Chapter10: Red Days2

108 0 0
                                    

LAVINIA (POV)

Nung nakarinig ako ng busina galing sa labas, tumakbo na agad ako dahil alam kong si Babyboy ko yun... ^^

"Babybooooy!!!" Sigaw ko nang makita ko siyang lumabas galing sa sasakyan niya... Wow! Ang pogi niya ha! Bagay kami! Hehe ~

"Hi babe. ;)" Woaaah. Buti nalang niyaya ko siya maging boyfriend ko. Hehe ~

"Hello Babyboy. :*" Yieee! Nakiss ko si boyfie sa cheeks! Gaaah! Sabog na pantog koooo.

"Haha. Ready?" Ready saan? Sa kama? O.O

"Ready saan?!" Excited na ko!

"Sa party po. Hahaha!" Shoot! Oo nga pala. Hahaha sa party pala kami pupunta.

"Ready na koooo!" Ang halay ng isip ko ngayon ha? Ganto ba talaga lagi pag nagkakaroon ang isang babae? Moody. >.<

Pinagbuksan niya ko ng pintuan pagkatapos ay pumasok na siya sa kabila...

"Babe yung seatbelt mo..." para naman akong baby neto! Kailangan pa ipaalala, e alam ko naman eh!

"Alam ko. Don't tell me what to do.." Biglang uminit ulo ko sa sinabi niya. E alam ko naman talaga na kailangan mag-seatbelt eh! Sinasabi pa.

"Oh? Ba't ang init ng ulo ng baby ko?" Che! Kausapin mo paa ko!

"Whatevs! Tara na.." Itutulog ko muna to.. Zzzz

BLAKE (POV)

Anong nangyare diyan? Bigla nalang uminit ulo.

Mga babae nga naman oh, Ang moody...

Pagtingin ko sa katabi ko, tulog na..

"Baby. Gising na, nandito na tayoooooo..." Haha. Ang cute naman niya matulog, mukha pading Maldita.

"Hmm... Later na..." Later? Anong oras na ah..

"Baby wake up! Anong oras na oh! Kanina ka pa natutulog, buong biyahe ka pong tulog.." Puyat ba tong Malditang to? o.O

"Oo na! Oo na! Anong oras na ba?"

"1:40 na po, di pa tayo nag-lulunch. Di ka pa ba gutom?" Di pa ata to nag be-breakfast ah...

"Nagugutom na poooo ~" sabi na eh ^^

"Oh, tara na. Gutom ka na pala eh.^^" Hahah. Buti naman di na nagtaray. Gutom na din ako e, kainin ko siya. ^__~

LAVINIA (POV)

*yawns*

Nagugutom na ko..

"Blake! Tara labas na tayo!" Ang pogi talaga ni Blake ngayon!

Kahit naka simpleng gray shirt lang siya pati denim pants ang gwapo niya pa deeeen. <3 Buti nalang nakuha ko siya! He's mine..

Back off Bitches ^^

"Let's go. Baka ikaw pa makain ko.." O.O

Bastos ba yung pagkasabi niya o sadyang na-- Aish! Anobayan Lavinia! Bad! Bad!

Pagkalabas namin, pumasok na agad kami sa malaking gate na Beige. Hmm...

"Uy! Pare! Kala ko nilamon ka na ng lupa ah! Tara kain muna kayo!" Bati nung lalaking singkit kay Blake..

"Hahaha. Sinundo ko pa kasi yung girlfriend ko eh.." Wow. Hahahah. Kilig naman. ^^

"Oy onga no! Haha astig! Pakilala mo samin mamaya yan ah! Mukhang gutom na gutom ka na kasi eh! Happy eating nalang par!"

Anobayan! Pwede bang mamaya na sila mag-kwentuhan?!

Gutom na din ako eh!

Ngayon pa naglokohan tong mga Ungas na 'to!

"Hahaha Oo! Papakilala ko sainyo to mamaya!" Kung makasabi naman to, para 'kong Barbie Doll na ipapakilala sa mga friends niya..

"Sige Bro! Kain muna kayo! Nandun sila Kent sa loob.." K, Fine whatever. Gutom na ko..

"Baby ~ Gutom na kooo ~" papaawa muna ko sa lalaking to ah? ;)

BLAKE (POV)

Pumasok na kami at nagsimula nang kumain...

Nakakainis naman! Pinagtitinginan si Lavinia dito! Ngayon lang ba sila nakakita ng Babaeng ubod ng taray? -,-

"Babe, pinagtitinginan ka oh.." Hahaha. Bulong ko sakanya habang kumakain kami...

"Whatever. Ganyan talaga pag maganda, pinagtitinginan." Hahahaha. Kulit talaga kasama nitong babaeng to! ^____^

Pagkatapos naming kumain, naki-jamming lang kami dun sa mga kaibigan ko...

"Oyy! Solid! Pakilala mo naman kami kay Ms. Beautiful!" Sigaw ni Kent.. Kahit kelan talaga.. Tsk.

"Haha. Guys! She's Lavinia, Girlfriend ko.." Inakbayan ko pa si Lav para mas sweet ^^ Dagdag points yun!

"WHOOOOOOO!" Sigaw nung mga Tukmol..

"Lav! Si Kent, Si Lance and John..." Pagpapakilala ko sakanila..

"Hi Laaaav.." kung maka-hi naman tong tatlong to, kala mo baliw!

"Woi! Akin na yan mga Tsong!" syempre kailangan kong bakuran yung Lav ko. ^^ She's mine, back off Man! ^^

"Hahaha. Blake! Cr muna ako ha? ^^" paalam ni Lav sakin.

"Okay. Pag-liko mo jan, direstso ka lang tapos yun na yon..." Mahirap na, baka kung san pa to makapasok e :3

Nagkakasiyahan kame ng biglang dumating ang isang grupo ng mga babae...

Naku! Isang pitik lang ni Lav jan, Talsik yan!

"Hi boys!" Tili nung isang babaeng makapal ang make-up..

I mean, bakit kailangan pa nila mag make-up ng ganyan kadami? E hindi naman pantay yung kulay nila sa leeg. -,-

Nagulat ako ng biglang may lumapit sakin babae...

"Hi Prettyman, You alone?" Kumindat pa siya sakin. Patay ako kay Lav neto pag nakita kame....

REBEL KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon