"Kyanna Kim," bulong ko at pagkatapos ay mapait na umismid.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang naibalita sa TV, sa magazine, sa internet, sa diyaryo, at kung saan-saan pa ang stage name kong ito simula noong ma-debut ako bilang leader ng Y-LT o Your Ladies on Top, anim na taon na ang nakararaan.
Anim na taon ding nanatiling kumikinang ang aming pangalan, ngunit nagsimulang dumilim ang bawat letra nito noong bigla na lang akong madawit kamakailan sa sunod-sunod na kontrobersiya.
Ako-- si Kyanna Kim, ang pinakamaganda at pinakamagaling na miyembro ng Y-LT ay sapilitan nilang tinanggal sa grupo nang gano'n lang. Pinabayaan at kinalimutan ako ng media, ng fans, ng mga kagrupo ko, at pati na ng sarili kong agency-- ang mismong mga taong inakala kong hinding hindi ako iiwan sa ere.
Ngunit sigurado ako, ilang oras lang mula ngayon ay magiging bukambibig ulit ng media ang pangalan ko. Pag-uusapan nila akong muli. Hindi lang ang pangalan ko bilang si Kyanna Kim kundi pati na rin ang totoo kong pangalan, Kim Jae Ming. Ibabalita ninyo ulit ako.
At sisiguraduhin ko 'yan sa gagawin ko ngayon!
Luminga ako sa paligid. Dahil alas dos na ng madaling-araw, halos wala nang ibang sasakyang dumaraan dito sa tulay ng Han River kung saan ako ngayon mag-isang nakatayo. Suot ko ang pinakapaborito kong damit-- ang kulay lilac na mini dress na siyang sinuot ko pa noon sa debut stage namin ng Y-LT.
Ramdam ko pa rin ang pagkahilo sa ininom kong soju, wine, at kung ano-ano pang alak mula kagabi hanggang kanina sa apartment ko bago ko naisipang kunin ang susi at mag-drive papunta rito sa Han River. Ubos na yata ang mga luha ko sa loob ng ilang buwang pagmumukmok mula nang bumagsak ang aking career kaya wala na akong maramdamang iba sa mga oras na ito kundi kapayapaan ng loob.
Matatapos na ang paghihirap mo, Kyanna. Sandali na lang.
Tumingala ako sa malawak na kalangitan. Walang mga ulap kaya kitang kita ko ang nakakalat na mga bituin sa kalawakan. Ilan kayang mga bituin at planeta ang bumubuo sa isang galaxy?
Walang ano-ano'y isang shooting star ang biglang gumuhit sa paningin ko. Otomatiko akong napayuko para sana humiling, katulad ng palagi kong ginagawa noong bata pa ako, subalit agad din akong napaismid nang mauntog sa katotohanang nasa harapan ko ngayon.
Bobo! Bakit ko pa kailangang humiling sa mga bituin? Hindi ko na 'yon kailangan mamaya.
Nilingon ko ang pula kong kotse na nakaparada isang metro lang ang layo mula sa kinatatayuan ko. Nakabukas ang mga bintana nito kaya naririnig ko pa rin ang musika mula sa stereo.
Magic Shop. Ang sikat na kanta ng sikat ding grupo, ang BTS. Kasikatang dapat ay para sa'kin kung sana lang ay hindi ako niloko noon ng Big Hit Entertainment, ang mismong agency na humahawak sa kanila ngayon.
Naega nain ge shireun nal
yeongyeong sarajigo shipeun nal
muneul hana mandeulja neoye mam sogedageu muneul yeolgo deureogamyeon
i goshi gidaril geoya
mideodo gwaenchana
neol wirohaejul-
Magic Shop...Trans:
On days when you hate yourself
On days when you want to disappear
Let's make a door in your heartIf you open that door and go inside
This place will be waiting for you
It's okay to believe
It will comfort you-
this Magic Shop...
BINABASA MO ANG
The Magic in Our Galaxy (BTS Fan Fiction)
FanfictionWHAT IF A 28-YEAR OLD KPOP SUPERSTAR SUDDENLY WAKES UP INSIDE THE BODY OF A HIGH SCHOOL FANGIRL? KYANNA KIM is the proud leader of one of the most successful KPop Supergroups in the history of Korea. She is a singer, dancer, songwriter, model, actre...