Chapter27: BABAENG LALAKE

61 0 0
                                    

LAVINIA (POV)

Otw na kami sa comp shop para maglaro. Nabalitaan ko kasi kaninang umaga na may dayo kaya niyaya ko na agad yung mga itlog

Sino namang poncio pilato ang naglakas loob na dumayo dito sa street namen?

4Kings nga tawag samin eh. Nakakasuka. Masyadong maraming alam. (--,)

Pati ako ginawang lalake. buset

papasok palang kaming apat nung magsimula nang maghiyawan yung mga tae-- este tao.

Ang iingay nitong mga itlog na to!

"Oh! Pierce! Long time no see.." Bati sakin ni Kenn nung makita niya ko.

Maraming Pinoy dito sa lugar namin, kaya minsan.. Kami kami nalang din ang magkakasama.

Isa sa mga Top player yang si Kenn, gwapo sana kaso barumbado.

Lakas mang-asar niyan, kung makipag rakrakan kala mo walang bukas.

Pag nakipag-trash talk yan, abot kabilang street.

"Hahah. Musta pre? May dayo daw ah.."

"Oo! Damn! Malakas sila, kaya nga ikaw na pinatawag ko e. Marunong magtagalog pare! Na-putaragis nga ako kanina e.."

Malakas? Bihira lang mang-puri yan si Kenn. Kung malakas ka talaga, kilala ka niya. Nagtatagalog din pala si dayo. Coincidence ba to O lugar talaga ng mga Filipino ang Kowloon?

"Kala ko nga taga dito eh. Nagulat ako biglang nagtagalog. Mukhang sanay na sanay pa eh! Haneeep!"

Kulit talaga nitong singkit na to!

"Oo na! Oo na! Pambihira! E ano naman kung nagtatagalog? Tibagin ko yun eh.." Hahah. Ang yabang ko.

Pag dito talaga walang hiya hiya, ilabas mo tapang mo para hindi ka aapihin.

"Oh! Goku pano ba yan? Malakas daw! Hahaha! Laro ka ngayon?" tanong sakin ni Dave pagkaalis ni Kenn.

'Ako pa ba?'

"Oo sige. Sali tayo. Minsan lang naman eh.."

Nakipag usap na kami kay Kenn pati sa iba. 3 lalake daw yung dayo kanina, sabi babalik daw sila pag dumating na ko, kilala nila ako dito bilang Pierce, ayokong Lavinia ang itawag nila sakin.. baka masira reputasyon ko. lels. :p

"Tara foodtrip muna tayo, tatawagan nalang daw ako ni Kenn pag nandiyan na." niyaya ko muna silang kumain dahil nagugutom na din ako.

Ayokong magutom nakakainit ng ulo. ../..

Nandito kami sa isang resto, lumalafang ng noodles.

"Ahhh.. Ang sarap! Ang bigat sa tiyan! Kaasar! Yung abs ko baka matabs!"

"Halaaa! Baka hindi ako makalaro mamaya! Inaantok na ko sa kabusugan.."

"Tara mga tsong! Tulog nalang tayo! Kaya na ni Goku yan!"

(--,)

"Subukan niyo lang mang-tokshit, tatadtarin ko kayo ng kapakyuhan!" sigaw ko sakanila.

Balak pa ata akong iwan ng mga to.

"HAHAHAHAHAH!" Tawa nung tatlong itlog.

"Onga pala, Gray! Ba't Goku tawag mo kay Lav?" tanong ni Keith kay Gray habang nakatingin ng diretso sakanya.

"Ahh.. Hehe Halika halika.."

Nilapit naman ni Keith yung tenga niya sa bibig ni Gray at may binulong si Gray kay Loko.

"Hahahahahah! HAHAHAHAHHA! Hahahhaah! Supeeeeeer--" biglang tinakpan ni Gray yung bibig ni Keith at pinandilatan niya ng mata.

"Ang ingay mo loko! Kaya ko nga binulong sayo eh! Epalogs ka talaga!"

Ano ba yun? o.O

"Ano ba yun? Share niyo naman sakin.." sabi ko sakanila. Nacurious talaga ako.

"Eh wala.. Wala.. Onga pala, How's school?" biglang tanong ni Gray sakin.

"Nakatayo pa."

"Ano?" takang tanong niya

"Nakatayo p--" pinutol niya yung sasabihin ko

"Alam ko! Anobayan! Uulitin pa! Sabi ko musta studies mo!" Studies eh?!

"E kanina sabi mo school! E nakatayo pa naman school natin ah! Gusto mo bang lumubog yun?! Ngayon mo lang sinabi yung studies eh! Bopols!" Anak ka ng kagang! Wag niyang pinapainit ulo ko ha!

"HAHAHAHAHAHHA! OH ANO PRE?! SCHOOL KA PA HA!" Asar naman ni Dave kay Keith habang naiiyak na sa katatawa.

Ano bang nakakatawa? Ang babaw naman nitong mga Ungas na to!

"Tsk! Tsk! Tsk! Sa susunod kasi wag kayo magtanong ng pa-tanga kay Goku. Walang sinasanto yan.." pangaral naman ni Dave sakanila.

Teka, ba't parang ang tahimik ni Dave ngayon.

"Dave. Ba't parang ang tahimik mo ngayon?" takang tanong ko sakanya. Dati e lagi naman siyang nag-iingay. Siya nga may pinakamalakas na boses saming apat eh.

"Wala lang. Busog eh.." nakangiti pang sagot niya sakin.

"Busog ba talaga? E parang yung mata mo ata nabusog kakatingin kay Gok--" Biglang sinakal ni Dave si Keith.

Ano daw? Nabusog yung mata ni Dave? Hala.

"Nabusog yung mata ni Dave? Nagshare ba sila sa noodles?" O.o

Nakakagulat talaga. Nabusog ba talaga yung mata niya o sadyang slow lang ako? Hays.

"Hahahahahhahaaha! Hay nako Goku, ang cute cute mo talaga! Hahaha!" kinurot pa ni Gray yung pisngi ko habang sinasabi niya sakin yon. Grabehan

"Hehe. Ikaw kasi hindi eh hehe.." bulong ko sa sarili ko. Hehe ~

"naknang! Ano?!"

O.O Narinig niya pa yon? Ang hina na nun ah!

"Ha?! Wala naman akong sinasabi! Sabi ko ang cute mo din talaga! Pramis ko yun! Totoo yun!"

Hahahaha. Para kasing kakainin na ko eh. :(

"Ahh.. Siguraduhin mo lang, baka gusto mong hindi ka makalaro mamaya.."

"Ehhhhhhh! ^3^" Nagpacute pa ko kay Gray para payagan ako.

"Oy tama na nga yan! Baka magkatuluyan na kayo jan! Kawawa naman si Loverboy dito oh! Hi Dave."

biglang sabay ni Keith sa usapan namin ni Gray.

Si Dave? Loverboy? Hahahaha.

"Dave! Loverboy? May krass ka na?!"

Wala pa talaga akong balita tungkol sa crush ni Dave, laging si Keith pati Gray lang ang nagsasabi ng crush. Ang dami nga e ^^

"Huh? Wala akong crush.." tanggi pa ni Dave.

Ahh. Kala ko naman! Sayang!

"Makukuha mo na sanaaa ~ Kaso binitawan mo paaa ~" kanta nila Gray habang pumipikit-pikit pa.

"Manahimik nga kayo! Para kayong mga tanga!" singhal naman ni Dave sa dalawa, habang yung dalawa naman tawa lang ng tawa.. Ano ba nangyayari?

"Oh! Calm yo balls mga pre! Ano ba nangyayare? Di ko kayo magets.."

"Hahaha. Wala yun. No biggie.."

"Ahh.. "

Maya maya lang tumawag na si Kenn, nandun na daw yung dayo..

Pumunta na kami agad don at nagulat ako sa nakita ko..

Makakalaban ko pala siya..

Ang taong kala ko ay mahalaga ako sakanya..

REBEL KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon