4 : Discovery

18 2 0
                                    

Ilang araw akong nag gym, naghahanda para sa pag-alis.

"Feliese, anong gusto mong ulam ngayon?" Tanong sakin ni Dein. Kinakain ko na kase lahat ng gusto ko dahil alam kong pagdating ko sa nakaraan, puro misyon nalang ang gagawin ko don.

"Hmm.. menudo." Tumango ito saka umalis na habang ako naman ay nagpapahinga, galing sa gym.

Dahil di pa dumadating si Dein ay bahagya akong nag isip ng mga gagawin kong misyon pagdating sa nakaraan.

Probably, in the first day hahayaan ko muna ang sarili kong panoorin si Ten. Hindi ako magmamadali kase ang pagpapalaki ng isang wormhole will take time.

Dahil sa pag iisip, ay di ko na napansin si Dein na dumating with menudo in her hands, "Uy, Feliese." Tawag nito sakin kaya napalingon ako sakanya— natigil ang pag iisip.

Agad akong umupo sa upuang kaharap ng kanya, nang makita ang menudo sa lamesa ay di ko napigilang mag laway.

Habang kumakain ay nakailang buntong hininga si Dein, parang may problemang kanina pa iniisip. Pagod akong tumingin sakanya, "What is it, Deiana?"

Bumuntong hininga muli ito saka tumingin sakin, "Are you sure about going on the past, Feliese?"

Ngumiti lang ako sakanya, "Yes." I really want to save Tennessey from that accident. Kahit si Tennessey nalang ang matira, kahit sya nalang.

"Sige, hahayaan kita sa gusto mong mangyari kase alam kong di ka titigil sa pag sisisi sa sarili mo. Sana maging successful ang pag alis mo." Ani Dein, at kahit kumakain kame, tumayo ako at niyakap sya.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha nya, kasabay ng mga luha ko.

Kahit makikita ko parin sya in the past, i will still probably miss her.

-

Dumating ang araw ng aking pag alis, suot ang  pang astronaut na gear, para daw maprotektahan ako sa kahit ano mang mangyayari sa loob ng wormhole, ang wormhole sa aking harapan, at si Dein, Lolo Zoren sa aking likuran.

Bumuntong hininga muna ako, bago humarap kay Dein at niyakap ito.

"Ingat." Bulong nito sakin, kaya ngumiti ako.

"Ikaw rin."

Pagkabitaw ng yakapan namin ni Dein ay agad umubo si Lolo Zoren kaya nag tawanan kami.

"Feliese, Hija," ani Lolo Zoren saka inabot ang isang case, sigurado akong andyan yung wormhole na gagamitin ko pag balik, "Ito yung wormhole nagagamitin mo, tandaan mo ang sinabi kong tatlong buwan bago ito lumaki ng tuluyan. Okay lang naman 'yon dahil mabagal ang oras sa nakaraan, Hija." Mahabang dugtong ni Lolo Zoren saka iniabot na sakin ng tuluyan ang case.

Tumingin ako kay Lolo Zoren saka nagpasalamat, "Salamat po."

Tumango lang ito sakin, hudyat na dapat na akong umalis.

Sinuot ko ang mala helmet na para sa ulo, siniguradong di ito matatanggal at binitbit ang case na halos walang bigat dahil sa laman.

As I enter the wormhole, all I can feel is my body feeling numb. Walang nararamdaman, walang kahit ano.

I successfully landed that day, but..

The wormhole did not bring me into the past, instead it brought me into another world called Thaia.

- - - - - - - - - - - - - - -

Comments!


A Runaway from Milky Way (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon