✔ Chapter 14

2.6K 94 5
                                    

Frustration

Sofie's POV

Mag-isa na naman ako. So sad ng life. Lagi na kasing kasama ni Neobeybe si Keira-siszy, eh.

Magagalit sakin si siszy pag nalaman no'n na Neobeybe ang tawag ko sa future hubby niya. Tapos sasabihin pa niya, malandi ako. Sadista much, eh. Pero kahit mean yun, ayaw ko na she's mad of me. She's very scary din kaya pag nagagalit like Tita Kaye. Buti na lang talaga hindi ako niiiwan ng love na love kong fishball and kwek kwek. Sayang nga eh, kasi wala si number one sa heart kong si balut.

Sunud-sunod kong sinubo sa bibig ko yung apat na kwek kwek dahil sa super stress. Kayo lang talaga kwek kwek at fishball ang hindi nang-iiwan sa 'kin. Alabyu na. Sa inyo ko lang yata makikita talaga ang forever.

Pero suddenly, I heard a sniffing noise.

Huh? Sino yun?

I looked to the left and then looked to the right. Wala naman, eh. Then saan galing that sound? Ayy, knows ko na! Aha! Oh yeah. Sinong nagsabing stupid ako? I'm not kaya.

Pagtingin ko sa likod ko may batang babae na umiiyak. Kinukusot-kusot pa niya yung mata niya. Mukha siyang hindi naliligo. Siguro wala silang soap sa kanila. Kawawa naman siya. Lapitan ko nga.

"Bata, wag ka na mag-cry. Bibilhan na lang kita ng soap para makaligo ka na sa inyo, ha? Tahan na." Ang smart ko talaga. Syempre, kaya siya umiiyak kasi nababahuan na siya sa sarili niya. Pero hindi ko alam kung may nasabi ba akong bad, kasi lalo lang lumakas yung cry niya. "Uy, bata wag ka na umiiyak! Hindi naman na kita pagbabayarin, eh. Libre ko na lang. May forty pesos pa 'ko dito, magtitira na lang ako ng pamasahe papunta sa house namin."

Oh my!

Stupid Sofie! She don't kailangan ng soap! Paano nga naman siya makakapag sabon pag wala silang tubig, di ba? Pero kasi, wala na akong pera, eh. Paano ko siya matutulungan? Think Sofie!

"Hey, Sofie! Anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ng biglang dumating na si Jace!

Uwaaaaa! Nikikilig ako!

"Ahh-ehh, kasi itong bata, ayaw tumahan. Gusto ko lang siyang tulungan pero lalo lang siyang umiyak sa ibibigay kong help. Kaya lang, naalala ko baka wala silang water." sagot ko habang naka-pout.

"Huh? Hindi ko maintindihan. Ano ba kasing itutulong mo dapat?" tanong niya saka nag-shrug.

"Bibilhan ko siya ng soap. Kasi kaya siguro siya nag-iyak kasi nababahuan na siya sa self niya eh. Ang galing ko nga, di ba? Eh kaso lalo lang siyang nag-cry." I answered while still pouting.

He chuckled. "Halika nga dito."

Lumapit naman ako. "Uwaaaa! Jace! Ginulo mo yung buhok ko, eh." reklamo ko habang inaayos yung buhok ko.

Bigla na lang niya kasing ginulo nung lumapit ako.

"Alam ko na kung bakit siya umiyak. Ikaw naman kasi, eh." sabi niya tapos basta-basta na lang niyang inagaw yung pagkain ko at binigay sa bata.

"Uwaaaa! Akin yun! Bakit mo binigay?" parang maiiyak pa yata ako.

Ang bad ni Jace! Tinakbo tuloy nung bata yung pagkain ko. Naman, oh.

"Bibilhan na lang kita ng ice cream." umakbay siya sa 'kin.

Agad naman akong ngumiti. "Balut na lang. Okay lang?" tanong ko habang naka-peace sign.

He chuckled again. "Okay. Balut na." he answered while smiling.

Uwaaaaa! Nikikilig ako! Yiiieeee.

Balut, here we come!

Keira's POV

Lintek na pesteng prof 'yan. Malaman ko lang talagang may kinalaman siya sa pagkawala ng papers ko. Tch.

Kasalukuyan kong inaayos ulit yung papers ko dahil hindi ko na sinave ulit nung matapos ko at dineretso print ko na lang. Kaya ayun, kailangan kong i-type yung wala dun sa naka-print.

"Pssst!"

Wala akong naririnig.

"Hey."

Bingi po ako.

"Kei."

Lintek naman talaga, oh.

"What?" I hissed. Halata naman kasing si Neo lang yan dahil siya lang ang tumatawag sa 'kin na Kei.

"Need help?" he asked.

"Wow. Really, Neo? Are you sick or what?" sarcastic kong tanong.

"Tsk. Just tell me if you don't need a hand." he calmly asnwered at saka tumalikod.

"Well, I don't need your offer."

Napaharap siya bigla at nanlaki ang mata habang napakurap pa ng ilang ulit.

Saang parte sa sinabi ko ang kagulat-gulat?

"You really are a person with full of pride, huh?"

"Eh sa kaya ko ngang mag-isa, eh. Magagawa mo?" I rolled my eyes.

"Tsk. I know that you badly need my help." he crossed his arms.

"Alam mo? Napakalawak ng imagination mo, basta-basta ka na lang nakakaisip ng mga bagay na akala mo ay hindi ko kaya."

"Tsk. Too talkative." lumapit siya sa 'kin.

Kailangan ko pang tumingala para magtama ang paningin namin. Bigla siyang kumuha ng isa pang upuan at inilapit yun sa working place ko.

"What are you trying to do?" wala sa sarili kong tanong.

"Just wait and see." sabi niya sabay ngiti.

Tch. Bahala nga siya. Nagmarunong na naman kasi.

Katulad nga ng sinabi niya, tiningnan ko na lang kung ano'ng gagawin niya. Aba mahirap na! Baka mamaya puro kalokohan ang ilagay niya sa papers ko, talagang tatamaan siya sa 'kin kung magkataon.

Neo's POV

"There, it's done. You just need to add some details and I'm sure that it'll not eat too much time for that." I said after typing such things to her papers. Nilingon ko siya para makita kung anong reaksyon niya.

Bastos. Tulugan ba naman ako.

"Hey. Kei, I think it's too early to relax and take a nap yet," I'm shaking her shoulders to wake her up.

"What?" nagkusot siya ng mga mata.

"Tsk." ayos rin, eh.

Keira's POV

"Hey. Kei, I think it's too early to relax and take a nap yet," someone said as it's shaking my shoulders to wake me up.

Hindi niya ba nakikita na natutulog yung tao? Tch.

"What?" nagkusot ako ng mata.

"Tsk."

Tamo yung lalaking yun, pagkatapos akong gisingin, eh magwawalk-out lang.

Pero naalala ko yung papers ko. I checked my laptop. Woah, it's done.

"You must at least thank me for doing that. But what did you do? You slept. Great." singhal ni Neo saka tuluyang umalis.

What?

Eh sa inantok ako sa panonood sa kaniya, eh. Sakit ko na yata yun. Kapag may pinanood ako, nakakatulugan ko. Kaya hindi ako marunong manood ng masyadong mahabang movies.

Mafu-frustrate na talaga 'ko sayo Neo.

"Thank you," I mumbled al though alam kong hindi na niya maririnig dahil umalis na siya.

To be continued...

When a Man Hater Meets Her FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon