25 : Ready

7 1 0
                                    

Dahil pinilit ako ni Rai na dumalo ng farewell party, kahit saglit lang daw ay dadalo ako, walang magawa.

Kakagising ko lang ngayon at napansin ko ang dress na halos katabi ko.

At isa lang ang naisip ko, isa bang prom ang pupuntahan namin para mag suot ng dress?!

Kagabi kase ay naisip kong magsuot nalang ng shorts at magandang blouse para sa party dahil wala namang kasiguraduhang theme.

Napabusangot ang mukha ko nang mapagtantong magsusuot ako ng dress!

Naalala ko tuloy dati ang pag aaway namin ni Dein dahil ayaw kong magsuot ng dress sa 21st birthday ng kapatid nyang si Liam.

"Lalaki ka ba ha at ayaw mong mag suot ng dress?!" Inis na bulyaw sakin ni Dein dahil nga ayaw kong magsuot ng isang dress.

"Hindi nga kase ako komportable! Kung cropped top ang ipasusuot mo at shorts ay okay pa dahil makakagalaw ako, pero sa dress ay hindi! Kapag tumuwad ako ay kita na agad ang perlas ng sinilangan!" Pagrereklamo ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang ibang babae ay gustong gusto ng mga ganto! Hindi naman komportableng gumalaw!





Nung araw na yon ay si Dein parin ang nasunod. Kahit na inis na inis ako buong araw dahil nga di ako komportable ay wala akong magawa dahil suot ko na! Ang ginawa ko nalang ay magdasal na sana bumilis ang takbo ng oras para mahubad ko na ang pesteng damit na yon!

Inangat ko ang dress saka tinignan itong mabuti.

Hmm ayos naman..

Medyo kapantay lang din kase neto ang tuhod ko kaya okay lang. Saka may kapartner naman syang puting mahabang coat, kaya wala talagang problema ang pagiging sleeveless nya.

Napabuntong hininga nalang ako at naisip na pwede naman akong mag suot ng cycling sa loob.

-

Nag ayos muna ako ng sarili bago lumabas ng kwarto. Dinala ko rin ang phone ko, nasa loob sya ng coat ko. May hidden pocket kase ito sa loob kaya di mapapansin ang pagdadala ko neto sa loob ng party.

Napangisi ako.

Kinatok ko si Rai sa kanyang kwarto para yayaing umalis na. Sa isang medyo malayong lugar daw kase gaganapin ang farewell party kaya maganda na ang maaga.

Napangiti ako nang makitang ready na si Rai, hinahantay nalang talaga ako.


-

Nakangiti parin ako kahit nasa loob na ng kotse.

I'm ready to see again his grey eyes.

  - - - - - - - - - - - - -

Dapat talaga ito yung chapter 26 eh! Lol!

A Runaway from Milky Way (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon