34 : Go

7 1 0
                                    

"Bakit hindi mo sabihin na galing ka sa Earth, Luna Buelva?" Sabi ng walanghiyang si Paulo Variens.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, pero agad ko syang nilingon at nginisihan.

Humarap ako ng buo sakanya saka humalukipkip, "Why would I, eh nasabi mo na?" Bakas sa mukha ni Variens ang pagkagulat.

"Hindi mo ba alam na matatanggal ka sa-" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nya. Nawala ang ngisi sa mukha ko at napalitan ito ng kunot ng noo dahil sa Pesteng Variens na to!

"Hindi na kailangan, I'll immediately leave and comeback on my true home." Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto, "Wala kayong pinagkaiba sa mga makasariling tao sa mundo ko. Sa tingin ko nga ay mas malala pa kayo. Thinking na healthy nga ang mundo nyo, pero," tinignan ko sya mula ulo hanggang paa, "yung mga tao, unhealthy. Pano kase, sila mismo yung plastik." Ani ko saka ngumisi.

Ngunit bago ako makaalis ay tumig ako, "and ah! Before I forget, ikaw na magpasa ng resignation ko, Variens. Tutal ikaw naman yung nagpaalis sakin." Dagdag ko bago matapang na lumakad papuntang kwarto ko.

At pagkadating na pagkadating ko doon ay nagtuluan lahat ng mga luhang pinipigilan ko kanina.

They are just the same.

They are all liars.

They are all greedy.

They are all bad for the environment.

Well, what do you expect from humans? I shoudnt have let myself fall for their bait.

They are all genius yet they can't understand the things that everyone in the world needed.

They are just thinking of their own.

Napapailing ako habang tahimik na inilalagay ang mga gamit ko sa loob ng luggage, nang matapos ay nanginginig ang kamay kong nagtipa ng message para kai Rai, pinapaputna sya dito sa kwarto ko.

Maya maya ay rinig ko na ang pagkatok nya kaya binuksan ko agad ang pinto at sinalubong sya ng yakap.

"Rai!" Hagulhol ko. Ramdam ko na naguguluhan sya, pero, hinayaan nya lang akong umiyak sa balikat nya.



Nang kumalma ako ay tahimik parin akong pinagmamasdan ni Rai. Alam kong marami syang tanong pero, dahil alam nya ang pinagdadaanan ko ay tahimik lang nya akong tinitignan. Tila hinihintay na mag kwento ako sakanya.

Suminghap ako saka sinabi ang bagay na kanina pang nasa isip ko, "Uuwi ako. Babalik na ako sa Earth, Rai. Lagpas tatlong buwan narin ako dito.."

Tumingin ako sakanya, kitang kita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mata, I weakly smiled at her. Assuring her that I'm okay.. kahit na sa loob loob ko ay alam kong hindi.

Pero dahil isang tunay na kaibigan si Rai, ay kailangan kong maging matatag para sakanya.

Niyakap ko sya, and.. as I embrace her, I suddenly remembered someone.. someone who has grey eyes.. someone who I loved the most.

Napapikit ako nang maalala ng mga abong mata nyang puno ng sinseridad  lagi.

Alam kong sya lang. Alam kong di na to masusundan pa.

Tumulo ang mga luhang para sakanya, para sa lalaking may kay gandang mga mata, para sa lalaking may magandang boses.. at higit sa lahat, para sa kahuli hulihang lalaking  aking minahal.

Pinigilan kong humikbi, pinigilan kong iparamdam kay Rai na umiiyak din ako.

"Luna!" Paulit ulit na sabi ni Rai habang umiiyak.

Nang sinubukan nyang kumalma ay sinabi ko na agad ang plano ko, "ngayon na ako aalis, Rai. Ayoko nang patagalin pa.. hindi naman ako para dito." Sabi ko saka mapait na ngumiti, umiling sya, "Pamilya ka, Luna." Halos bulong nyang saad.

Napangiti ako don, at naramdaman na may humaplos sa puso ko.

Natutuwa akong.. kahit maikli ko lang silang nakasama.. pamilya na agad ang turing nila sakin. Masaya ako na malaman na sa isang parte sa buhay ko ay nagkaroon muli ako ng pamilya— pamilyang handa akong tanggapin ng paulit ulit.

Kumirot ang puso ko dahil sa iniisip, napatingin ako kai Rai, "masaya ako tungkol don, Rai." Sinubukan kong pigilang tumulo ang mga luha ko, pero tila traydor ang mga ito dahil patuloy ang pag agos nila sa aking pisngi, tila di natatapos.

Iniabot ko kay Rai ang frame na may picture namin, dalawa ito. Isa sakin isa sakanya.

"Yan nalang ang magiging ala ala ko sainyo.. hindi ko kase alam kung.. pwede pa ba akong bumalik dito." Napayuko ako, agad naman akong niyakap ni Rai,"naman, Luna! Pamilya nga diba?"

Ramdam ko ang pagpapalakas nya ngloob ko,napangiti ako doon.

"Oh, aalis kana?" Nakangiwing sabi nya habang tinitignan akong binubuksan ang atache case kung nasaan ang wormhole.

Nangbuksan ko ito ay halos sakupin nito angbuo kong kwarto, muling namuo ang mga luha ko nang makita si Rai na tahimik na naiyak nang mapagtantong aalis na talaga ako. Mahigpit ko syang niyakap, "mahal na mahal ko kayo Rai.. tandaan nyo yan."

Kinuha ko ang isang frame na may litrato nya at iniabot ito kay Rai, "Paki bigay sakanya at pakisabing may sulat ako sa likod ng picture." Ngiti ko.

"Paalam na Rai, hanggang sa muli. Akin nalang to ah?" Pabiro kong sabi habang dala dala ang luggage, tumango lang sya.

Sa huling beses, ay niyakap ko sya ng mahigpit.

"Ingat ka." Hindi makatinging aniya. Tumango ako at ngumiti, "Ikaw rin."

Humarap ako sa wormhole at bumuntong hininga. Dahan dahan kong iniapak ang aking mga paa, halos wala na akong maramdaman ng tuluyan na akong lamunin nito.

I ran away from the pain, I ran away from myself, I ran away from my own world. I ran away from the milkyway.

Maybe it's time. It's time to come back.

  - - - - - - - - - - - - -

Matatapos na din! 😂😂

A Runaway from Milky Way (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon