Kabanata 1

2 1 0
                                    

"Mam, mag-iingat ka po."

"Manang, nilagay mo na ba ang baon ko rito?" I raised my bag.


Manang nodded then she smiled at me. "Malapit na bakasyon, ano ang balak mo?" She asked me, inayos niya ang magulong buhok ko. "Kailangan mong magbakasyon hija. Pwed-"

"I'm fine Manang." I said. "May dinadamdam pero my life should continue."

Nagpaalam na ako at hinalikan siya sa pisngi. "Sige po."

"Mag-iingat ka."

I checked my bag if my homework and project was there. Napabuntung hininga ako nang makita na hindi ko pa naayos ang bag ko, ang gulo!

"Manong salamat po!" Sabi ko at kumaripas na ako sa takbo para makahabol sa klase.

I need to pass everything today. Huling linggo na nang pasukan pero ang dami dami pa ring kailangan na gawin at ipasa.

"The fuck!" Mura ng kaklase kong naghahabol ng oras. Tinatapos niya ang kanyang project pero mukha yatang dina aabot dahil magsisimula pa lang siya at ilang minuto na lang ay pasahan na.

Joseph elbowed me. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakangisi siya sa akin at mukhang nangungutya niyang binalingan ang kaklase namin na gumagawa pa lang ng kanyang project ngayon.

"Tigilan mo na yan Joseph." I sighed then started arranging my things. I grabbed my project then I passed it to our class president.

"H-hi."  our class president greeted. He was standing and he was just staring at me. Ngumiti ako sa kanya kahit medyo naiilang dahil sa kanyang tulalang ekspresyon.

"Kamusta ka Gabriel?"

Napakurap kurap siya at nagulat nang kausapin ko siya. "Ngayon mo lang ako kinausap ng ganito." He said. Suprised and shocked that I talked to him.

What?

"Gab, eto nga pala ang project ko." Iniabot ko sa kanya ang aking gawa at tumango ako sa kanya.

Tinalikuran ko siya at nagtungo kay Joseph. "Nagpasa kana ba ng sa iyo?" I asked her.

She nodded and flipped her hair. "Ako pa ba?"

Josephine Javier. My only friend here at school. They call her JJ, while I call her Joseph.

"Wow, that's a first." Biro ko sa kanya.


Umismid naman siya at inirapan ako. "Grabe, nagkataon lang na maaga kong natapos. Dad and Mom won't let me out, they said that I should just study for our finals."

Tumango ako.

Naiingit ako, what would mama and papa tell me kung narito pa sila? They were motivators, they'd reward me if I get a high grades and we would go out to celebrate that finally the school year ended. Hindi na ngayon...

The jealousy consumed me. I wished they are still here.

"Are you okay now?" Joseph worriedly asked.

Summer RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon