Chapter 4
Pristine
Some says that too much love can kill a person. Hindi dapat sobra kasi masama. Lalo namang hindi pwedeng kulang.
A lot of people loves the idea of falling in love yet afraid to its consequences.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ba siya pa rin ang naiisip ko kahit na anong paglilibang ang gawin ko?
Mapa tulog o di kaya naman ay sa pagungkot mukha pa rin niya ang naaalalaa ko.
I hate myself for still lingering with the past. It seems like my heart does not learn its lesson the last time it beats to a wrong person.
Ilang araw ko pang balak manatili rito kina Gino pero nahohome sick na ako. Gusto ko na ulit makita sina Uncle, alam ko ganun din sila saakin and I can't wait for that moment to happen.
Gusto ko kapag bumalik ako saamin ay maayos na ang kalagayan ni Gino kahit na papaano. At mawala na itong nararamdaman ko. Ayokong bumalik na kagaya pa rin ng dati, madaling mauto.
Sa maikling panahon ng pananatili ko rito kina Gino, sinubukan kong ibaling ang atensyon sa ibang bagay. Kapag maaalala ko ang nangyari inaagawan ko ng gawaing bahay ang mga katulong nina Gino. Ganoon ang nangyayari kapag wala akong ginagawa, lumilipad ang isip ko hanggang sa mapunta sa mga bagay na hindi ko na dapat binibigyan ng pansin.
If I want to forget and heal my broken heart, I need to make a move. Ako dapat ang gumawa ng paraan.
Iniabot ko kay Manang Josie ang hawak kong basahan na inagawa ko sa kanya kanina. Natapos ko naman na ang pagpupunas kaya iniabot ko na sa kanya.
Ayaw ni Manang na makisali pa ako sa kanila ika niyay inaagawan ko sila ng trabaho pero nakakahiya. Tumitira ako rito kaya pakiramdam ko dapat may gawin rin ako.
Atsaka baka mabaliw ako sa kaiisip kapag hindi ako humanap ng distraction.
Running away from the problems that I have is a coward choice. Hindi dapat ako tumatakbo pero papaano naman ako haharap sa giyera na hindi ko naman pinaghandaan? Ni wala nga akong kahit anong sandata na pwedeng gamitin para protektahan ang sarili ko.
In this war, I'll definitely lose.
"Sinabi ng huwag ka ng tumulong saamin hija. Bisita ka rito. Kapag nalaman ni Gino ang ginagawa mo tiyak na magagalit iyon." naiiling na sabi ni Manang Josie.
Ganito ba pag pinagagalitan ng nanay, I wonder.
Tipid akong ngumiti kay manang, alam ko namang hindi siya galit kahit walang ekspresyon ang mukha niya.
"Hindi niya po malalaman kung walang magsasabi."
Mas lalong bumusangot ang mukha ni manang. Mukhang suko na itong makipagbangayan saakin.
"Anong hindi dapat sabihin?"
Nagulat ako ng bigla na lang may nagsalita sa likuran ko.
Hindi ko maintindihan kung pagkairita ba ang nararamdaman ko o sadyang nagulat lang talaga ako kaya ang bilis ng tibok ng puso.She's smiling from ear to ear. Nung unang kita ko pa lang sa kanya nagandahan na ako. Sa kabila ng lahat, I still admire her beauty.
Napawi ang ngisi ko dahil sa nakangiting mukha ni Jessica. Bakit siya narito? Anong ginagawa niya rito?
"Jessica, ikaw ba iyan hija?" bulalas ni manang Josie na hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.
Hindi ako nananaginip siya nga ang nasa harapan ko.
"Opo manang! Long time no see." Nagyakapan ang dalawa, ako naman ay nailang. Ang awkward na nakatayo ako harapan nila habang nagyayakapan. Parang nakakaistorbo ako.
Nagkamustahan ang dalawa, ako naman ay umalis na sa sala. Hindi ako natutuwa na nakita ko si Jessica. Isa siya sa mga taong hindi ko gugustuhing makita sa araw na ito pero ang tadhana, palagi akong pinagtitripan.
"Wait! Sandali lang Pristine. Can we talk?"
Napaawang ang labi ko ng hawakan ni Jessica ang kamay ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad palayo.
Ang inosente ng mukha niya, nakakaguilting magalit.
Huminga ako ng malalim. I gently remove her hand in my hand sa hindi nakakaoffend na paraan.
Wala namang ginagawa si Jessica saakin para magalit ako at mairita sa kanya ng ganito kaya bakit pristine? What's with the attitude?
Sa ginawa ko ay lumungkot ang mukha niya.
"Sige dun tayo sa labas."
Nagtungo kami sa garden ng bahay nina Gino. Naaawa ako kay Gino, ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niyang narito si Jessica?
A broken person has a tendency to do despicable things that is sometimes against with their whims.
Pagkaupong pagkaupo ko pa lang sa isa sa mga upuan ay nakaramdam kaagad ako ng pagkaasiwa.
Come on Pristine, it's just a simple conversation loosen up!
Trake
Nakakainis!
Ang mga damuhong iyon, nakakabwisit.
"Handa na ang mga sasakyan Trake, ano tara na?" ani ni Jackson. Tumango ako bilang sagot.
Matagal-matagal na rin simula ng gamitin ko ang motor ko. It's been awhile. Habang naiisip ko ang ginawa nila ay lalong kumukulo ang ulo ko.
Napakaduwag, hindi marunong lumaban ng patas!
Lumakad ako patungo sa motor na nakaparada sa likod ng bahay. Kahit ang mga ka-gang ay handa na rin.
Iniabot saakin ni Chase ang helmet, enduring the pain that comes from my chest ay sumakay na ako at inistart ang motor.
"Anong balita?" I asked.
"Nasa hideout daw nila ang mga damuho, masyado ng mahaba ang pahinga ng mga tarantadong iyon."
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Mabilis lang kaming nakarating sa hideout na tinutukoy ni Chase. Bumaba ako sa motor, ganun din naman ang ginawa ng iba.
Kung ganun dito pala si nagtatago.
Sumenyas ako na buksan ang malaking pinto, dala ang dos pot dos at isang makapal na bakal ay inihamps nila iyon sa pinto.
I smirked in satisfaction when the door opens with just one hit. Ganyang ganyan ang mangyayari sa kanila dahil sa ginawa nila kay Pristine. They will pay for what they did.
Pasalamay sila at hindi tuluyang nabangga si Pristine dahil kung nagkataon baka ganoon rin ang ginawa ko sa kanila.
Hindi pa ako nagalit ng ganito katindi.
BINABASA MO ANG
That Girl Pristine Madrigal
Novela JuvenilThat Girl Pristine Madrigal is the sequel of That Gangster Trake Corpuz. Complete version is available on Dreame.