Chapter28: HELLO AGAIN BRO

54 0 0
                                    

LAVINIA (POV)

Pagpasok ko pa lang ng shop, sinalubong na agad ako ng malamig na simoy ng aircon at ang amoy ng alcohol sa loob.

sinisigurado nilang malinis ito bago magka-rakrakan sa loob.

May nakita akong lalaking matangkad, well-built ang katawan at maputi, medyo magulo din ang buhok pero nababagay naman sa hubog ng katawan niya, kapansin pansin din siya dahil sa taas niya.

'Siguro mga 6'3to.'

Parang pamilyar talaga yung likod niya pero hindi ko matandaan kung san ko siya nakita.

Nakita kong haharap na yung lalaki at nagulat ako sa nakita ko..

Si Kuya.

Nakita kong nanlaki din yung mata niya nung nakita niya ko..

'hindi niya siguro akalain na mapapariwara akong ganto..'

Ibang iba na din kasi ang itsura ko ngayon

Mas pumuti,

Mas humaba buhok,

Mas Tumangkad,

Mas Matapang,

Mas pumayat,

ang laki daw ng pinayat ko, kaya medyo sagana ako sa pagkain ngayon.

At sabi din nila, nawalan na daw ng buhay yung mata ko..

Marahil ay dahil ito sa mga nangyari sa buhay ko, minsan nawawalan na din ako ng ganang mabuhay.

Saklap? <|3

Oo, pero ganon talaga e. Wala kang magagawa.

Lumapit ng mabilis si kuya sakin at yayakapin sana ako.. Pero umiwas ako, ayoko nang maging malapit sa taong hindi naman ako mahalaga sakanya.

"Nandito tayo para maglaro, hindi para mag-reunion." Casual na sabi ko habang iniwasan ko siya.

Nakita ko sa gilid ng mata ko pagkapahiya niya sa sarili niya.

Alam kong hindi ko alam ang nangyari kung bakit hindi niya ako nahanap, alam kong mali tong ugali ko dahil napaka-immature ko naman kung ganon.

Pero alam kong may pera si kuya at kaya niya kong ipahanap ng isang pitik lang.

Iba kasi yung nafefeel ko ngayon, feeling ko hindi ako worth it para ipahanap.

Ilang buwan na kong nawawala, hindi niya pa rin ako nahahanap? Nakakalungkot lang.

Stubborn? Over-reacting? Immature? Nah.

|Lav's Brother| TYLER (POV)

Hindi ko akalain na dito ko makikita ang bunso kong kapatid, miss na miss ko na siya..

Di ko alam kung pano ko papatapusin yung araw simula nung mawala siya..

Para na din akong namatayan, kaya nung nakita ko siya hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko...

Pero nung nagising ako sa katotohanan at nalaman kong totoo nga to, lumakad agad ako ng mabilis at yayakapin ko sana siya..

Nagulat ako ng umiwas siya, hindi ganyan ang Laviniang kilala ko..

Muntik ko na din siyang hindi makilala.. Bukod sa sumobra ang pagkaputi niya, pumayat din siya..

pati kung maka-asta na din siya ngayon, parang lalake.. alam ko mahilig siya sa dress, heels, earrings na malalaki, singsing na bato...

Pero ngayon? Muscle shirt, black pants, sneakers, relo, at itim na hikaw lang ang suot niya..

Grabe ang pagbabago niya ngayon.. Pero hindi ko pa din alam ang nangyare..

"Namdito tayo para maglaro, hindi para mag-reunion." Nahiya talaga ako nung umiwas siya sa yakap ko..

Nung paalis na siya, hinila ko siya sa labas at sinakay sa sasakyan ko.. Iwan ko muna sila Jake at Pierce jan.

Masyado siyang malikot kaya medyo nahirapan ako, pero dahil mas malaki ako sakanya, napasok ko agad siya sa kotse ko agad agad..

Nung umawat na siya, nilagyan ko na siya ng seatbelt at dali-daling umikot patungo sa drivers seat.

Walang umawat samin dahil alam ni Kenn na magkapatid kami, may deal kasi kami about dun kaya ako napadpad dito sa HongKong..

|Flashback~ |

Kasalukuyan kong tinatawagan ang isa sa pinaka matalik kong kaibigan.. Si Kenn.

Maya maya lang sinagot na niya yung tawag..

"Hello! Pare! Napatawag ka?"

"Kenn! I need your help! nawawala kapatid ko.."

"What?! Damn! Nasan kapatid mo? Baka naman nanjan lang.."

"Hindi pare! Ilang buwan na to! Please help! I know it sounds gay pero kailangan ko ng tulong mo.."

"Ha?! Seryoso ka talaga? pare hindi magandang biro yan, hindi magandang pamilya mo ang ginagamit mo sa biro mo.."

Sino ba naman kasi ang maniniwala? Ang pamilya namin ay kilala bilang isa sa mga matataas na rango at karespe-respetong pamilya sa Pilipinas.

Imposibleng mawala ang isa sa amin, tatlo na nga lang kami, mawawalan pa ng isa? Damn.

"Pare please. Kilala mo naman si Lavinia diba?"

"oo. pero hindi ako kilala ng kapatid mo, baka hindi sumama sakin yan.."

"Kahit pag nakita mo lang, sabihin mo sakin."

"Gege. Pero hindi ko sure pare ah? Buong HongKong lang hawak ko.. Di ko na hawak yung iba.. Mahirap maging pinuno.."

'Peste talaga to! Puro kahanginan pa din. Hahaha..'

"Ge. Salamat pre! Subukan kong dumalaw diyan minsan pag ayos na problema ko.."

Tama. Isa kaming grupo ng mga barumbado. Pero kahit ganon, matino at may respeto pa rin kami.

Isa kami sa pinakamalakas na grupo sa Asya.

I don't wanna brag but, we're strong as fuck.

|present time|

After 1month, tumawag na si Kenn at nakumpirma niya na dito nga matatagpuan si Lavinia.

Nagtaka talaga ako nung nalaman kong nasa HongKong siya. E wala naman kasi kaming kamag anak dito..

"San mo ba ko dadalhin?!" Galit na tanong niya

"Iuuwi na kita.."

"Ano?! Ayokong umuwi! Gusto ko dun!" Hindi siya pwedeng magstay pa dito. Maraming gang dito na pwedeng dumukot sakanya.

Lalo na pag nalaman nilang kapatid ko siya..

"Hindi ka na safe dito, maraming tarantado dito!" Kahit kailan hindi naging safe ang lugar kung san pinapalibutan ka ng mga rebeldeng kabataan na puro basag-ulo lang ang iniisip.

"PERO MAY NAGMAMAHAL SAKIN DITO!!" Sigaw niya sakin kaya napapreno nalang ako at parang dinurog ang puso ko sa sinabi niya.

-----------------------------------------------

Author's note:

Hey Dope!

Another chapter nanaman!

Don't forget to:

VOTE & COMMENT

MAS MAFEE-FEEL KO BWAHAHAH

LABYU! ~(^O^)~

Bye Loves. :*

$$$$

REBEL KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon