Ikatlong Kagat Ѽ VLAD

20K 113 0
                                    

Bumaba na ako sa aking silid at nakita ko si ina na may tinatahing napakagandang saya...

" Magandang umaga ina "

" O anak gising ka na pala... halika dito at isukat mo itong tinatahi kong saya "

Lumapit ako kay ina at dinama ang tela ng saya na kulay pula... Napakaganda ng saya...

" Ina kanino po ba itong sayang ito? Napakaganda naman "

Pinaharap ako ni ina sa salamin.

" Mina napakaganda mo talaga... Bagay na bagay sayo ang sayang iyan... Mahal kong anak para sa iyo iyang sayang iyan. Iyan ang gagamitin mo sa iyong kaarawan... "

" Talaga ina? Maraming salamat po... "

Niyakap ko si ina at biglang may kumatok sa aming pinto...

" Magandang umaga Ginang Silverstre ... ipinapaabot po pala ng aking amo na si Mr. Vlad ang isang imbitasyon para sa inyong dalaga... "

" Para saan ang imbitasyong ito ginoo? "

" Para po sa isang pagtitipon ... Naghahanap po ng magiging kabiak ang aking amo at lahat ng kadalagahan sa iba't-ibang bayan ay pinadalahan ng imbitasyon "

Matapos iyon ay umalis na ang mensahero at iniabot sa akin ni ina ang imbitasyon.

" Anak buksan mo na iyan tutal para sa iyo naman talaga iyan "

" Sige po ina "

ITO ANG LAMAN NG SULAT

Para sa magandang binibini na bumabasa nito... Inaanyayahan kita para dumalo sa aking ginawang kasiyahan isang karangalan sa akin na maimbitahan kita para maging kandidata na maging aking kabiak... Inaasahan ko ang iyong pagdalo sa aking palasyo sa ika-22 ng kasalukuyang buwan...

Maraming Salamat
Binibini

- VLAD

Napatingin ako kay ina.

" Ina sa ika-22 ng buwan ang nasabing pagtitipon sa araw ng aking kaarawan, Pahihintulutan ninyo po ba ako na dumalo dito? "

" Oo naman Mina para sayo ... sa ika sisiya mo "

" Maraming salamat Ina "

Kasalukuyang nasa bahay ako ng aking matalik na kaibigan... Wala siyang ibang ginawa kundi ang mag kwento tungkol sa pagdalo niya sa kasiyahan.

" Alam mo Mina kinikilig talaga ako kay Vlad noong dumalo siya sa aking kaarawang nagdaan di ko masisisi ang mga kababaihan kung halos lumuwa ang mga mata nila dahil sadyang kahanga-hanga talaga ang ginoong iyon... Di na ako makapaghintay na makita muli siya "

" Mukhang malakas talaga ang tama mo kaibigan sa.kanya ano? "

" Oo... parang mahal ko na yata siya... di ko mapigilang pangarapin siya tuwing gabi... Ano kayang pakiramdam ng pagsasanib ng aming katawan? Ang paulit-ulit niyang pagbayo sa aking pagitan? "

" Ano ka ba naman Lucy puro kalaswaan ang naiisip mo. Grabe ka talaga! "

" Oo nga pala may isusuot ka na ba para mamaya? "

Oo nga pala mamaya na ang kasiyahan... Medyo nagtatampo lamang ako kay Lucy dahil nakalimutan na niya akong batiin dahil masyadong siyang nasasabik para sa gaganapin mamaya...

†▶▶▶◐◀◀◀

EROTIC FANTASIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon