Chapter 16: Fever

27 2 0
                                    

Lily's P.O.V

*Wake up!! Wake up!! Wake Up!!*

Bigla akong nagising sa malakas na alam clock ko. Ahh the classic alarm clock na kapag narinig ko, bigla nalang tatayo yung balahibo ko sa takot na baka yung totoong Alex na yung gumigising saakin.

Tumayo ako sa kama ko at tumingin sa orasan at 4:00a.m, salamat sa magic alarm clock ko, nagising ako ng maaga ngayon. Naligo ako ng mabilis at nag bihis na. Why is everytime na tignan ko yung uniform namin nagagandahan ako. To be fair, maganda naman talaga.

Sinuot ko yung uniform ko at agad nang bumaba para kumain ng almusal. "Good morning Ma!" sabi ko sabay tulong kay mama sa paghahapag ng pagkain sa lamesa.

"Himala ang aga mo." pabirong sinabi ni mama saakin. Himala nga maaga akong nagising eh, but hey, who knows, malay mo ngayong senior high na ako hindi na ako magiging late katulad ng dati.

"Siyempre naman, ayoko naman masaraduhan ng gate no. Plus, second day palang, ayoko naman magbigay ng bad first impression." sabi ko kay mama na ikinatawa niya.

"Oo na, sige. Yan kain na tayo pero mag pray muna ah." sabi ni mama at nag dasal kaming dalawa at kumain na.

Pagkatapos kong kumain, nag tooth brush ako at sinuot ang mga sapatos ko, saka agad nang umalis. "Bye Ma! See you mamaya!" pahabol kong sigaw at saka agad nang tumakbo.

Habang tumatakbo, bigla kong naisip na daanan si Sarah. I mean, maaga pa naman, plus sure ako na kumakain palang ng almusal yun. Nagkataon kasi na napasobra sa aga yung gising ko at nagkaroon pa ako ng oras na daanan si Sarah.

Nang makarating ako sa bahay nila, maliit lang yun pero komportable, which is the house that I like, simple but comfortable. Kumatok ako sa pinto at nagulat ako nang nanay niya ang bumati saakin. Kadalasan kasi si Sarah ang sumasagot ng pinto.

"Oh, Lily, halika pasok." pag alok ng nanay niya saakin at pumasok naman ako, Ilang beses na rin ako pumunta dito kaya komportable na ako.

"Kumain kana?" tanong ng nanay niya saakin habang nagluluto.

"Ay opo, Si Sarah po?" sagot ko sakanya sabay tanong narin kung nasaan si Sarah. 

"Ah si Sarah, nasa kuwarto niya. Mukhang hindi siya makapasok ngayon eh, may lagnat kasi siya." paliwanag ng nanay niya saakin. Laganat? Saan niya galing yun?...paano?..

"Pwede ko po siya puntahan?" tanong ko sa mama niya at tumango naman siya.

Pumunta ako sa kuwarto niya pero habang naglalakad ako papunta doon, iniisip ko kung paano niya nakuha ang lagnat niya.

Teka...kahapon, nung binuhusan siya nila Violet at Zoey ng tubig at nilamig siya dahil sa lakas ng aircon sa lounge. Sh*t! Kasalanan pala ng mga babaeng yun eh, mahina pa naman ang katawan ni Sarah sa lamig.....ahh pag ako napuno, susugurin ko yung bahay ng dalawang walang hiyang mga babaeng yun.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko bago pumasok sa kuwarto ni Sarah. Kumatok ako at pumasok. "Sarah?..."

"Oh napadaan ka.*cough* " sabi niya habang sinusubukan tumayo.

"Ops, bawal tumayo." sabi ko sabay tulak sakanya para humiga ulit.

"Ayos ka lang? Mukhang nilamig ka dahil sa kahapon." sabi ko sabay upo sa side ng kama niya.

"Ayos lang ako. Besides, lagnat lang to. It's not like mamatay ako or something diba?" pabiro niyang sinabi at pinitik ko siya sa noo.

"Ikaw kung ano-anong iniisip mo. Mag pahinga ka na nga lang at sasabihin ko kila Alex at Adrian ang nangyari sayo, sasabihin ko narin sa teacher mo kung bakit hindi ka makakapasok. Pagaling ka." bilin ko sakanya bago umalis ng kuwarto niya.

The More You Hate, The More You LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon