Chapter 2 - Koryanna

150 14 1
                                    

"Hoy, Koryanna! Bumangon ka nga riyan!"

Isang matigas na bagay ang tumama sa tuktok ng ulo ko kaya mabilis akong napabalikwas. Pinilit kong habulin ang aking paghinga nang sa wakas ay makaahon ako sa tubig. Ramdam ko pa rin ang maliliit na karayom na tumutusok sa buo kong katawan. Ang bigat ng ulo ko. Ang bigat ng mga braso at mga binti ko.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at agad na napatanga. Puting puti ang paligid. Patay na ba ako? Puti ang dingding na gawa sa parisukat na mga tiles. Puti rin ang sahig. Puti ang tuwalyang nakasampay sa tabi ng puti ring cabinet. Pinagapang ko ang mga mata ko pababa sa mga paa kong nakababad pa rin sa bumubulang tubig at kinapa ang madulas na bagay na kinauupuan ko.

Bath tub.

Sandali. Banyo? Bakit ako nasa banyo? Bakit ako na'ndito? Nasa apartment ba ako? Tinitigan ko ang kulay dilaw na bagay na nakalubog ngayon sa tubig sa aking paanan. Bakit may stilleto sa bath tub ko? Isang sulyap lang dito, alam ko nang wala itong tatak.

"Hoy, ano ba?" narinig kong matinis na sigaw ng kung sino. "Ngayon ka lang ba nakaranas ng bath tub at feel na feel mo na riyan?"

Tumingin ako sa bandang kanan ko para tingnan ang kung sinong talipandas ang may-ari ng boses. Ang lakas ng loob niyang sigawan ako. Hinawi ko ang basang buhok na tumabing sa mga mata ko at taas ang kaliwang kilay na tinitigan ang payatot na dalagitang nakatayo ngayon sa may pinto ng banyo ko.

"At sino ka?" mataray kong tanong. "Sa'yo ba ang cheap stilleto na 'to?"

Kumunot ang noo ng payatot. Blonde ang nakabagsak na tuwid niyang buhok. Bumaba ang tingin ko mula sa namumula niyang mukha hanggang sa suot niyang dilaw na mini dress at pababa sa medyo makinis din naman niyang mga binti hanggang sa nakayapak niyang isang paa. Sa isang paa naman niya ay nakasuot ang kapares ng cheap stilleto na nakalubog pa rin ngayon sa bath tub ko. Umismid ako. Sa kanya nga ang stilleto.

"Ano'ng sinabi mo?" tanong ng nakadilaw na butiki at mabilis na lumapit sa kinauupuan ko. "Ang kapal mo ah!"

Isang nabiglang tili ang pinakawalan ko nang hablutin niya ang buhok ko at pilit akong pinatayo mula sa pagkakasalampak sa bath tub. Halos mapunit ang anit ko mula sa aking bungo sa higpit ng pagkakahawak niya kaya napilitan akong sumunod kung ayaw kong makalbo.

"Cheap pala ah!" nakakatulilig nitong sigaw habang pilit pa rin akong hinahatak papalapit sa malawak na salamin ng banyo. Iniharap ako nito sa salamin at halos ingudngod na ang nguso ko rito. "Hayan! Masdan mo ang pagmumukha mo!"

Nanlaki ang mga matang napatitig ako sa mukha ng babaeng nasa salamin. Pangit. Ito agad ang rumehistro sa utak ko pagkakita ko sa babaeng may mga uka-uka sa pisngi-- mga natuyong tigyawat!

"Oh ano? Nagulat ka pa talaga?" nakatawang pagpapatuloy ng babae. "Tingnan mo 'yang uka-uka mong balat at sabihin mo ngayon kung alin ang mas maganda, stilleto ko o ang mukha mo?"

Hindi ako makapagsalita. Nanatili akong nakatitig sa mukha ng pangit na babae sa harapan ko. Maitim ang marumi nitong mukha at may itim ding buhok na hanggang balikat. Bagama't manipis ang mga labi nito, may katangusan ang maliit na ilong at hugis puso ang mukha, isa pa rin ang masasabi ko sa kabuuan ng hitsura nito-- pangit talaga.

"Oh ano, speechless ka?" sabi ulit ng butiking katabi ko.

Sandali! Katabi ko?

The Magic in Our Galaxy (BTS Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon