1

13 6 0
                                    

"AYA!" Napapitlag si Aya nang biglang isinigaw ng kaibigan niya ang kaniyang pangalan.

Napatingin siya sa kaibigan niyang nakakunot ang noo habang nakapamewang sa harap niya.

"Nakikinig ka ba? Like duh, nagsu-suggest ang group mates natin pero parang hindi ka nakikinig." Taas kilay nitong sabi. Napabuntong hininga si Aya.

"Pasensya na." Paghingi ng paumanhin ni Aya.

"Ayos lang. Bakit? Ano ba ang iniisip mo at parang lutang ka?"

"Wala. Inaantok lang talaga ako, Ruth." Nangalumbaba si Aya at tiningnan ang mga kagrupo.

Muli siyang napabuntong hininga. Pito sila sa grupo pero silang dalawa lang siguro ni Ruth ang mapagkakatiwalaan. The rest, tamad.

"Oh? Ano na ang suggestions niyo para sa short film sa Filipino?" Tanong ni Aya nang umupo na si Ruth sa katabi niyang upuan.

"Isang babaeng nerd na nakabangga sa highschool heartthrob."

"Gangster girl meets gangster boy dapat."

"Ang cliché ng mga ideas niyo. Mas mabuti yung lost princess na napadpad sa mortal world."

"Mas cliché ang sa'yo. Mas gusto ko ang bad boy na nagkagusto sa nerd."

"Ang papangit ng suggestions niyo. Mas maganda yung nerd na nag-revenge sa mga nang-api sa kaniya."

Napapoker face sina Ruth at Aya sa suggestions ng mga kagrupo nila.

"Tama na nga. Ang cliché na ng mga binigay niyo." Komento ni Ruth kaya napatahimik ang mga kagrupo nila.

"Wala ba kayong unique na plot?" Taas kilay na tanong ni Aya.

"Ikaw na dapat ang mag-isip. Ikaw naman ang leader eh." Sabi ng isang kagrupo niya. Napailing siya at nag-isip na lang.

"Ibahin natin ang genre natin. Alam kong puro romance ang genre ng mga kaklase natin. Kung ang dulot ng short film nila sa iba ay kilig, ang atin dapat iba." Sabi ni Aya.

"Kung paranormal ang genre, maganda kasi tatatak sa isip ng mga kaklase natin. Ang problema, ang effects natin. Kung drama, okay rin. Kailangan nga lang natin magsayang ng luha. At last na naisip ko, mystery or thriller. Kapag ito naman, dapat hindi mahalata ang suspect natin. So, ano? Kailangan natin mabigyan ng magandang film ang mga viewers lalo na't intrams ngayon." Mahabang sabi ni Aya.

"Paranormal! Tapos si Hubert ang multo!"

"Drama na lang! Paiiyakin natin si Kyla!"

"Mystery! Tapos si Liana ang pinatay!"

Napailing si Aya sa mga sinabi ng mga kagrupo. Si Ruth naman ay nakahalukipkip habang nakatingin sa mga kagrupo.

"Tsk. Umayos nga kayong lahat. Paranormal na lang. Lagyan natin ng kaunting romance para hindi naman boring ang short film natin." Final na sabi ni Aya.

"So ngayon," she tapped her fingers on the table. "Ano na ang plano?"

Sabihin na lang natin na, wala na namang nakuhang matinong sagot si Aya at natagalan sila sa kanilang meeting.


KAKATAPOS lang ng kanilang intrams. Nakahiga si Aya sa sahig ng kwarto niya habang nakatingin sa kisame.

She's turning sixteen tomorrow. Magagawa na niya ang gusto niyang gawin. Sasabay si Ruth sa kaniya sa gagawin niya.

Nakapag-impake na siya ng mga gamit at hindi na siya nag-abala pang magpaalam sa pabaya niyang pamilya. Bakit pa ba siya magpapaalam kung matagal na rin siyang kinalimutan ng pamilyang iyon? Nagdududa nga siya kung pamilya nga ba niya sila o hindi eh.

Kung tunay siyang anak, hindi nila ito gagawin sa kaniya. Hindi siya dapat pinabayaan ng mga magulang niya.

Napabuntong hininga siya at napatingin sa bag na nasa tabi niya.

"This is it. There's no turning back." Sambit niya sa sarili at dumapa. Muli siyang napabuntong hininga.

"Anong distrito kaya ang pipiliin ko?" Tanong niya sa sarili. Balak niyang lumipat sa ibang distrito lalo na't pwede na niyang gawin iyon dahil sixteen na siya bukas.

Hindi biro ang paglipat ng distrito. Bagong distrito, bagong buhay. Minsan nga magbabago rin ang iyong pagkakakilanlan at katauhan.

Sa pagpili ng distrito, dapat ay piliin mo ito ng mabuti kung ayaw mong magdusa.

Kasalukuyan siyang nasa District 1 kung saan siya nakatira. Hanggang sa District 13 ang mga distrito.

Napatayo siya mula sa pagkakahiga sa sahig nang makarinig siya ng katok sa pinto ng kwarto niya.

Huh? Paano siya nakapasok sa bahay? Sa isip niya. Nakabili siya ng bahay na maliit ng dahil sa sarili niyang pagsisikap. Bata pa lamang siya pero nakabili na siya ng sariling bahay. Nabubuhay na rin niya ang sarili niya.

Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kaniya si Shammie na nakabusangot.

"Oh? Anong mukha 'yan?" Tanong ni Aya sa kaniya.

"Hindi mo ako pinagbuksan sa labas kaya pumasok na lang ako." Nakanguso nitong sabi. Inirapan siya ni Aya bago nagsalita.

"Ano ba ang kailangan mo?"

"Sasama ako sa inyo ni Ruth bukas. Tapos iniimbita ka ni Mama at Papa sa bahay para doon na maghapunan. Pumunta ka na lang daw mamayang six."

Napangiti si Aya sa sinabi ni Shammie. Close siya sa mga magulang nito dahil palagi silang magkasama ni Shammie.

"Okay. Alis." Pagtataboy niya sa kaibigan. Napailing na lang si Shammie bago nag-martsa papunta sa pinto.

"Teka," pahabol nito, "'wag na 'wag mong pipiliin ang District 9. Doon nanggaling si Papa dati at sabi niya sobrang delikado doon. Mangako ka, Aya. Mangako ka na hinding-hindi mo pipiliin ang District 9."

Ilang segundong natahimik si Aya.

"Hindi ko maipapangako 'yan, Shammie." Nagulat si Shammie sa naging sagot niya.

"A-Ano-"

"Paano kung ang distritong iyon pala ang mabuti para sa akin? Paano kung doon talaga ako nabibilang?"

"Pero Aya, wala sa pamilya mo ang nanggaling sa District 9. Mahihirapan ka doon."

"Pamilya ko nga ba sila? Sige na, Shammie. Maglilinis pa ako ng bahay."

Tumalikod si Aya sa kaniya kaya napabuntong hininga siya.

Narinig ni Aya na bumukas at sumara ang pinto ng bahay niya, senyales na lumabas na si Shammie.

"Hays. Pamilya? Psh."

Napailing si Aya at dumiretso na lang sa kusina.

District 9Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon