wonderland with you

248 11 0
                                    



* Trail *

   Nang matanggap ko ang tawag ni Rhian ay halos atakihin ako sa puso, pero kailangan kong kumalma muna at parang ordinaryo lang ang lahat. Tinawagan ko agad si Titanay at halos di ito matigil sa kaiiyak.

   Di ko masisisi si Titanay, kitang-kita namin kung gaano naapektuhan si Marti sa paghihiwalay nila ni Alice. Halos trabaho, site at bahay lang ang naging buhay nito.

   Itutuloy ni Titanay ang pagluluto, alam kong nasa kuwarto lang si Marti buong maghapon, pero isasama itong magsimba ni Titanay kapag padating na kami ni Alice.

   Alas onse na ng nagtext si Titanay na paalis na sila ng bahay. Ako naman nasa airport na, thirty minutes nalang ay lalapag na ang eroplano ni Alice.

   Wala na kasing sinayang na oras si Alice. Ng makontak ako ni Rhian ay agad na nagpaalam ito sa mommy niya at nagbook agad ng flight.

   Pagkagising ni Marti ay binati ko ito, nagtaka pa ito at nakabihis na agad ako, eh maaga pa naman. Wala itong kaalam-alam na susunduin ko ang muling magpapabalik sa mga ngiti niya. At sisiguruhin kong makikita kong muli ang Marting baliw na script writer/engineer.

   Ng makita ko si Alice ay kumaway ako agad. Ngumiti ito. Pagkalapit nito ay niyakap ko ito.

" How's your flight? " kinuha ko ang maleta nito, at naglakad na kami papuntang parking.

" I don't know, it's like, it took longer now, maybe because I'm nervous. " natawa ako.

" I think kailangan na natin magtagalog, kasi nasa Pilipinas kana. " natawa naman ito.

" Kinakabahan ako Trail. How is she? " seryosong tanong nito.

" Di bumalik ka nalang kung ayaw na niya sayo, ihahatid nalang ulit kita. "

Biglang tumigil ito sa paglalakad. Napahinto din ako at natawa ako sa hitsura nito.

" Hey! I'm just kidding!!  Alice, sigurado akong mahal ka pa din ni Marti, malaki ang ipinagbago noon mula ng maghiwalay kayo. Kaya sana ay maibalik mo ang namimiss ko ng Martina. "

" I missed her, but I'm very nervous. "

" Sundin mo lang ang nasa puso mo at kung ano ang itinitibok nito. "

Nagtext na si Titanay nasa simbahan pa daw sila. Nereply ko naman ito na magkasama na kami ni Alice.

   Pagdating namin sa bahay ay sa kuwarto ko muna pinatuloy si Alice, pati ang maleta nito.

   Nagtext ulit si Titanay na malapit na daw sila. Di na ako mapakali. Kinakabahan din ako.

" They're here! I'll go first and check Marti. "

" Happy Birthday Engineer.. " bati ko kay Marti.

" Thank you Trail! Kanina ka pa? Bihis lang ako, tas kain na tayo. "

" Kadadating ko lang din.. Yeps! Antayin kana namin para sabay-sabay na tayo. " at tinanguan ako. Pumasok na ito sa kuwarto para magpalit ng damit.

" Wilma, nilinisan mo kuwarto ko? " tanong ni Marti habang pababa ito ng hagdanan.

" Ako anak nagpalinis, maalikabok na kasi. "

" Kapapalit ko lang noon ng cover kahapon Nay. "

" Yaan mo na, O siya kumain na tayo. "

" Wait lang.. " pigil ko kay Titanay.

" Bakit? " takang tanong ni Marti.

" Have a surprise for you! Pikit ka dali at didilat ka lang pag sinabi ko na. "

" Trail.... gutom na ako. "

" Geh na kasi.... "

" Okay.. . "

   Pumikit ito at natawa si Titanay ng muntikan na ako matapilok sa pagmamadali papuntang kuwarto ko. Pagpasok ko ay nakapagpalit na din si Alice, naka short na ito.

" Ready? " tanong ko kay Alice.

" Ready.. " sagot naman nito.

   Naunang naglakad ito at ng makita si Titanay ay nagmano ito at yumakap. Maluwag na ngiti at naiiyak na Titanay naman ang nakikita ko.

" Trail.. . . matagal pa ba, gutom na ako talaga " napalingon si Alice ng nagsalita si Marti.

" Okay Marti, on the count of three, you can open your eyes. "

one..

two..

" Seriously Trail!! " halatang naiinip na ito.

three..

Pero di ito dumilat, nanatiling nakapikit ito. At napansin ko ang pagtulo ng mga luha nito.

" Alice... my baby!! " at unti unti itong dumilat.

   Para akong lumulubog sa nakikita ko. Si Marti ay umiiyak habang nakatitig lang kay Alice. Hindi ko alam kong paano nahulaan ni Marti na si Alice ang nasa harap niya. Ganun nga siguro, kapag mahal mo ang isang tao naririnig mo ang tibok ng puso nito. Nanonoot ang amoy nito kahit di kayo nagkadikit sa mahabang panahon. Nakangiti si Alice pero tumutulo din ang luha nito, pati si Titanay ay umiiyak na din. Si Marti ay ganun din, tuloy-tuloy ang agos ng luha nito.

   Lumapit si Alice. Pinahid nito ang mga luha ni Marti at kinabig ito sa leeg para yakapin. Halos di pa din makakilos si Marti.

" I'm here now baby! I missed you so much! "

saka lang parang natauhan si Marti. Gumanti ito ng yakap kay Alice.

" Alice... "

" O group hug na!! " niyakap namin ni Titanay ang dalawa ng mahigpit.

   Habang kumakain ay titig na titig pa rin si Marti kay Alice, halos di ito makakain, dahil ang mga mata nito ay na kay Alice pa rin.

   Masayang nagkukwentuhan si Titanay at Alice ay lumayo konti si Marti, siguro ay dahil gusto niyang mas matitigan ito sa malayuan ang kabuuan ni Alice.

   Natawa ako. Talagang super in love ang best friend ko kay Alice, salamat at may isang Rhian Ramos sa buhay ni Marti.

" Marti, pweding kumurap " pinamulahan ito ng pisngi at yumuko.

   Natawa naman kaming tatlo. Para itong bata na sabik na sabik sa ina. Pagkatapos kumain ay halos di pa rin nagsasalita si Marti. Inilipat ko ang mga gamit ni Alice sa kuwarto nito.

" Thanks Trail.. " sabi ni Alice

" You're welcome Martina!! "

   Natawa kaming dalawa ni Alice.

_rebeLsiete_

to be continued...

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon