Chapter22: WHAT A LIFE

78 1 0
                                    

LAVINIA (POV)

Pagkaalis namin sa loob ng village nila Meg, tahimik na ulit kame.

"Kuya kailan ba tayo uuwi ng Pinas?" Bigla kong namiss sila daddy nung nakita ko yung family ni Meg kanina sa labas habang hinihintay siya. Kung ako yan? I'm sure si Manong lang yung maghihintay sakin. Nagsasawa na ata mga tao sakin dun e.

"Why? Gusto mo na ba umuwi?" Tanong sakin ni kuya Lance

"Um.. I don't know. I feel like i'm just a shitty burden here..." I replied. Totoo naman eh.. Feeling ko pabigat lang ako sakanila.

"Nah.. Don't say things like that. Di ka pabigat, baby girl ka namin remember?"

"I know.. But, Feeling ko nahihirapan kasi kayo dahil sakin eh.." I'm not that bad para pahirapan yung mga taong nagmamahal sakin. Onti na nga lang sila papahirapan ko pa?

"That's not true. Unless ayaw mo na kaming makasama.. Ayaw mo na ba samin?" Malungkot na tanong ni Kuya Kent.

"Syempre hindi noh! Kayo na nga lang nagmamahal sakin eh.." Sila na lang ata talaga.

"Anong kami nalang? Syempre may nagmamahal pa sayo jan, di lang kami. Baka naman natatakot lang silang ipakita yung pagmamahal nila sayo kasi baka tarayan mo lang sila. Hahaha.."

"Hahaha. Pero kuya.. Seryosong tanong, Mahirap ba kong mahalin? Kasi minsan parang invisible nalang ako sa paningin nila Kuya and daddy eh.." Nalulungkot ako. Parang pag nawala sila sakin wala na talaga akong kakampi.

"Lav..." Alam kong ayaw nila ng ganitong kwentuhan. Pero gusto ko lang malaman kung bakit lahat ng tao inaayawan ako. I mean, I know Maldita ako pero di ba nila na fe-feel na mahal ko sila? That's true. Nahihiya lang akong i-express yung feelings ko towards them.

Para kasing pag sobrang attached ko na sa kanila, abusuhin nila ako. I don't like that.

Di na ko sumagot at natulog nalang ako buong biyahe. Ang layo kasi ng bahay ni Meg Bisugo e. -,-

LANCE (POV)

Bigla akong naawa sa sitwasyon ni Lav. Siguro nga nahihirapan na talaga siya. Hindi naman si masama eh. Sadyang Maldita lang siya.

Sinilip ko si Lav sa likod at nakita kong tulog na. Mukha siyang inosenteng bata na naghahanap ng pagmamahal.

Grabe, mukha siyang pagod na pagod. Ayoko siyang kaawaan dahil alam kong malakas siya.

Maya maya lang nakarating na kami sa bahay...

Binuhat ko na si Lav papunta sa kwarto niya. Ayaw na namin siyang gisingin baka umiyak eh. Umiiyak siya lagi pag naiistorbo tulog niya. Parang baby talaga. Tsk.

Nung hiniga ko na siya sa kama.. Pinadaan ko muna yung kamay ko sa buhok niya..

Ang amo ng mukha niya pero pag gising kala mo Senyorang namenopouse. Hays.

Nung nakita kong mahimbing na yung tulog niya, bunalik na ko sa kwarto ko at nagbihis na. Hay nako Lav.

*The next day*

LAVINIA (POV)

5:00 am

Narinig kong nag-alarm na yung clock ko. Hay Nakooo ~

Umaga nanaman. Pwede bang habaan yung gabi? Ang sarap talaga matulog e. -,-

Tinatamad sana akong pumasok pero kailangan. Baka mapalo pa ko nila Kuya nito.

Mahirap na, ang dami pa namang sinturon sa kwarto nila.

Naligo na ko at nagbihis na ng isang Polo shirt na white pati creme colored na shorts, binagayan ko na din ng Vans na plain black. Bagay naman e, Well.. Ayus ba? ;)

Bumaba na ko at nakita kong busy sila sa mga ginagawa nila.

Si Kent pasimpleng kinakain yung baon ni Kuya John,

Si Kuya John nag to-toothbrush,

Si Lance naman nag papacute pa sa harap ng salamin.

Tumayo lang ako dun at naka-ngiting tinignan sila.

I don't know what my life is without them..

Alam kong dadating sa puntong mahihirapan at aayawan din nila ako.

Puro ako negativity? Beacause that's the truth. Alam ko sa sarili ko na mahirap ako pakisamahan. Buti na nga lang may bago na kong friends sa school e. Pakilala ko nalang sila mamaya. xx

REBEL KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon