ADONIS Ѽ SERENDIPITY [ FIN ]

33K 161 8
                                    

LOCATION: HUGOM, SAN JUAN BATANGAS ( BEACH )

Nandito kami ngayon para ipagdiwang ang kaarawan ko regalo ito sa akin ng aking magulang. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko.

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng maka-graduate ako... at patuloy pa rin akong binabagabag ng aking isipan tungkol sa nalalapit kong kaarawan.

Totoo kaya iyon?

Tiningnan ko ang suot kong singsing. Lagi akong nananaginip ng erotikong mga pangyayari kasama ang lalaki na nag ngangalang Adonis...

Pumasok muna ako sa cottage para magpalit ng damit. Napatingin ako sa painting sa may taas ng headboard ng kama ko.

" Kelan pa nagkaroon ng painting dito... wala pa ito kanina ah... "

Napakamot ako ng ulo, baka naman di ko lamang napansin kanina...

Napatitig ako sa painting... isa iyong bahay... isang pamilyar na bahay... napatingin ako sa binta noon at napansin ko na parang gumalaw iyong painting. Nagulat ako...hahawakan ko na sana ng biglang...

" anak... kakain na tayo... asan ka na? "

Nabawi ko iyong kamay ko na hawakan ang painting...

" opo inay ... nagbibihis lamang po ako at lalabas na din "

" o sige anak bilisan mo na diyan at mag sisimula na ang kasiyahan "

Lumabas na din ako at pumunta sa labas...

Inabot ng gabi ang kasiyahan may nagkakaraoke, nag-iinom, nagsasayahan at nag kukwentuhan.

Napakasaya ko pero parang may kulang... 11:45 na ng umalis at nag sipag tulugan ang mga kaibigan ko...

Nakakapagod din

Napatingin ako sa buwan bilog at nag kulay asul ito... napakagandang tanawin.

Lumapit ako sa dagat at lumusong doon... napakasarap ng tubig sa balat ko. Nakaka relax...

Habang nag lalangoy ako ay may narinig akong isang boses...

" mahal ko... serendipity... "

Napatigil ako sa paglalangoy...

" ahhhhh! "

Napasigaw ako sa sakit ng biglang manakit ang kamay ko. Nanunuot ang sakit noon sa balat ko. Napatingin ako sa kamay ko. Umiilaw ang marka ko...

" oras na mahal ko... halika na ito... "

Biglang nakaramdam ako ng isang kakaibang pwersa na sumasanib sa akin...

....

Ilang sandali pa ay nawalan ng malay ang dalagang si Serendipity... mamaya ay lalaking lumapit sa kanya at binuhat siya na parang bagong kasal...

Nagmulat ng mata ang dalagang si Serendipity at umilaw ang mga mata nito.

" nandito na ako mahal ko handa na akong mag-isa ang katawan natin"

" Kaytagal kitang hinintay Adonis mahal ko, simula ngayon ay wala ng makakapag hiwalay sa atin "

Isang mabining halik ang iginawad ni Adonis sa dalaga..

Para sa kaalaman ng lahat si Serendipity ay siyang reincarnation ni Serene... Nanumbalik ang lahat ng alaala ni Serene.

Lingid sa kaalaman ni Serendipity siya ay napulot lamang ng mag-asawa sa mismong lugar kung saan naganap ang kaarawan nito.

EROTIC FANTASIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon