the truth

583 37 3
                                    

Pagdating ko sa Pilipinas ay natuwa ako ng makita ko kung sino ang kasama ni Titanay sa pagsundo sa akin,  kaya pala nagpupumilit ito na sunduin ako,  dahil di naman talaga ako nagpapasundo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagdating ko sa Pilipinas ay natuwa ako ng makita ko kung sino ang kasama ni Titanay sa pagsundo sa akin,  kaya pala nagpupumilit ito na sunduin ako,  dahil di naman talaga ako nagpapasundo. Kasama pala niya ang kauna-unahang lalaki na pinapasok ko sa buhay ko.... Si Trail...

Lumuwag lalo ang ngiti ko ng papalapit na ako sa kanila. Pagkatapos kong yakapin si Titanay ay niyakap ko ng mahigpit si Trail. Umiiyak ito,  naiyak na din kami ni Titanay. Lalong humigpit ang yakap nito sa akin.

" Sorry!  I'm very sorry!! " humikbing sabi nito. Hinaplos naman ni Titanay ang likod nito.

" Shhhhh!  The moment na naisip mong isuli yong pera,  pinili mo ako. At nung sinuli mo ito,  pinatunayan mong mahal mo ako at pinahalagahan mo ang pagkakaibigan natin. "

Bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin. Namumula ang tungki ng ilong nito.

" Sorry!  Mahal na mahal ko kayo ni Titanay,  kayo nalang ang mayron ako,  ayokong mawala pati kayo. "

Pinahid ko ang mga luha nito.

" Ang laking mama,  iyakin. "

Pinalo ako nito sa braso. Natawa nalang si Titanay sa amin.

" O bag ko, dalhin mo. Gutom na ako. " sabay abot ng bag ko kay Trail at kinuha naman nito.

Inakbayan ko si Titanay at naglakad na kami papuntang kotse ni Trail.

" Sakto,  niluto namin yong paborito mong pinanyahang manok with gata. "

"Oh my!  Lalo akong nagutom,  tara na,  sana di masyadong traffic. "

Pagdating namin sa bahay ay nagtaka ako madaming tao. Napalingon ako kay Titanay,  pero si Trail ang ang nagsalita.

"Kasal natin,  inimbitahan ko sila. "

Napatingin ako dito at ngumiti ito.

" Baliw!  Di ka pa nga nanliligaw eh,  ang tanong marunong ka ba? "

Tumatawang lumabas ito ng kotse. Sumunod na din kami ni Titanay.

Mga trabahador pala ni Titanay ang mga ito,  pinapunta pala sila ni Titanay dahil may kainan nga. Lahat sila ay binati ako,  natuwa naman ako dahil sila ay nag-abala pa. Mas madami mas masaya daw sabi ni Trail. Napuno ng kwentuhan at tawanan,  napawi  ang pagod ko sa biyahe.

Katulad ng naipangako ko sagot ko alak,  pinagbigyan lang akong hindi pagapangin sa loob ng banyo dahil pagod ako sa biyahe at kailangan kong magpahinga.

Kinaumagahan ay halos di maidilat ni Trail ang mga mata niya sa sakit ng ulo niya. Pinagtempla siya ng kape ni Titanay at binigyan ng gamot. Mabuti nalang at day off nito ngayon.

Tatawa-tawa akong naupo sa harap nito. Binato ako ng kinakain nitong tinapay. Tumawa din si Titanay. Ganito kami noon,  kaya napakahirap tanggapin na bigla nalang ito mawawala lalo nat ang magiging dahilan nito ay pera lang. Sisirain ang pundasyong nabuo sa napakatagal na panahon. Bumulong ako ng mumunting dasal at pasasalamat sa itaas. Salamat Po....

WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon