MARTI
Halos mag-aalas nuebe na natapos ang meeting namin ni Mr. Wig. So tama nga ang pakiramdam ko kanina, oras na naman ang kakailanganin sa pabor na hinihingi ni Mr. Wig.
Pabor! Isang pabor na kakailanganin ng sakripisyo. Maisakripisyo ang ilang bagay na nakasanayan ko, kailangan ng panibagong adjustment. Isang pabor na hinding-hindi ko pweding tanggihan.
Bukas ay susunduin ko si CJ, ang anak ni Mr. Wig, anak ng boss ko. CJ needs someone na willing mag sacrifice ng oras para dito, dahil sa sakit nito. Kasama nitong dadating ang nag-aalaga dito, so di ako masyadong mahihirapang alalayan ito. Si Mersing....
Hindi na din ako makakasama sa paghatid kay GDC, medyo nakakalungkot dahil kompleto sana kaming maghahatid, pero kailangan ni Mr. Wig ang tulong ko, at ngayon lang ito humingi ng pabor. Sobrang bait nito kaya nahirapan talaga akong tanggihan.
Flashback
I'll go straight to the point Marti, I need your help. I know you're the only person who could help me.
My daughter is coming from the Philippines. She is sick, she has leukemia. She's going to try the treatment offered by my friend. He is one of the best doctors in New York Hospital.
Actually, she declined my offer, but her grand mother cannot support her hospital bills anymore, that is why I forced her to come here.
I know you're very good in dealing with people, especially that you're a Filipina, and I'm sure she's going to listen to you. Please be a friend to her.
If she's fine enough for the procedure, that's the time we can bring her to Europe for the bone marrow transplant. I know I'm asking too much from you, but I'm begging you... "
End of flashback.
Hindi ko na kailangan problemahin yong project, kailangan ko lang mag-appoint ng OIC, kakausapin lang ako kung kailangan talaga ako sa office at sa field.
Sa pagtanggap ko ng responsabilidad sa anak ni Mr. Wig, priority ang kalusugan niya. Mahalaga na di siya magkasakit. Ayon kay Mr. Wig may katigasan ang ulo nito.
At bukas ay mag-uumpisa ang panibagong hamon na ito, panibagong journey. Kalahating milyong dolyar ang ibinibigay ni Mr. Wig pero di ko muna ito tinanggap, hanggat di kami maayos na nakakapagharap ni CJ. Tatanggapin ko lang ang perang yon kung magawa ko na ng maayos ang trabaho ko.
Pagdating ko sa apartment nina Rhian ay pinarada ko sa harap ang sasakyan ko. Lumabas ang girlfriend ko para salubungin ako. Pulang pula ang mukha nito. Mukhang nag-umpisa na ang inuman. Naririnig ko na ang tawanan ni Rhian at GDC.
" Hi baby! " humalik at yumakap ito. Naghalo ang pabango nito at ang amoy ng alak.
Parang nalasing ako bigla. Hinila niya ako papasok, pero hinila ko ito pabalik at siniil ko ng halik. Tumugon naman ito. Lumipat ang mga kamay nito sa leeg ko para idikit lalo ang katawan nito sa katawan ko.
" Hoy! Mga batang ito!! Pumasok na kayo baka matokhang kayo diyan. Haha!! " natawa ako at bumitaw ako ng halik.
Mukhang lasing na din si GDC, namumungay na mga mata nito.
Hinalikan ulit ako ni Alice pagkatapos ay pinunasan ko ang lumampas na lipstick sa labi nito.
" Save it later baby, it's gonna be my payback time.. " at pinadaosdos nito ang kamay sa dibdib ko.
" Can't wait baby!! " dinampian ko ulit ito ng halik.
Pagpasok namin sa apartment ay nakaka tatlong bote na ng whiskey.
BINABASA MO ANG
WHEN RHIAN RAMOS MET AN AVID FAN OF GLAIZA DE CASTRO
Fanfictiona fan...... an actress...... their connection..... their common denominator....