Chapter14: YOU DECIDE

95 0 0
                                    

John (POV)

Di ko alam kung anong gagawin ko ngayon, Masyadong mabilis ang mga pangyayari... Parang kanina lang susurpresahin sana namin si Lavinia dahil nagpatulong si Blake na makipag-ayos..

Ngayon tinatanaw namin ang isang building na kasing dilim ng budhi ni Blake..

Sira ulo talaga yung lalaking yon eh!

Alam naman niyang nag-CR lang si Lavinia e, lumandi pa sa Clarisse na yun! Kahit ako nabwisit kay Blake e!

Tanginis.

"Oy mga Kupal! May lumalabas!" bulong ko sa tatlong itlog.

"SHOOT! PARE MGA BABAE!" sabi ni Kent nang makita naminng papalabas ang mga nagsesexyhang babae.

Nagulat ako dahil mga babae ang lumabas sa gate.

"Grabe pare! Sure ka bang sila yung dumukot kay Lavinia? E ang sesexy oh!" Pambihira naman tong si John, puro babae parin ang iniisip.

"Di ko alam, pero sure ako! Nakita ko si Lavinia dun sa kotse nila WALANG MALAY PAR!"

Alam kong masama ang manisi pero alam kong sila talaga yun!

Bwisit! Ang daldal kasi nitong mga lalaking to e! Di tuloy namin nabantayan ng mabuti si Lavinia.

Paglingon namin sa pwesto niya, wala na siya at may kotseng nagmamadaling umalis..

sa sobrang paranoid namen..

Edi sinundan namin..

Di namin mapasok yung building dahil baka pati kami ay di makauwing buhay.

Nalilito din kami kung papasukin ba namin yung building o hindi?

Inaabangan lang namin kung ano ang mangyayari.. Pero kinabahan kami nung may narinig kaming sigawan sa loob.

"Pre! Narinig niyo yun?" Kinakabahan ako.. Pano kung anong mangyari kay Lavinia?

Nagkagulo na kami nung makarinig kami ng sigawan sa loob..

"ARAAAAAY! STOP! PLEASE STOP! AHHHHH!" Sh*t. Baka kung anong ginagawa kay Lavinia sa loob. Alam kong stupid kame dahil naririnig na nga namen, wala pa kaming ginagawa.. Kayo kaya. :p

Nag-aalala na kami kay Lavinia. Kahit ngayon lang namin siya nakilala, syempre natutunan na din namin siyang mahalin. Dahil may kasunduan kameng magto-tropa.. Ang gf ng isa, gf ng lahat. Kumbaga, pag may girlfriend ang isa, rerespetuhin at aalagaan mo rin kung paano mo gustong tratuhin ang gf mo. Ngunit, walang talo-talo.

"Pre! Si Lavinia ata yun oh!" WTF. May lumabas na dalawang lalaking malaki at puno ng tattoo sa katawan. Grabe sila kung makahagis kay Lavinia. Basta nalang nila kinaladkad at hinagis sa semento. Grabe. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.

Mukhang hinang-hina na si Lavinia. Nagui-guilty ako dahil wala kaming magawa para iligtas siya. Sorry Lavinia, Sorry Blake...

REBEL KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon