palaging nangugulo sa mga trip ng tropa. She already passes that level.
But I broke her heart.
"Trake, alam naman naming hindi mo sadya na sabihin yun kay Pristine. Pero bro, to be honest you really hurt her a lot. Ayaw naming sa ginawa mo pero naiintindihan naming kung bakit mo yun nasabi. Pero kailangan mong humingin ng tawad." Chase said. Sa mga ka-gang ko, siya ata ang pinakaclose kay Pristine.
Kahit loko-loko ang mokong alam rin naman kung papaano gagamitin ang utak.
I felt sorry but it doesn't mean I want to say sorry to her. Ok na rin na lumayo siya, in that way I can protect her from being hurt lalo na't alam na niya ang namamagitan sa mga magulang naming at ang koneksyon naming sa isa't-isa.
I did plan to hurt her but I regret doing it because I saw myself to her. Kagaya ko biktima rin siya ng mga taong nanakit saaming dalawa.
"Uy, ano ayos ka lang? Kinakabahan na kami rito, baka hindi ka na pala nahinga diyan?" pabirong sabi ni Black.
"Let her be, hindi na ako lalapit sa kanya. But we still need to protect her lalo na't mukhang natunugan na ng mga kalaban natin ang tungkol sa kanya."
Iyon ang isa pa sa kinababahala ko, alam kong may mali pero ipinagsawalang bahala ko. Hindi ko sila hahayaang magtagumpay sa plano nila.
BINABASA MO ANG
That Girl Pristine Madrigal
Teen FictionThat Girl Pristine Madrigal is the sequel of That Gangster Trake Corpuz. Complete version is available on Dreame.