Hello readers I am Serendipity de Leon... I am a college at *toot* . I am taking up Bachelor of Elementary Education. Taga San Juan Batangas po ako! Ala eh mga Batangueno!
Sa una ayaw ko talagang mag teacher... pero noong nagtagal nagustuhan ko na well graduating na din ako. Good luck for me... Night session nga pala ako kaya gabi na ako nakaka-uwi sa amin
Kasalukuyan nga pala akong naglalakad pauwi ng bahay syempre kasama ko si Cherry kapit bahay namin mabait yan!...
Habang nag lalakad kami napatingin na naman ako sa isang bahay... ang bahay na parang may magnetikong kapangyarihan na nagsasabing tumingin ako...
Weird ano?..
Napatingin ako sa may bintana at may nakita akong lalaki na nakadungaw doon... wala itong pantaas at may sinasabi ito...
" Serendipity... "
Huh? Tinatawag niya ako?
" Mahal ko kay tagal kitang inintay... Serendipity mahal ko "
Napahinto ako sa paglalakad at napatitig sa lalaki sa bintana. Napakakisig na lalaki... ngayon lamang ako nakakita ng lalaki na nakapagpa pukaw ng aking atensyon.
Nakatitig din lamang ang lalaki sa akin, pakiramdam ko ay nanunuot sa loob ko ang mga titig niya.
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Asul ang mga mata nito..matangos ang ilong at manipis ang mapupulang labi nito na kay sarap halikan.
Para siya isang greek god na naligaw sa San Juan. Paniguradong madaming mahuhumaling dito na kababaihan at kasama na ako doon sa nahuhumaling sa kanya...
Biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Ang malamig na klima kanina ay biglang naging maiinit... ngunit kakaibang init iyon... init ng pagnanasa ang lumukob sa akin...
Nakita ko naman na napangiti ang estranghero na lalaki...
" Magiging akin ka din Serendipty mahal ko..."
Nagulat na lamang ako ng tapikin ako ni Cherry sa balikat.
" Ok ka lang? " - cherry
Napatango lamang ako sa kanya at tumingin ulit sa bintana... Ngunit wala na ang
matipunong lalaki sa bintana.
Nangilabot naman ako ng biglang humangin kasabay ng...
" Naghihintay lamang ako dito mahal ko... sa takdang oras mapapasa akin ka na "
Natakot talaga ako sa nangyari at hindi ko namalayan na nasa bahay na pala ako...
Pagkatapos kong magbihis at kumain ay nahiga na ako sa kama... Nasa isip ko pa din ang nangyari kanina... Hanggang sa dalawin na ako ng antok. Naramdaman ko na lamang na may humalik sa talukap ng mata ko at sa labi ko!
Napabalikwas ako ng bangon at luminga-linga sa kwarto ko wala namang tao...
Humiga na ako at pinilit na makatulog... at hindi naman ako nabigo
Habang natutulog ang dalagang si Serendipity ay tumabi ulit sa kanya ang misteriyosong lalaki at niyakap siya ng mahigpit...
" malapit ka ng mapasa akin at hindi na ako makapag-intay... sa darating na ika-20 kaarawan mo ay makukuha na kita... " at dinampian niya ulit ito sa labi ng isang mabini at matamis na halik.
†▶▶▶◐◀◀◀†
BINABASA MO ANG
EROTIC FANTASIES
Fantasy... ssshhhh , they are real... it's a secret... be quiet.. WELCOME TO THE WORLD OF MYSTICAL FANTASY STORY