BTS Jungkook.
Mas lalong tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa entrance ng building kung saan pumasok sina Bang PD-nim at ang Jungkook na 'yon.
Akalain mo 'yon, binatang binata na siya ngayon, bulong ko sa sarili. Umismid ako. Parang hindi na siya 'yong uhuging trainee noon na kapag nakakasalubong ko sa daan ay halos hindi sa'kin makatingin nang direkta.
Naalala ko bigla ang paraan ng pagkakatitig niya sa'kin kanina lang. Inis akong napakunot ng noo sabay ng pagkapa sa dibdib ko. Hindi pa rin nawawala ang malalakas na pagtibok ng puso ko. Umiling ako. Imposibleng dahil sa mga titig ng batang 'yon. Dahil 'to kay Bang PD-nim.
Tama. Tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para muling magkaharap kami ng dati kong boss-- ang taong may kasalanan kung bakit ako narito ngayon sa katawan ng pangit na Koryanna na 'to. At ang Jungkook na 'yon, ang bodyguard na kasama nila, at ang lahat ng tao na may koneksiyon kay Bang PD-nim, humanda kayong lahat sa pagbabalik ko.
Simula sa oras na 'to, lahat kayo ay kaaway ko!
"Ah, excuse me," biglang singit ng isang boses sa ulirat ko. Agad akong napalingon sa isang babae na may hatak na maleta.
"Yes?" mataray kong sagot. 'Tsaka ko lang napansing nakaharang pala ako sa daraanan niya.
Napakunot ng noo ang babae sa tinuran ko. Napansin ko ang pagtitig nito sa mukha ko pababa sa paanan ko at paakyat ulit sa mukha ko. Nainsulto ako sa ginawa niya. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay agad akong humakbang papalapit sa kanya, ngunit mabilis din akong nahinto nang biglang sumingit ang isang cute na batang babae sa likod niya.
"Unnie, tara na," anito sa babaeng may dalang maleta. "Male-late tayo sa audition."
"Ne," sagot ng babae sa katabi at sumulyap sa hawak kong maleta at sa hawak din niya.
Mukhang alalay lang pala siya, kung makaarte, bulong ko sa sarili.
"Unnie, baka gusto mo nang pumasok," narinig kong dugtong ng cute na babae. "Siguradong hinihintay ka na rin ng talent mo."
Talent ko? Saglit akong napaisip. Bigla kong naalala si Mein Kee. Ah jjinja! Oo nga pala, narito sa'kin ang mga gamit niya sa audition.
Hindi ko pinansin ang dalawa at nilampasan na lamang ang mga ito bitbit ang maleta. Kaya pala gano'n makatingin 'yong babaeng alalay kanina sa'kin kasi akala niya, alalay din ako. Aba!
Sabagay, naisip ko, nakalimutan kong nasa katawan nga pala ako ng alalay na si Koryanna.
Mainit ang ulo kong sinipat ang dressing room kung nasaan ako sa ngayon. Dito naghihintay at inaayusan ang mga mago-audition ngayon sa Big Hit. Abala ang lahat sa pag-aayos ng mga sarili, habang ako ay nakaupo lang sa isang matigas na bench sa tabi.
Kakatapos ko lang tulungan ang butiking unggoy sa paglabas ng lahat ng mga kakailanganin niya ngayong araw. Sa ngayon ay nakaupo na siya sa harap ng vanity mirror ilang metro muka sa'kin, kaya naman nakapagpahinga na rin ako mula sa kakautos niya sa'kin kanina pa. Inaayusan na siya ngayon ng make-up artist na mukhang provided pa ng Big Hit, base sa suot nitong I.D. sa leeg.
Sosyal ah! Samantalang noong panahong nago-audition pa lang ako sa bulok na agency na 'to ay ni libreng bottled water ay hindi kami mabigyan. Ginala ko ang paningin ko. Malawak at hindi hamak na mas malakas ang aircon nitong dressing room kumpara noon.
Isa-isa kong pinagmasdan ang siyam na batang ito na abala sa kani-kanilang paghahanda para sa pangarap nilang maging trainee. Lahat babae ang narito. Sa narinig ko kanina, sampu dapat ang narito para mag-audition ngunit hindi nakarating ang isa. Mukhang girl group ang balak na i-debut ng Big Hit balang-araw.
BINABASA MO ANG
The Magic in Our Galaxy (BTS Fan Fiction)
FanfictionWHAT IF A 28-YEAR OLD KPOP SUPERSTAR SUDDENLY WAKES UP INSIDE THE BODY OF A HIGH SCHOOL FANGIRL? KYANNA KIM is the proud leader of one of the most successful KPop Supergroups in the history of Korea. She is a singer, dancer, songwriter, model, actre...