Chapter 2: Entrance Exam

65 23 9
                                    

Lily's P.O.V

Nag-rereview ako ngayon para sa entrance Exam na gaganapin sa YU habang nakatingin sa oras dahil baka ma-late nanaman ako matulog at ma-late nanaman ako bukas sa pagkikita namin nila Alex at baka kumulo nanaman ang dugo niya.

12:30a.m sh*t eto nanaman ako, matutulog ulit ng late, matulog nanaga ayoko na malate baka hindi ako umabot ng buhay bukas.

.

.

next day...

.

.

"Lily! Lily!" sigaw ni mama saakin, tumayo ako at tumungin sa oras 7:00a.m palang mukhang jackpot ako ngayon hindi ako late, mamayang 10:00a.m pa kami mag kikita-kita. Sa sobrang antok ko bigla akong bumagsak sa kama at nakatulog ulit.

"Lily huy....gising na papagalitan tayo ni Alex" sabi ng taong nasa tabi ko, dumilat ako at nakita si Sarah sa tabi ko, umupo ako at tumingin sa orasan sh*t 9:30a.m na ayokong ma-late ulit tumayo ako ng mabilis at naligo ng mibilis at nagbihis nalang ng orange t-shirt, pantalon, at ang signature na black na salamin ko at hinila papalabas ng bahay si Sarah "Ma alis na ako!" sigaw ko at tumango lamang si mama at agad naman akong umalis habang hila-hila ko si Sarah.

Mahigit limang minuto na kaming nag-lalakad ni Sarah pero wala parin kami sa dapat naming puntahan "Hala...naliligaw.... na yata tayo..." sabi ni Sarah habang nanginginig "Ha? h-h-hindi pwede yan...ehh ayon sa GPS ko eto tamang daanan ehh" nanginginig kong sinabi sakanya "sure ka? baka naman may tama lang sa ulo ang GPS mo" sabi niya saakin "ahhh......ehhhh.........geneto nalang may tanong ako para mabawasan ang kaba natin kung naliligaw man tayo, ano um...kinakabahan ka ba sa entrance exam? " pagliko ko sa topic namin "konti...sabi ng iba medyo mahirap ang pag i te-test natin" sagot niya saakin.

Nagpatuloy kaming naglakad at nag kwentuhan. Mga ilang minuto pa at nakarating din kami "Ohh bakit late nanaman kayo?" as usual yun nanaman ang tanong ni Alex.

"Naligaw kami ehh, malay ba naming maliligaw kami" paliwanag naman ni Sarah kay Alex "hay...kayong dalawa talaga....mabuti nalang mamayang 1:00p.m pa ang test." sabi ni Alex.

Lumaki ang mga mata namin ni Sarah noong sinabi niya iyon, "ANO!?" sigaw ko sakanya "Alam ko naman na malalate kayo kaya nag plano ako ng mas maaga, tama ang hinala ko 12:00 na kayo dumating kaya mabuti pa umalis na tayo at baka tuluyan natayong ma-late" sabi ni Alex at hinila ang kamay ko at sumunod sila Sarah at Adrian.


Adrian's P.O.V

Naglalakad kami ngayon habang nasa harap ko si Alex na hawak-hawak ang kamay ni Lily at nasa tabi ko si Sarah. "Huy...kain muna tayo..." pag-aangal ko sakanila "hay nako Adrian, kakain kananaman ehh naka limang cake ka kanina doon sa cafe ehh" sabi naman ni Alex saakin "ehhh bitin pa yun ehhh" pag-aangal ko ulit," kasalanan ko bang may dragon sa tiyan ko?"

"Hayyy Adrian sige lilibri kita ng pagkain basta tiisin mo muna gutom mo, lilibri kita mamaya"sabi naman ni Sarah saakin "Sure ka ah? pag hindi isang taon kita kukulitin" sabi ko sakanya at biglang tumawa si Lily.

"Ohh bat ka tumatawa?" tanong ko sakanya "wala..." maikli nitong sagot at nagpatuloy na tumawa "Ano nga?" pag kukulit kong tanong sakanya "kasi wala ka pa bang tiwala kay Sarah ehh kailan ka pa ba niya binigo?" sagot niya saakin habang tumatawa "siyempre may tiwala, ang hindi ko maiintindihan ay bakit ka tumatawa" sagot ko sakanya "Teka pinag tri-tripan niyo ba ako?" tanong ko at nag si tawanan sila "Hinde, basta lilibri talaga kita" sabi ni Sarah at tumakbo papunta kila Lily at Alex.

Hayyyy hindi ko talaga sila maintindihan, paminsan talaga may sira sa ulo ang mga kaibigan ko.

Nag patuloy kami sa paglalakad at malaking gulat ko at may nakita akong sasakyan na nakakuha ng aking atensiyon.....isa yung red sports car pero hindi ko matandaan kung kailan ko nakita ang sasakyan nayun kaya hindi ko nalamang ito pinansin.

The More You Hate, The More You LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon