Chapter 2
Pristine
Wala sa sariling napatingin ako sa bintana. It's raining , pati ang ulan ay nakikisabay sa lungkot na nararamdaman ko.
I've been away from home for almost 2 days na. Gusto kong tawagan muli sina Uncle sa sobrang pagkamiss ko sa kanila pero hindi ko ginawa. Baka kasi mas malungkot ang mga iyon.
Sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat, the broken heart that I've got from Trake, the betrayal. I almost admit na nagkakagusto na ako sa kanya. Mabuti pala at hindi dahil wala na akong mukhang maiihaharap pa sa kanya kung nagkataon.
I already broke my heart just because I chose him but it turns na niloloko niya lang pala ako. Masyado akong naging uto-uto.
Ang hapdi pa rin ng mga mata ko sa kakaiyak. Hindi ko na dapat pang umiiyakan ang nangyari pero ang sakit kasi. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, mga alaala namin ng gangster na yun ang naiisip ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa harap ng binatana, itinabi ko ang upuan na kinuha ko sa may study table. I gently open the door just to make sure na hindi ito gagawa ng ingay. Masyadong tahimik ang bahay at parang nakakahiya namang mag-ingay.
"May kailangan ka ba?"
Nagitla ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si manang Josie. Siya ang mayordoma ng bahay, may dala-dala itong basket na wala ng laman.
Sa pananatili ko rito ng ilang araw natutunan kong sa kabila ng pagkakaroon ng striktong itsura ni manang Josie, nakatago naman sa likod niyon ang mapag-aruga at mabait na ugali niya.
She doesn't smile pero banayad naman siyang magsalita kaya kampante na ako.
"Ayos na po ba si Gino? Pwede ko po ba siyang tignan?"
Mahina lang ang tanong ko at nahihiya pa. Baka kasi tulog pa siya at maistorbo ko sa pagpapahinga niya. Nakakahiya naman.
"Ayos lang hija, basta huwag ka lang maingay at natutulog pa rin siya." Tumango ako bilang pagsangayon. Maya-maya ay iniwan na niya akong nakasilip pa rin saaking pinto.
Kinakabahan ako habang papaakyat sa second floor kung saan ang kwarto ni Gino.
Nasa mansyon nila kami. Dinala niya ako rito matapos mawalan ng malay sa harap ng ospital. Buong pag-aakala ko ay nasagasaan na ako pero tinulak niya lang pala ako para hindi ako ang mapuruhan.
Hindi ako nag-abalang kumatok pa dahil sa sinabi ni manang na natutulog pa siya.
Ito ang ikatlong beses kong pagpasok sa kwarto ni Gino at palagi pa rin akong namamangha kapag pinagmamasdan ko ang kabuuan nito.
Napakayaman nga talaga nila.
Hindi ko na pinakatitigan pa ang kwarto niya dahil hindi naman iyon ang ipinunta ko rito. My hands are sweating, bumibilis rin ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang tulog na si Gino.
He looks so peaceful while sleeping. Napakalayo ng itsura niya kapag gising. There's something in me na gustong hawakan siya pero pinigilan ko ang sarili ko.
This is all my fault.
Kasalanan ko kung bakit nasa ganito siyang kalagayan.
Payapang natutulog si Gino habang ako naman ay nakatitig lamang sa kanya.
Trake
"Sigurado ka bang ok ka na? Hindi ba dapat ay nasa ospital pa din at nagpapagaling?"
Naiirita na ako sa paulit-ulit na paalala saakin ni Chase. Alam kong nag-aalala sila pero mukha ba akong mahinang nilalang para palaging paalalahanan? Katawan ko ito. Alam ko kung anong gagawin.
I ignore hin at pinagpatuloy ang paglalaro ng dart. Ayos na naman ako kahit na medyo kumikirot pa din ang tahi saakin. Damn ni hindi ako makatulog ng ayos dahil kumikirot iyon.
"Bakit parang wala lang sayo na hindi pa nagpapakita si Pristine? Hindi ka ba nag-aalala sa kanya?" Tanong ni Jackson. Pinagpatuloy ko pa rin ang paglalaro ignoring him.
"P*ta Trake! Kinakausap kita ng matino sumagot ka! Baka nakakalimutan mong galit pa rin kami sa ginawa mo! Masama tayong tao pero hindi tayo nagpapaiyak at nananakit ng babae." Litanya pa ulit ni Jackson.
Tamad ko siyang tinignan. Pagkatapos kong itapon ang huling dart na hawak ko ay tinungga ko naman ang beer na nasa lamesa di kalayuan saakin.
"Huwag mong pakialaman ang diskarte ko jackson. Kaibigan kita pero hindi ko nagugustuhan iyang pakikialam mo. Problema ko ito labas kayo dito." Muli kong tinungga ang beer na naubos ko na pala ang laman.
I have my reasons why I choose to let her go. I want to spare her from the damage that her mother did to her pati na rin sa kasalanang ginawa ko sa kanya.
Alam kong kung nasaan man siya, she's in good hands. Mas makakabuti na malayo siya rito. I can't bear seeing her, being angry with me.
Kumikirot ang dispalinghado kong puso.
Hindi ko nga alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang bagay na iyon.
Every word that comes from my mouth that day, parang lason na pumipilipit sa daluyan ko ng hininga.
I fuck off. I'm insane and it's because of her.
May tumapik sa balikat ko.
"Ayos lang iyan Trake. We will understand your reasons because we have trust in you."
Tumango lang ako kay Lay.
BINABASA MO ANG
That Girl Pristine Madrigal
Teen FictionThat Girl Pristine Madrigal is the sequel of That Gangster Trake Corpuz. Complete version is available on Dreame.