chose friendship

628 29 0
                                    

God is truly amazing in His own ways!  Pabalik na ako ng New York,  ang pinakamamahal kong Titanay ay walang tigil sa kakaiyak. Halos ayaw bumitaw sa pagkakayakap sa akin,  di ko na ito pinapasok sa loob ng airport,  pagkababa ng gamit ko sa taxi ay pinabalik ko na agad ito. Saka lang ako pumasok ng halos di ko na makita ang sinasakyan nito.

Magaan ang pakiramdam ko. Minsan talaga nakakasira ng ulo ang mga nangyayari,  pero kapag ka hinarap naman natin to ng mahinahon ay nakakapag-isip tayo ng magandang solusyon na nakakatulong ng malaki para hindi na makadagdag pa sa sitwasyon.

Pagkauwi ko galing kay GDC ay nagtext ako kay Rhian.

To Rhian
Hi Rhi!  How are you?  Saka nalang tayo mag-usap pagkabalik ko,  pangako kukwento ko lahat.

Rhian
Naks!  I can sense something good.... I can feel it! 

I'm good Marti,  Thanks!  I hope you're good too...

Marti
You think so?  Hehehe!  Okays,  saka nalang kwentuhan pagkabalik ko.

Rhian
Hey!  Wala ka talagang ikukwento? 

Marti
Kanino?  Kay GDC?  Hahah

Rhian
Marti,  I'm serious here...

Parang inis ito....

Marti
Sorry naman Ms. Ramos. I promise to tell you all pagkabalik ko... Okay?

And hey!  Thank you for making sure na I had nothing to do with the recorded voice uploaded.

I owe you one...

Rhian
Marti,  you okay?

Marti
Yeah!!  I'm fine,  very fine!!

Napangiti ako,  marami-rami akong ikukwento sa isang Rhian Ramos,  but there's one thing na pinakiusap GDC.... at wala namang mawawala kung susubukan ko. Sana makatulong akong makumbinsi siya,  sana mga tamang salita ang maisip ko kapag makausap ko siya.

Bigla ko naman naisip ang kaibigang si Trail,  sayang at di kami nakapagkita at nakapag-usap ulit. Nagpapasalamat ako na sa huli ay ako pa rin ang pinili niya,  at hindi niya kayang masira ang pagkakaibigan namin. Hindi niya hinayaan masira kami ng kung sino lang,  dahil sa nasamantala ang pangangailangan niya.

Isang araw bago ako bumalik ng New York ay may Ipinaabot daw na sulat si Trail. Pumunta daw ito sa hardware,  huminge daw ito ng sorry at niyakap siya ng mahigpit.

At ng binasa ko ang sulat ay napaiyak ako.

Marti,
Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko at maaaring hindi na maibalik ang tiwala mo sa akin,  pero wag kang mag-alala dahil tanggap ko yan. I deserve it.
I'm sorry?!!  I'm very sorry sa nagawa ko,  sa inyo ni Titanay. Pag-alis mo ay na realize ko kung gaano kayo ni Titanay kahalaga sa akin,  alam ko na sa gagawin ko ay tuluyan na kayong mawawala sa akin at mukhang di ko kakayanin at di nito mapupunuan ng perang ibinayad nila sa akin.

Nagpasya akong isauli ang perang ibinigay nila para sa mga pangalan.

I'm really sorry!!

Sana sa susunod na pag-uwi mo ay makapag-usap na tayo at matuloy na yong patagay mo hanggang gumapang sa loob ng banyo.

P. S
I missed you too....

Trail

Pagdating ko sa New York ay sobsob agad ako sa trabaho,  dahil sa isang linggo itong nakatingga. Maraming naiwang paper work. Salamat nalang at wala namang aberya na nangyari sa site ng wala ako.

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon