35 : Realizations & Memories

11 1 0
                                    

⚠️: LONG CHAPTER AHEAD.

If you want to feel this chapter, play lost stars again. Kapag sinabi ko ulit.

- - - - - - - - - - - -

Nagising ako nang nasusuka, agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at pumunta agad sa banyo.

Ilang araw na akong ganito, minsan nga feeling ko may flu ako dahil sinasabayan to ng sakit ng ulo.

Pagkatapos sumuka ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin, I freaking look like a mess!

Dark eyebags under my eyes, reddish nose, pale lips and all. Dagdagan pa ng namamaga kong mata, talagang mukha akong multo!

I've been crying every night since I left Thaia.

I miss his presence so much, I miss his beautiful grey eyes, my spaceship to his soul and heart. I miss his kisses. I miss everything about him.

Di ko napansin na umiiyak muli ako, nang mapagtanto ay agad akong naghilamos at tinali ang mahaba kong buhok. Maybe, I'll cut this today. Masyado nang mahaba eh.

Simula nang dumating ako dito ay yung tungkol lang sa napuntahang mundo ko ang ikinekwento ko kay Dein, hindi ko pa nakekwento ang ibang bagay dahil sa kalagitnaan ng pagkekwentuhan ay bigla akong matutulala at maiiyak!

I swear I'm a walking mess since I got home!

Hindi ko parin naiinform tungkol don ang lolo ni Dein na si Lolo Zoren dahil di pa ulit ako nakakapunta ng IASA.

The first day I got home is a hell! Hindi ako makausap ng matino idagdag pa ng flu ko. Hindi ko nga alam kung bat nagkasakit ako samantalang wala naman halos pinagkaiba ang weather sa Thaia at Earth.

Matapos ayusin ang sarili ay napagdisisyunan kong bumaba para sa almusal. Uupo na sana ako sa highchair sa counter ng kusina nang maamoy ko ang niluluto ni Dein!

Agad-agad akong pumunta sa CR para sumuka. Humarap ako sa salamin at magmumumog na sana nang may pumasok sa isip ko!

Ang namumutla kong mukha ay mas lalong namutla nang may marealize ako!

Malaki ang posibilidad na magkatotoo ang iniisip ko, dahil hindi pa rin ako dinadatnan mula ng pagkauwi ko dito.

Nagmamadali akong lumabas ng cr at pumuntang kwarto para mag suot ng cardigan at kunin ang wallet ko, pupunta akong pharmacy ngayon. Di ko kayang di malaman ngayon kung totoo nga ang iniisip ko!

Halos mahulog ako sa hagdan dahil sa pagmamadali, nilagpasan ko si Dein na kuryosong nakatingin sakin, "Saan ka pupunta, Luns?"

"Dyan lang." Saad ko bago lumabas ng bahay, para pumuntang pharmacy.

Para makasigurado ay tatlong iba't ibang brands ng pregnancy test ang binili ko at agad na sinubukan.

Sa unang subok ay dalawang faint line ang aking nakita, di ako nakuntento at sinubukan pa ang dalawa!

Nanginginig at nanlalaking mata nang makita ko na pareparehas ang resulta ng PT!

Napaiyak ako nang mapagtantong dinala ko ang anak nya.

Pumasok si Dein nang marinig at makita ang sitwasyon ko dito sa CR. Agad akong tumayo at niyakap sya, umiiyak parin.

"Dein buntis ako! Anong gagawin ko?! Buntis ako!" Paulit ulit kong saad habang umiiyak. Ramdam ko ang pagkagulat nya dahil hinigpitan nya lalo ang yakap nya saken.



A Runaway from Milky Way (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon