"Sabi ng Lola ko..."
"Ayan ka na naman e, Lola mo na naman... papangaralan mo na naman ako." Sabay kuha ng stick ni Marga at tusok sa kikiam na tinda ni Manong malapit sa talyer.
"Malamang! E alam mo namang wala akong magulang sino gusto mong ikwento ko? Si Mang Kulas?" Pangaasar ni Mikoy.
"Duh! Alam ko naman na gusto mo lang akong asarin, e malay ko ba kung totoo mga sinasabi mo?" Irap ni Marga kay Mikoy.
"Hoy Miss Sungit, alam mo namang patay na 'yung lola ko alangan namang pagsinungalingan ko pa 'yon. E baka multuhin ako n'un e, diba Manong?" Banggit ni Mikoy. "O teka lang, marami ka na atang nakuhang kikiam at fishball ah? May pambayad ka ba Marga?"
"Excuse me?! Ako? May pambayad? Ofcourse! Kanina pa, 'yang kinakain mo... binayaran ko na."
"Naku Mikoy, e ito pa palang nobya mo ang nanlilibre sa'yo. Napakaswerte mo naman." Singit ni Manong habang nagrrefill ng sawsawan.
"Siya kamo ang swerte Manong, ako lang ang kayang magtiis sa ugali niyan... pero mali ho kayo, hindi ko siya nobya. Hindi pa." Kindat ni Mikoy kay Marga.
"As if!" Walk out naman ng dalaga.
"O teka teka, bakit ka na naman magwwalk out?! Ikaw nagpunta punta rito sa talyer at pinaalam mo pa ako kay Aling Myrna tapos ikaw na naman ang magiinarte..."
Paglingon ni Marga kay Mikoy, "Mikoy... magsstart na ang classes. Paano ka magaaral sa Maxwell ngayon?"
"Maxwell?! Ah e Marga, alam mo namang gusto ko magpatuloy sa pagaaral... pero tingin mo kaya kong tustusan sarili ko d'un sa Maxwell? Sabi ni Kuya Gino, dapat daw doon ako sa realidad." Buntong hininga ni Mikoy. "Kaya ko pa rin naman magpanggap na manliligaw mo, pero kung sa gan'ong level na... naku, diyan tayo magkakaproblema..."
"Naiintindihan ko naman Mikoy, pero ako ang bahala... gagawan ko ng paraan." Sambit ni Marga habang naglalakad kasabay si Mikoy pabalik ng talyer.
"Pst pst oy! Anong paraan? Ayokong makakarinig ng paraan paraan na ganyan baka ibenta mo pa ako!" Sabay tawa ni Mikoy.
"How dare you say that?! Hindi rin ako maruming tao na maiinvolve sa ganyan 'no?!" Pagtaas ng kilay ni Marga.
"Hoy anong maruming tao na naman 'yang pinaguusapan niyong dalawa?! Hali nga kayo rito at kanina pa namin kayo hinahanap..." Paglapit ni Kuya Gino.
"W-wala po 'yun Tito, Mikoy and I are just messing up with each other..." Pagsisinungaling ni Marga.
"Naku kayong dalawa ha! Marga kanina pa naghhintay ang driver mo at may pupuntahan daw kayo ni Kuya Carlos... ikaw naman Mikoy, konti na lang ang pasensya ni Tatay... dalian niyo na..." Sabay pasok ni Gino sa bahay para ihatid ang materyales.
"So ano Mikoy? See you tomorrow?"
"Ayan na nga ba sinasabi ko e, crush mo na ako 'no?"
"Ofcourse not! Let's go shopping tomorrow! Okay? Kailangan ko lang ng tagabitbit..." Pangaasar ni Marga bago pumasok ng sasakyan."Mikoy!!!!! Nakung bata ka kanina pa kita hinahanap! Itong sasakyan na 'to may sira raw, pakitignan mo naman..." Sigaw ni Mang Kulas palabas ng bahay.
"Ah e, sige ho Mang Kulas..." Paglingon ni Mikoy kay Marga para tignan kung nakaalis na ba talaga ang dalaga.
BINABASA MO ANG
fake flowers & feelings - #SethDrea #MarKoy
Fiksi RemajaThis is like "Kadenang Ginto" television series continuation but more focused on Marga & Mikoy. The writing can be related to the original series itself but most of it is fully fiction written by me. Shall we start? - Hi! This is my first time writi...