Pagkatapos nang ilang minutong biyahe, nakarating na rin si Marga sa talyer. "Kuya, saglit lang ha. Just wait for me here." And she closes the car window."Marga? Oh apo ba't napadalaw ka!? Hinahanap mo ba sila Dani–" Then Marga immediately hugs Mang Kulas. "N-no Lolo, I'm just here to fetch Mikoy..." Sabay lingon para hanapin ang binata. "Is he ready na ba?"
"Ah e, kaya pala nakabihis kanina 'yung bata na 'yon... pinabili ko muna saglit ng almusal para dito sa bahay. E hindi ko naman alam na aalis kayo edi sana sa iba ko na lang inutos... Teka saan ba kayo pupunta? Sinong namang– " Sambit ni Mang Kulas.
"My gosh Mikoy! 'Yan ang isusuot mo sa labas?! You're so impossible!" Sabay pag-irap ni Marga sa binatang may dalang pandesal habang suot nito ang paboritong bonnet, sando, shorts na hanggang tuhod, at tsinelas na halos sira na.
"Anong impossible impossible ka diyan? Manghihiram pa lang ako kay Kuya Gino masyado ka namang excited... mukhang crush na crush mo na ako ah?" Sabay abot ng mga pinamili kay Mang Kulas.
"Hoy Mikoy bakit ganyan ka magsalita sa apo ko ha? Kung wala kang magandang–" Marga interrupts Mang Kulas and tells him that it's okay and he doesn't need to worry about anything, the old man immediately leaves the two & enters the house to eat brunch.
"Ew, hindi kita type 'no!" Marga tries to brush off the redness in her cheeks by flicking Mikoy's forehead instead.
"Aray! Ang sungit sungit mo na nga, nananakit ka pa... ikaw na nga lang magshopping magisa." Sagot ni Mikoy habang hinihimas niya ang noo niya, baka sakaling mawala ang hapdi.
"Ikaw naman ang nauna e! S-sorry na... samahan mo na ako... please kahit ikaw na lang..." Paiyak na sabi ng dalaga, muli nitong naalala ang nangyari kaninang umaga sa mansyon. Na paulit-ulit na lang niyang nararamdamang magisa siya, na kahit pinipilit niyang tumingin sa magagandang bagay na nasa paligid niya– hindi niya pa rin maiwasang hindi magtanong sa sarili kung kailangan niya ba na maramdaman ang lahat ng ito.
Mikoy tries to grab her wrists but Marga refuses. "H-hintayin na lang kita dito, 'wag ka ring manghiram ng damit kay Kuya Gino. I-I brought you something, go get it na lang sa car." Marga's face went blank.
—
After few minutes of waiting, a tall man approach her while she's browsing her phone– wearing white sneakers, a light khaki shorts enough to exposes his flawless knees, tuck-in dark floral polo that made his collar bone & chest slightly visible.
"Naku! Mukhang ayos 'tong suot ko ah kahit 'di pa kita tinatanong kung ayos na ba, kanina ka pa kasi nakatitig e..." Sabay ngiti ni Mikoy.
Marga rolled her eyes and said, "I just have a good eye lang talaga on everything 'no. Tignan mo pati size mo tama ako?"
"Para ngang tinamaan na ako sa'yo e..." Mikoy winked at her.
"Whatever..." Halos pabulong na sabi ni Marga at nagmamadaling nagpaalam kay Mang Kulas. What was that?
—
This is the first time na magkasama si Mikoy at Marga sa sasakyan. Hindi maikakalila kay Mikoy ang amazement sa mata nito lalo na't halos magkasing-edad lang ang dalawa at may sasakyan na ang dalaga.
"Is this your first time riding a private car?" No hint of boasting from Marga's voice, just full curiosity.
"Uhm, hindi... dati nakasakay na ako sa pangpick-up ng mga bakal. 'Yung ginagamit sa junkshop? Private din naman 'yon ah?" Mikoy answered honestly. "Pero 'di pa ako nakakasakay na bata lang din ang mayari, tulad ko..."
"This is not mine naman e, sa parents ko lang 'to... so basically, parehas lang tayong walang car..." Marga smiled to Mikoy.
"Kuya are we here na ba?" Pagtanong ng dalaga sa driver. "Alright kuya, where are you staying ba?"
"Dito na lang sa sasakyan Ma'am... papatayin ko na lang po ang aircon para hindi sayang sa gas."
"Are you sure?" Marga asked.
"Naku naman Kuya! Ang init init sa parking e, ang tagal mo pang maghihintay, tapos papatayin mo pa ang aircon? Baka ikaw ang mamatay niyan... akin na 'yung number mo. Magikot-ikot ka na lang din muna o maghanap ng kadate..." Mikoy giggled. "Itetext ka na lang ho namin kapag nabili na ni Marga 'yung buong mall ha?" Sabay palo ni Marga kay Mikoy.
"Yes Kuya, I think that's a better option. It's too hot in here and too boring din..." Marga told the driver.
"So ano? Okay na po ba? Pwede na tayo magwaldas ng pera?" Mikoy jokingly said and escorted Marga to the mall entrance, ready to spend the rest of the day with her.
BINABASA MO ANG
fake flowers & feelings - #SethDrea #MarKoy
Teen FictionThis is like "Kadenang Ginto" television series continuation but more focused on Marga & Mikoy. The writing can be related to the original series itself but most of it is fully fiction written by me. Shall we start? - Hi! This is my first time writi...