Ika-apat Na Kagat Ѽ VLAD

18.9K 112 1
                                    

* Lucy's POV *

Humarap ako sa salamin at inayos ang gown na ipinatahi ko pa sa pinaka magaling na mananahi sa bayan. Kulay puti ito at bumabakat ang maganda kong mga kurba. Inayos ko din ang buhok kong naka ayos ng maganda at nagwisik ng pinaka mahal kong pamango.

Sinisigurado ko na ako ang pinaka magandang dalaga mamaya sa kasiyahan at ako ang bibihag sa napakakisig na si Vlad. Ako ang magiging kabiak ni Vlad at magiging akin siya ngayong gabi.

Inilagay ko ang dyamante kong kwintas at kinuha ang aking maskara.

Kailangan nga pala na magsuot ng maskara mamaya. Nagtataka nga ako paano kaya makakapili si Vlad kung di nito makikita ang mukha ng mga dadalo.

Inayos na niya ang kanyang sarili at lumabas. Uuna na siya kay Mina dahil kahit di niya makita ito ay alam niyang di maganda ang kaibigan dahil mahirap lamang ito at di marunong mag-ayos. Nakakahiya naman kung makakasabay niya ito.

Sumakay na siya sa karawahe na gawa pa sa napakamahal na kahoy, galing ito sa Francia at inukitan ng magagandang bulaklak. Bigay ito sa kanya ng manliligaw niyang mayaman na negosyante sa silangang Francia.

Di niya mapigilang mapangiti sa kanyang naiisip. Magiging kanya si Vladimir.

* Mina's POV *

Tanaw ko sa bintana ang paalis na si Lucy sakay ng magara niyang karawahe. Napabuntong hininga na lamang siya habang sinusuklay ang mahaba at alon-alon niyang buhok. Inayos na niya ang saya na tinahi ng kanyang ina. Kulay pula naman iyon lalo namang lumabas ang kaputian niya. Kita din naman ang kurba ng katawan niya, pero alam niya sa sarili niya na wala siyang sinabi sa ganda ni Lucy ngayong gabi.

Wala siyang alahas, ni pangkolorete sa mukha niya ay wala siya. Ngumiti siya ng pilit at bumaba sa hagdanan.

Sinalubong siya ng kanyang ina at lumapit siya para halikan ito nagulat na lamang siya ng may malamig na bagay na pumulupot sa kanyang leeg.

Napahawak siya sa parteng iyon at napatingin sa kwintas na ibinigay sa kanya ng kayang ina.

" Maligayang kaarawan anak "

" Salamat Ina "

Napakagandang regalo. Isa iyong kwintas na may kulay pulang bato.

Lumabas na siya at sumakay sa kulay itim na karawahe na ipinahiram ng Ina ni Lucy sa kaniya. Kaibigan naman ng kanyang ina ang magiging tagapag dala sa kaniya sa lugar ni Vlad.

Sumakay na siya sa karawahe at kinawayan ang kanyang ina at isinuot na ang itim niyang maskara.

Di pa siya kumakin kaya naman medyo nagugutom na siya. Nagtatrabaho siya sa hacienda ni Nathaniel. May plantasyon ng mga prutas ang pamilya ng mga salvador at si Nathaniel ay nakatakda na pamahalaan ng strawberia at doon siya nakatalaga. Maghapon siyang nag-aani ng mga strawberia.

Isa ring napaka kisig na binata ni Nathaniel Salvador. Lalaking-lalaki ang dating nito. Mailap na tao din nito at dalawang beses ko pa lamang siya nakikita. Ang una ay noong nagpapahinga ako ako sa tabing ilog ay iinom sa ng tubig ng makita ko siya na nagtanggal ng pang-itaas at akma sanang liligo ng mapasinghap ako. Doon ay napatingin siya sa akin at napatitig ako sa katawan niya na parang nililok ng mahusay na manlililok. Halatang sanay sa gawaing mabibigat ang binata. Ang pangalawa naman ay noong dapit hapon ng ako ay nawili na mag-ani ng mga strawberia ay nalimutan ko na ang oras. Pipitasin ko na sana ang prutas ng biglang may ibang kamay na kumuha noon napatingin ako sa mapangahas na tao na gumawa noon at ng mag-angat ako ng tingin ay sinalubong ako ng pares ng berdeng mata walang iba kundi si Nathaniel.

Maswerte daw ako wika ng aking mga katrabaho dahil nakita ko na daw ang binata at dalawang beses na naulit. Sila daw na matagal na nagseserbisyo kay Nathaniel ay di pa ito nakikita.

Tumigil na ang karawahe sa tapat ng isang napakalaking bahay.

Bumaba na ako sa karawahe at isinuot ang maskara kong itim at pumasok na sa bahay. Sinalubong ako ng isang lalaking may maskara din at iniabot ko ang aking imbitasyon sa kanya at iginiya ako sa loob...

†▶▶▶◐◀◀◀

EROTIC FANTASIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon