Chapter 13: Garden of Flowers

25 3 0
                                    

Sarah's P.O.V

Habang lumilibot kami sa school kasama ang the one and only nakakainis na partner ko na si Samuel. Naisipan ko na dumaan muna sa library para tumingin ng mga libro. 

"Ahem...punta muna tayo sa library." nakayuko at nakapikit kong sinabi sakanya at napatigil siya sa paglalakad at bigla naman akong nabangga sa likod niya dahil nasa harapan ko siya.

"No." malamig niyang sinabi. Tsk, jerk! Nakakainis siya!

"What? Bakit?" tanong ko sakanya. Ngumisi siya.

"Because I don't want to, marami ka panamang oras para pumunta sa library kapag free time mo." sabi niya saakin at nag patuloy na mag lakad. Ang sungit talaga!

Habang naglalakad kami sa school at tinitignan ang mga puwesto ng bawat room, nagkataon na nakasalubong namin sila Nate at ang partner niya.

"Nate!" sigaw ko sakanya at sabay na kumaway. Tumingin siya sa direksyon ko at kumaway din siya pabalik saakin. Si Sam naman na seryosong nakatingin din kay Nate. Galit siya? Ano nanaman ba ang ginawa namin?

"Jay--"

"Fine. Let's go to the library." pagputol ni Samuel kay Nate na lalapit sana saakin. Kinuha ni Sam ang kamay ko at hinila na ako papalayo. Ano problema nito?

Habang naglalakad ako papalayo kay Nate, nakita ko siyang yumuko at biglang tumingin nalang saakin at ngumiti. Nginitian ko din siya pabalik at tumingin pabalik kay Samuel na hanggang ngayon ay hinihila ang kamay ko.

"May nakain kabang hindi dapat kainin?" sarkastiko kong tanong sakanya. Tumigil siya sa paglalakad at binitawan ang kamay ko.

"Shut up. Siyempre wala. Gusto mong pumunta ng library diba? Kaya ayan, tara hanapin na natin." sabi niya habang nakatalikod saakin at naglakad na. 

"Kanina lang ayaw mo tapos...tsk." mahina kong bulong pero mukhang narinig niya yun.

"If you're going to badmouth me ng palihim, at least hinain mo pa ang boses mo, hanggang dito naririnig kita" seryoso niyang sinabi at nag lakad na.

Grabe, lakas naman ng pandinig niya. Ahh naiinis na ako sakanya! Bakit kasi kami pa ang naging mag-partners and worst, for a semester pa.

Nakarating kami sa library at nabighani ako sa sobrang daming libro. Siguradong magugustuhan to ni Alex dahil nga bookworm ang kaibigan kong iyon. 

Nag ikot-ikot ako sa library habang nag ikot din si Sam. 

Habang naghahanap ako ng libro nakita ko si Lily. Lalapitan ko na sana siya pero bigla kong nakita si Leo na kasama rin niya.

Heh mukhang pareho kaming minalas sa partners.

Mukahang hindi sila nag-papansinan dahil pareho lang silang nagbabasa at hindi nag titinginan but understandable naman.

Nang may makita na akong librong gusto ko. Sinubukan ko yung kunin pero masyado yun mataas. Bakit kasi ang liit ko eh.

Tumingkad ako at sinubukan ko parin iyon kunin nang may maramdaman akong tao sa likod ko at lumapit para kunin ang libro. Nang makatalikod ako nakita ko si Samuel.

Lumapit siya saakin at nagtanong. "Eto babasahin mong libro?" tumango ako habang nakatingin sakanya pero ngumisi lang siya.

"Sorry, first come, first serve." sabi niya sabay talikod saakin.

Lalakad na sana siya papalayo pero bigla kong hinila ang damit niya. "Teka! ako unang nakakita eh!" sigaw ko sakanya.

Ngumisi ulit siya. "Shhh pardon me, pero nasa library tayo baka nakaklimutan mo. Ikaw nga nakakita pero ako ang nakakuha." sabi niya saakin habang lumalapit. Jerk!

The More You Hate, The More You LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon