Kabanata 6

1 0 0
                                    

Kabanata 6


"Auntie Dianne?" I called.

Nagtaas siya ng kilay at ako naman ay naguguluhan. Bakit pa rin siya narito? Akala ko ba ay ayaw niya na nagpapagabi rito?

"I'm staying for the night." She said. May hawak siyang glass of wine at nakatingin sa labas. She sipped from it, she didn't even bother looking at me. Nakatingin siya sa labas at malalim ang iniisip.

I nodded. I shouldn't ask her kung bakit siya dito matutulog ngayong gabi.

Lumapit ako sa kanya. My Auntie Dianne never treated me nicely. I have accepted that. Na kahit ilang beses pa ako humingi nang tawad at magmakaawa na ako na lang ang mamatay ay hinding hindi na mangyayari iyon.

"Kim." Tawag ni Auntie.

The flash of lightning reflected on the window. Kasunod nito ay ang maingay na pag-iyak ng langit.

She sighed. "You know, I still hate you. Hindi ko pa rin kayang palambutin ang puso ko sa iyo dahil ikaw ang dahilan kung bakit wala na yung kuya ko. All the wealth will go to you, walang tinira sa akin." Kalmadong sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. Mainit at walang hangin na pumapasok. Summer is really here.

"I'm staying here cause I have to take care of you. Not because I like you but it was all written in your mother's wish. Hindi ko alam kung bakit sa akin niya pinili na bantayan ka pero don't think that I pity you because I don't." She said savagely.

She left me there. Napatingin na lang ako sa madilim at maulan na gabi.

Nagpakawala ako nang buntung hininga.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na paninigaw ni Auntie Dianne sa mga katulong.

"Bilisan niyo!" Auntie Dianne's voice was really loud that I thought it was my alarm.

"Ano pong nangyayari?" Tanong ko na parang nababahala dahil sa paninigaw ni auntie.

"Si Dianne, Kim. Gusto niyang palitan ang ayos ng sala."

Napailing na lang ako. "Auntie, the living room is fine as it is. No need for redecorating." Sabi ko nang malapitan ko siyang nakahalukipkipkip sa sala at masungit na inuutusan ang mga katulong.

She glared at me then she shook her head dramatically. "I'm just helping them!" Giit niya. "Mas maganda kasi na mas maluwang ang sala. Masyadong malaki ang lamesa at ang mga vases na nakapaligid rito. The living room should look comfortable. Nakakahiya naman kung ang sala ay pangit kung may bisita ako diba?"

She continued sharing her agony about the furnitures and decorations in our house.

Wala na akong nagawa dahil napalitan na ang iba ng bagong furniture.

I reached for my cereal box and milk and decided that I should eat it outside. Far from the noisy voice of Auntie Dianne dahil nakakawalang gana na kumain pag ganoon.

Umupo ako sa lamesa sa hardin at nakarinig ako ng dribble ng bola.

"Good Morning!" Sigaw niya.

Summer RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon