Ika-anim na Kagat Ѽ VLAD

18.8K 153 6
                                    

* Vlad's POV * 

Nawala na ako sa aking sarili. Dinilaan ko ulit at sunupsop ng may panggigigil ang kanyang leeg. Nakakabaliw ang amoy niya, nakaka-adik. Nasa gitna parin kami ng bulwagan pero parang siya lamang ang aking nakikita. Ano ba itong estrangherong pakiramdam sa aking dibdib? Nakakapagtaka naman na ngayon ko lamang ito naramdaman pero higit pa man ay napakasarap nito sa pakiramdam. 

Patuloy ko pa rin siyang isinasyaw at alam kong nasa amin ang atensyon ng lahat. tumigil ang tugtog ang hudyat na kailangan ko ng pumili ng aking magiging asawa. Walang pakundangang hinigit ko ang malabot na kamay ng aking kasayaw at parang dagat na nahawi ang mga tao papuntang hagdanan. Dinala ko si Mina sa pangalawang palapag para ipakilala sa lahat. 

" Magandang gabi sa inyong lahat maraming salamat sa pagpunta ninyo sa pagtitipon na ito. Ngayon ay ipapakilala ko sa inyo ang babaeng nais kong maging kapareha " 

Narinig ko naman ang pagsinghap ng dalaga sa aking tabihan at ang palakpakan ng mga tao. Hinapit ko sa bewang ang dalaga at dahandahang inalis ang kanyang maskara.

Muling nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng bulwagan at ako naman ay parang naestatwa sa aking nakita . Nasa harapan ko lang naman ang isang napaka gandang babae. May mamulamula itong kutis, mapupulang labi at mga matang may kapangyarihan na mang-akit ng sino mang Adan na tumitig sa mga pares ng matang iyon. 

Tatanggalin ko na sana ang maskara ko ng biglang magsalita ang dalaga. 

" Paumanhin Ginoo, pero tinatanggihan ko po ang inyong iniaalok. Hindi po ako napayag " 

Pagkasabi ng mga salitang iyon ay tumakbo ang dalaga pa baba at palabas ng bulwagan. Hindi agad ako nakahuma sa nangyari. Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Napakasakit ng matanggihan ng dalaga para siyang lumilipad kanina ng napakataas at biglang nahulog pababa sa lupa. 

Hindi maaari. Hindi siya papayag na hindi maging kanya ang dalagang nagngangalang Mina. 

" Mga taughan ! " 

Sigaw niya na dumagundong sa loob ng bulwagan na nakapagpakaba sa mga taong nasa loob noon. Mabilis namang nagsilapit ang mga ito.

" Inuutusan ko kayo na hanapin ang dalagang nagngangalang Mina at dalhin siya sa akin sa lalong madaling panahon " 

Itutuloy.... 

VOTE? COMMENT? 

THANK YOU READERS! 

Paano kaya matatakasan ni Mina ang mga tauhan ni Vlad? 

See you in my next update.

EROTIC FANTASIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon