2 : Work

27 2 1
                                    

Parehas kami nakasilip ng kaibigan kong si Dein sa ginagawang spaceship para mag travel sa iba't ibang parte ng Milky Way.

Deiana Alfaro is my Half Filipino Half Spanish friend of mine, nakilala ko dito sa IASA.

"Do you think that wormhole is true, Dein?" I asked her while staring blankly at the insides of the spaceship— M-1410 Apollo.

"Not that much." Maikling sagot nito, napakunot ang noo ko.

"Why?" I looked curiously at her,

"Hmm. There are so many requirements before stepping in into a one wormhole, also, its too small. Wala pa din nakikita ang mga scientist na ganon, Feliese." Buntong hininga nito.

"Eh bakit sila magiimbento ng isang wormhole kung di totoo?" Tanong ko pa. Kahit matalino ako ay alam kong mas matalino si Dein tungkol sa mga ganto.

"Probably fiction, Feliese. Desperada na siguro sila na makapagtravel sa past o kaya gustong masagot na ang pangungulit ng mga tao kaya sila nag imbento ng wormhole." Malungkot syang ngumiti sakin, "At alam kong kagaya ka rin nila na desperado na bumalik sa past para ma save si Tennessey, why dont you try to move on, Feliese?" Sya naman ngayon ang nagtanong.

Napabuntong hininga ako dahil kilalang kilala nya talaga ako.

"I tried naman, Dein. I just cant help to wonder if science can help me about travelling in the past." Sagot ko saka ngumiti ng pilit sa kaibigan. Pagod naman nya akong hinawakan sa aking balikat.

"Ill help you to find a wormhole, Feliese. Dahil ayoko nang makulong ka sa konsensyang yan. Titignan ko kung may magagawa si Lolo tungkol jan."

Kilala ang lolo nya bilang isang napaka talino at magaling na propesor ng siyensya na syang nagdala sakanya dito patungo sa IASA.

Napangiti ako sa sinabi ng kaibigan at niyakap ito, "Thank You, Dein."

-

Parehas kaming kumatok ni Dein sa opisina ng kanyang Lolo. Binuksan naman agad to ni Ms Miller, ang secretary ni Lolo Zoren.

Kung tutuusin ay medyo bata pa ang matanda, sadyang nagmumukha lang matanda dahil sa stress sa Administrasyon.

"Lo," tawat dito ni Dein saka tumingin sakin, tumango lang ako sakanya.

"Do you know something about wormholes?" Then suddenly, the room became quiet.

- - - - - - - - - - - - -

Malapit naaa~

A Runaway from Milky Way (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon