Chapter 10: First Day

31 13 1
                                    

Lily's P.O.V

*Wake up!! Wake up!! Wake up!!*

Bigla akong nagising nang marinig ko ang malakas na tunog ng aking alarm clock. Sh*t! Nagulat ako doon. Sino ba namang hindi eh record voice yun ni Alex dati nung ginigising niya ako. Since nakakatakot si Alex kapag sumusigaw siya, naisipan ko naring gawing alarm ko iyon dahil tuwing sisigaw si Alex...sure ako magigising na magigising talaga ako. Aishh, akala ko magkakaroon yata ako ng heart attack kanina.

Umupo ako sa kama ko at tumingin ako sa orasan at 4:00a.m palang. Maaga pa. Matutulog pa sana ako nang marinig kong sumigaw si mama. "Lily! Alam kong gising ka na! Subukan mo lang matulog ulit at ibababa ko ang allowance mo!!" nang marinig ko ang sinabi ni mama, biglang nagising ang diwa ko. "Halika't bumaba ka na dito at kumain ka muna ng almusal!!" sigaw ulit ni mama. "Opo!!" sigaw ko naman. Tumayo ako sa kama ko at nag-unat. Hay...inaantok pa ako ehh...kaya lang ayoko namang bumaba ang allowance ko as if hindi pa mababa ang allowance ko.

Bumaba ako sa kusina at nakita ko si mama na nag luluto ng itlog para sa almusal. "Ma, ako na diyan." pag-alok ko ng tulong kay mama. "Wag na, ako na dito, mabuti pa ay magtimpla ka na ng gatas mo." pag utos naman saakin ni mama, tumango ako at nagpakulo ng tubig at inihanda ko na rin ang gatas. 

"Ano oras ka umuwi kagabi?" tanong saakin ni mama habang nag luluto. Patay..."Po?" pagbalik ko naman ng tanong kay mama. "Lily Anne, wag mo akong daanin sa ganyan. Ano oras ka umuwi kagabi?" pag-tanong ulit ni mama saakin. "Umm....mga 10 o'clock ng gabi.." mahina kong sinabi sakanya. "Lily, diba usapan natin wag ka uuwi ng disoras?" hala....mukhang mag le-lecture ako nito, kahit hindi pa nagsisimula klasi namin.

"Ma, sorry na. Ang daming kayang tao sa Yale kahapon. Tapos, Ang dami pang bumili ng gamit sa National Books Store. Tapos, puno pa yung restaurant na kinainan namin. Kaya, yun....na late ako ng uwi...." pagpapaliwanag ko kay mama habang nag hihintay ako na kumulo ang pina-init kong tubig. "Sige ha, last mo na ito. Ikaw, pasalamat ka at mabait ang mama mo kung hindi baka nalatigo na kita" sabi ni mama saakin habang nilalagay ang itlog na niluto niya sa plato. "Thank you po, mama!!" pagpapasalat ko kay mama at binigyan ko siya ng mahigpit na yakap sa likod. "O sha, kumukulo na ang tubig. Lagay mo na iyan sa gatas mo at kumain na tayo." naka ngiting sinabi saakin ni mama. Tumango ako at kinuha ang mainit na tubig at ibinuhos iyon sa basong may gatas at hinalo iyon at kumain na kami ni mama.

Nang matapos na kaming kumain, nag hugas na ako ng plato at naligo. Nang matapos ako maligo ay napatingin ako sa uniform namin sa Yale University.

 Nang matapos ako maligo ay napatingin ako sa uniform namin sa Yale University

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang ganda!! Bet ko to. Nagbihis ako at nag suklay. Tinignan ko ang orasan 5:05a.m palang. Maaga pa...pero baka ma-late ako kaya umalis na ako. Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang allowance ko kay mama. "Ingat ka ha." sabi ni mama saakin pagkatapos akong yakapin. Iyan ang laging bilin saakin ni mama kaya lagi ko naman itong sinusunod. Tumango ako "Opo!" at tumakbo na ako papalabas ng bahay para makipag kita kila Sarah, Alex at Adrian.

The More You Hate, The More You LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon