vii: dalgona coffee

87 5 3
                                    

author's note: hi! omg idk what to start, i know it took me months and months to write something about this superior main ship: marga & mikoy but please bare with me since i started this fiction during my last year in college that's why i became extra busy and i know no one cares about it but hey, i: graduated! (even though no graduation ceremony, i am grateful!) now i have no guilt to write about this again. kinda?

i wanna ask how are you been coping up since kadenang ginto ended months ago? plus i didn't know i'll reach 800+ reads, you guys are amazing! ●︿●

and lastly, i just wish and pray that you guys are extra safe during this pandemic. all is well.

now back to the fic since i'm months and months late about this! [wink]

Dali-daling inubos ni Mikoy ang almusal na hinanda ni Aling Myrna at sabay umalis sa mesa, "Aba Mikoy, akala ko ba wala kang pasok?! Ni hindi pa umuupo si Kulas e tapos ka na?!" Sambit ni Myrna habang dala ang pitsel na may lamang tubig.

"Ah e, e si Marga ho kasi e..." Banggit ni Mikoy bago inumin ang tubig na inabot sa kanya ni Aling Myrna.

"Ni hindi ka pa nga umiinom nang tubig, naku talaga 'tong batang 'to– si Marga?! Wala pang alas-otso Mikoy saan ba na naman kayo pupunta!?"

Pagkalabas ni Kulas sa kwarto ay dali-dali itong nagdabog, "Ano ba naman! Sino ba 'yang maingay na 'yan? Myrna ikaw na naman ba 'yan?!" Hindi na nakaimik si Myrna at tamang-tama namang nakatakbo si Mikoy papalapit sa gate ng talyer para makaalis.

"Naku, Mikoy naman dalian mo naman bakit ba ang ikli ng biyas mo... baka malate ka na naman..." bulong ni Mikoy sa sarili habang naglalakad papunta sa paboritong coffee shop ni Marga.

Pst. Pst. Pst!

"M-marga?"

"Oh..." Pag-irap ng dalaga. "May iba ka pa bang inaasahan?"

"W-wala, e kanina ka pa ba? Bakit parang 'di ka manlang nahaggard kahit konti e ang init init dito oh!" Pagpaypay naman ni Mikoy habang sumusulyap sa dalaga.

"Mainit dito sa labas? O ako lang 'yung hot?" Pagkantyaw nito. "Sabagay, hindi ko naman susuotin 'tong paborito kong summer dress for nothing! Thank you na agad Mikoy sa compliment ha!" Agad agad naman pumasok ang dalaga sa coffee shop.

Tila ba naging istatwa ang binata sa nakita. "Bakit pa ba ako nagabalang sumama rito e ang dami na ngang inuutos sa'kin sa talyer, tsaka magaaral kami diba? Bakit parang bihis na bihis naman siya ngayon, birthday na ba niya?!" Sumunod na rin si Mikoy sa loob.

"Ano ba! Bakit ba ang tagal mo?!"

"Huy Marga, wala pa tayong limang minuto dito ang init na naman ng ulo mo ah."

Pairap na umupo si Marga sa couch at nilapag ang kanyang mga gamit pangturo, "Dinala mo ba 'yung textbooks mo at school essentials?!"

"Anong school essentials na naman pinagsasabi mo, oo Miss dala ko 'yung mga libro ko at isang ballpen, at itong yellowpad." Sambit ni Mikoy habang pinapakita ito kay Marga. "Pwede na ba tayo magstart, Miss Marga?"

"Fine, order lang muna tayo ng coffee so we can start. What do you want? My treat! Ako naman this time kasi nilibre mo ako ng ice cream cone last time na lumabas tayo..." Pagtatanong ni Marga.

Sumulyap naman bahagya si Mikoy sa kanyang coin purse at napabuntong hininga, "Ah e, mukhang mahal dito Marga. Basta kung ano 'yung pinakamura diyan. Tubig? Pwede bang tubig na lang?"

"Mikoy naman e," Tumayo na si Marga papunta sa counter. "Ah alam ko na, let's get this coffee na trending online na lang. I wanna know if it's worth the try. Wait lang ha..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

fake flowers & feelings - #SethDrea #MarKoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon