Kabanata 2

1 1 0
                                    

"Ano ba yan? Umuulan, summer na summer ah." Manang was busy cleaning the living room with some maids.

Pababa pa ako ay naririnig ko na ang sinasabi niya.

Nang makita ako ay bigla niya akong dinaluhan para asikasuhin. "Anak, magbreakfast ka na. May bacons at pancake na niluto si Jenine dyan."

I nodded. Napasulyap ako sa madilim at maulan na umaga. 

Balak ko pa sana na bumisita sa puntod ng mga magulang ko pero mukhang diko yata magagawa.

I went upstairs after I finished my breakfast. "Manang, doon lang po ako sa aking kwarto." Matamlay kong sabi.

She nodded and resumed cleaning.

Binuksan ko ang mga bintana nang kwarto ko at lumabas muna sa balkonahe. Umupo ako at naisipan na panoorin na lang maulan na umaga.

"Dude, welcome back!" I heard someone laughing.

I closed my eyes and ignored it. I just want to relax myself. I can't visit my my parents, I should just rest for today.

I listened to the pouring rain but I heard the loud cackles from our neighbour. Napasinghap ako at hindi ulit iyon pinansin...until...

"Fil, mukhang nakahomerun ka kay Jessa ah!"

"She was easy to get, talagang mawawasak iyon." He laughed.

I groaned and stood up. Hindi na inabala pa ang sarili na sumulyap sa kabilang bahay dahil mukhang nagkakasiyahan sila.

Oh, the rude and immoral topic they are talking about. Kailangan bang lakasan?!

I went inside cause I don't think I can relax outside if I'll listen to what they are talking about.

Sinara ko na rin ang mga bintana ko. I sighed and went to my bed.

Hindi pa ako nakakahanap ng magandang pwesto ay nakarinig na naman ako ng malalakas na tawa kaya napasinghap at napabangon ako.

What are they doing?

"I just fucked Jessa, it wasn't amazing. She came fast, hindi nga ako pinagpawisan." Mayabang niyang sabi.

I rolled my eyes. Should I report them?

Napailing na lang ako at hindi na pinatulan.

Mukhang di pa tumitigil ang ulan. Mas lalo pang lumakas ang tawanan nila dahil mukhang may dumating na mga babae. They were giggling and screaming. Iritable akong napatingin sa bintana at naroon nga sila sa balkonahe. They can't see me cause they were facing the other side.

"Anong oras kaya sila matatapos?"

Bakasyon na kasi kaya nag-iingay na naman yang kapitbahay namin. My parents don't mind but I think it's too noisy, nakakabulabog ng kapitbahay.

"Fil, you're so bad!" I heard the flirty giggles.

Gusto ko tuloy masuka. Josephine is a flirt too but not that hard.

I think I heard moans but I ignored it.

Bumaba na lang ako ng kwarto at doon sa sala humiga. I reached for a book on the table and focus reading it. Nakakailang pahina pa lang ako ay naisara ko ito nang padabog ng marinig ang malalakas na sigaw nila at ngayon ay dito naman sa baba.

Summer RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon